ALANIS' POV
[Before Russel and Marinel's Confrontation]
Alas diyes na ng gabi pero nandito pa rin ako ngayon sa parke na malapit lang sa subdivision namin. Ang akala ni Russel ay natutulog na ako dahil iyon ang sinabi ko sa kanya pero gusto ko munang mapag-isip at mapag-isa.
Russel, The guy that I've met 2 months ago. The Student School President and running for Valedictorian in YG Academy. Russel Madrid is now my boyfriend.
Masyado nang maraming nangyari simula nang lumipat kami ng pamilya ko dito sa Maynila. Noon, masaya at may kalayaan ako para gawin ang gusto ng puso ko pero ngayon, pakiramdam ko ay kontrolado na ako. Bawat hakbang at galaw ko ay parang kalkulado na rin. Minsan nga naiisip ko na sana ay hindi na lang kami umalis ng Masbate. Masaya na ako noon na kasama ko ang mga kaibigan at mga kamag-anak namin doon pero, may mga pangyayari talagang dapat nating harapin at maranasan.
Hindi lahat ay masarap, minsan kailangan mo rin maranasan ang hirap at pagsasakripisyo upang mas maging matibay, matatag at may pananalig ka sa Diyos. Maybe this is God's fate for me. Kailangan kong pagdaanan ito para matuto ako sa mga bagay na hindi ko pa kayang gawin at magdesisyon ng tama na para naman sa sarili ko.
Nakaupo lang ako sa isang swing sa park na pinuntahan ko. Nililipad ng hangin ang buhok ko habang nakatingala ako sa langit at pinagmamasdan ang buwan at mga bituin.
Ang ganda ng paligid kapag gabi. Nakakarelax pa ang malamig na simoy ng hangin. Pumikit ako at humiling.
"Kayo na po ang bahala sa akin. Bigyan niyo po ako ng lakas at tibay ng loob para sa haharapin ko pong mga pagsubok na ibibigay niyo sa akin. Amen." Napamulat ako ng mata at napangiti.
Ang sarap pala sa pakiramdam na kausapin si God. Hindi man natin siya naririnig at nakakausap ay sigurado naman tayong nandiyan lang siya sa ating paligid at ginagabayan niya tayo.
Ineenjoy ko ang momentum ko dito sa parke at pumikit muli nang maramdaman kong may umupo katabi sa swing na inuupuan ko. Napamulat ako ng mata at nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.
"Julian?" He smiled at me at tumingala rin ito sa langit.
Nakasuot siya ngayon ng red jacket na may hood, white t-shirt, pants at sneakers. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming mga babaeng nagkakagusto sa kanya.
Gwapo siya, maputi rin at matangkad. Kung tutuusin nga ay mas gwapo pa siya kaysa kay Russel na ngayon ko lang napansin pero may iba rin kasi kay Russel na mas lalong nagpapa-attract sa mga babae.
"Nandito ka rin pala," Sabi niya at ipinikit ang kanyang mga mata.
Noon, ang nakikita kong Julian ay isang warfreak, mayabang, bastos, selfish, manipulator at bully pero ngayon, parang ibang Julian na ang nakikita ko. Simula nung pinagtabuyan ko na siya ay hindi na niya ako muling ginulo pa. Wala na rin akong nababalitaan na may sinaktan siya o binully ulit na estudyante.
Tama nga si Denver, hindi mapagpanggap at sinungaling si Julian. Julian is Julian, you can clearly see through his eyes that he's a real and nice person inside.
Napaiwas ako ng tingin sa gwapo niyang mukha at tumingala rin sa langit. "Yeah. Gusto ko lang mapag-isa." And I smiled too.
Katahimikan ang bumabalot sa paligid naming dalawa. Wala ni isang nagsasalita sa amin. We're enjoying this moment. Dapat nga ay galit ako ngayon kay Julian dahil sa mga paninira niya kay Russel pero hindi ko na magawa pa dahil nalilito na rin ako sa mga ikinikilos ni Russel. The way he acts towards me ay para na siyang ibang tao. Hindi ko na talaga alam!
