“Why are you crying, sweetie? May masakit ba sa ’yo?” natataranta nitong tanong sa akin. May halong pag-aalala ang kanyang tinig. Hindi ako makasagot dahil mas lalong lumakas ang aking paghikbi dahil sa ipinakita niyang concern sa akin. Masyado akong nalulunod sa aking emosyon, hindi naman siguro ninyo ako masisisi kung ganito ang aking reaction. Siya ang pinapangarap ko na makasama at buong buhay kong mamahalin. At heto na nga biglang sumilip sa akin ang pag-asa. Parang kailan lamang, araw-araw akong tila hibang na naghihintay sa kanyang muling pagdating. Mariin akong napailing-iling. Ayaw kong sirain ang pagkakataon na ito. This is it na mga besh. Kaya hindi ako dapat mag-iinarti pa. Napaawang ang aking labi nang bigla nitong hawakan ang aking baba upang magpantay ang aming paningin.