MARINEL'S POV
Sa buong buhay na pag-aaral ko sa YG Academy ay ngayon lang ako sobrang sumaya ng ganito. Biruin mo? Kami na ng Varsity Heartthrob Player na si Neilson Furukawa?
Sa hinaba-haba ng panahon, sa wakas ay naging kami na rin. Alam ko naman na hindi niya ako gusto pero gagawin ko ang lahat para lang mapalitan si Chloe mula sa puso niya. Handa akong maging rebound basta lang ay matulungan ko si Neil sa pagmomove-on niya.
Aatras pa ba ako kung may chance na ako?
Noong Annual Event ng YGA ay nanalo ang team nila Neil kasama sina Julian at Denver. Napapansin ko nga na hindi na sila Magkakasamang tatlo na palagi kong nakikita. Siguro ay baka busy lang talaga sila kaya minsan na lang silang nagkakasama.
Si Julian naman, ayon at hibang pa rin kay Alanis pero hindi katulad noon ay hindi na siya makalapit pa sa friend ko dahil nandyan palagi si President Russel sa tabi ni Alanis.
Nakakatakot pala magalit si Russel, ano? Nung binastos si Alanis ng estudyanteng taga St. Claire ay binugbog niya ng todo iyong lalake. He's so overprotective and that means na mahal na mahal niya talaga si Alanis.
Si Denver chinito naman ay napapansin ko na ilang na siya kay Neil at si Julian nalang ang palaging kasama nito unlike before.
Nag-away kaya sila?
Break time ngayon at may baon akong foods para kay Neil. Papunta ako ngayon sa Basketball Gym dahil nagpapractice siya kasama ang mga kateammates niya sa basketball.
Naglalakad ako ngayon sa corridor na walang katao-tao nang may narinig akong nag-uusap sa likod ng pader na malapit sa men's cr.
"Ayos rin 'yung ginawa mong drama, President ah? Ginaya mo pala 'yung style kong "magpakamatay move." Natatawang sabi ng isang panlalakeng boses. The voice is very familiar.
Tumawa lang rin yung lalakeng tinawag na.. President?
"Kailangan ko 'yon gawin para matakot siya na iwanan ako. Dapat nga ay pinatay ko na lang rin pala sa bugbog 'yung lalakeng nambastos kay Alanis. Aagawan pa niya ako ng girlfriend? Pasalamat siya at maraming makakakita sa amin at ayokong mabahiran ng dugo ang mga kamay ko sa harap ng maraming tao." Sabi rin ng isang lalakeng may napakapamilyar na boses.
Sumilip ako ng kaunti sa likod ng pader at laking gulat ko nang sila ang nakita ko.
It's Russel and Tomas.
"Tama lang ang ginawa mo. Hindi tayo talunan at 'wag natin hahayaan na agawin sa atin ang mga taong mahal natin. If we need to kill just for them then we will kill."
Nangilabot ako dahil nakita ko ang pagngisi ni Uste sa sinabi niya.
The silent-type guy and cool Uste was just like this?
Papatay sila ng tao para lang doon? Hindi ko kinakaya ang mga naririnig ko. Sina Russel at Uste ang kilala kong may mga matinong pag-uutak at may mga tamang disiplina dito sa YGA pero sa mga sinasabi nila ay bumaba na ang tingin ko sa kanila.
Para silang mga obsess sa pinagsasabi nila!
Russel chuckled and he smirked. "And after that, blinackmail ko si Principal Gonzaga na sasabihin ko sa buong YGA na may kabit siyang 4th year high school student kung ipapa-expell niya ako sa YGA dahil sa ginawa ko sa taga St. Claire. 'Yung matanda naman, ayon at namutla na sa takot kaya tumiklop. Tsk! What a coward."
"Kakaiba ka talaga, Russel! Bilib na ako sa'yo!"
Napatakip ako ng aking bibig at pinipigilan ang paghikbi ko. These guys seems so very dangerous and obsessive. Natatakot ako sa maaring gawin nila sa mga girlfriends nila lalo na kay Alanis.
Hindi na kami masyadong nagkikita dahil inilipat siya sa all girls section ng YGA na utos daw ng parents niya.
Bakit naman siya nilipat doon? May hindi ba tama sa mga nangyayari ngayon?
Alanis needs to stay away from Russel. Mapapahamak siya at baka saktan pa siya nito. Tama pala ang sinasabi ni Julian na baliw at obsessed na si Russel kay Alanis. Hindi ako makapaniwala!
Russel's image is very perfect. Akala ko ay mabait siya ayon pala ay hindi. Nadala kami sa pekeng ipinapakita niya kapag kaharap na ang buong YGA and Tomas, he's just like his bestfriend. Nakakatakot rin pala siya.
Iniwasan kong makalikha nang kahit anumang ingay. Maglalakad na sana ako papaalis nang biglang..
"Eavesdropping is not appropriate for a student like you, Ms. Sy," Napahinto ako sa paglalakad at nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Russel na nakangisi sa akin.
Napaiyak ako at umiling. "Tama si Julian, baliw at obsess ka na! Kailangan malaman 'to ni Alanis!" sabi ko ng madiin.
Akmang aalis na ako nang hinarang niya ako at masamang tinitigan.
"Subukan mong magsumbong, Marinel. Hindi mo alam ang mga kaya kong gawin." Mas lalo pa siyang lumapit sa akin at nginisian ako habang si Uste naman ay nakasandal lang sa pader habang nakatingin sa amin.
Tinulak ko siya. "Hindi ako natatakot sa'yo, Russel. Delikado ang buhay ni Alanis sa'yo. Baliw ka!" sigaw ko.
Pumalakpak na lang siyang bigla sa sinabi ko at pinagkrus ang kanyang mga kamay.
"Kung ako sa'yo ay 'wag mong pakialaman ang mga plano ko para sa aming dalawa ni Alanis. Hindi ko naman siya sasaktan emotionally dahil mahal ko naman siya pero sa physical ay baka pwede pa, ayon ay kung manlalalake siya at lolokohin niya ako but I will not allow her to do that. She's already mine."
Nakakapangilabot. Ibang Russel ang kaharap ko ngayon.
"Sasabihin ko ang lahat ng mga nalaman ko sa'yo at hindi mo ako mapipigilan!" sigaw ko ulit sa kanya.
Lumakad na ako papalayo pero napahinto ako sa sinabi niya.
"Talagang hinahamon mo ako, Marinel? Tignan na lang natin,"
Natakot ako sa sinabi ni Russel pero ipinagsawalang bahala ko na lang iyon at nagtungo na sa klase nila Alanis.
She needs to know this.