"Alanis," Tawag ni Julian.
"Hmm?" Tugon ko habang nakatingala pa rin sa langit.
"I-I'm sorry sa mga nagawa ko sa'yo noon. Sa lahat-lahat, sa pambablackmail ko sa'yo at sa panggugulo ko sa r-relasyon niyo ni Russel. S-sana patawarin mo ako." Napatingin naman ako sa kanya.
Nakayuko ito at nakikita ko sa mga mata niya na totoo ang paghingi niya ng tawad sa akin.
"Okay na, Julian. Tapos na 'yon at kalimutan na lang natin. Nakikita ko naman sa'yo na nagbabago ka na, e. Hindi ka na si Julian na bully at mayabang." Nakangiti kong sabi. Napatingin naman siya sa akin at ngumiti rin.
"Narealized ko lang kasi na mali lahat ang pagrerebelde na ginagawa ko. Hindi ko man lang naisip na may nasasaktan na akong ibang tao. Kahit pa pamilya ko ay kinakalaban ko. Hindi ko lang maintindihan, Alanis na bakit unti-unti na akong nagbabago simula nang makilala kita." Bigla naman akong napahinto sa mga sinabi niya.
"A-ako? Bakit ako?" kunot-noong tanong ko. Nagkibit-balikat lang siya at tumayo saka humiga sa grass ng parke.
"Ikaw kasi ang kahinaan ko,"
May binulong siya pero hindi ko naman gaanong narinig.
"Ano 'yon?"
Umiling lang siya. "Wala 'yon. Tara! Humiga ka rin dito. Masarap sa pakiramdam na you're lying down while looking to the moon and stars under the night." Ginaya niya pa ang boses ni Kuya Bodjie nang sabihin niya iyon.
Natawa naman ako doon saka tumabi sa kanya at humiga na rin.
Julian and I are now lying down while looking at the sky. Hindi ko maintindihan pero sobrang gaan na ng pakiramdam ko sa kanya. He's carefree at kitang-kita ko na masaya siya.
"Julian, I'm sorry rin sa mga masasakit na salitang nasabi ko sa'yo dati." Sincere kong sabi.
"It's not your fault. Masyado kasi akong vocal kung mag-isip. Kapag galit ako o may hindi nagustuhan ay nagwawala kaagad ako at hindi iniisip ang consequences ng mga sinasabi ko. Dapat pala ay iisipin kong mabuti ang mga desisyon at sasabihin ko na hindi makakasakit sa'yo o sa ibang tao." sabi niya.
Hindi ako makapaniwala na magsasalita ng ganito ang isang mapride at may mataas na ego na si Julian Saavedra. Napapahanga niya ako sa mga sinasabi niya.
"You really changed alot, Julian." I smiled and he faced me.
Sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. Buwisit na lalakeng 'to! Ni wala man lang pores o wrinkles sa mukha. Ano bang facial wash o sabon ang gamit nito? Ang kinis kinis ng mukha niya plus ang matangos pa niyang ilong na napakaperfect, mapupulang labi, makapal na kilay, pantay na mga ngipin at nakakaakit na mga mata.
Ang swerte siguro ng makakatuluyan niyang babae balang araw. Kumbaga sa pasalubong eh all in one package na si Julian.
"This is for a change, Alanis at gusto ko sana na sa kabila ng lahat ng mga ginawa ko sa'yo ay maging magkaibigan tayo. Pwede ba 'yon?"
Kunwaring nag-isip pa ako pero tumango rin ako at nag thumbs-up sa kanya. Nagulat siya sa pagsang-ayon ko at niyakap ako na ako naman ang nagulat sa ginawa niya.
"Salamat, Alanis."
Shet. Bakit naghuhurumentado ang puso ko ngayon sa yakap ni Julian?