Chapter 4
Nang makalabas ang seniorito sa kanyang silid ay pinalipas ko muna ang ilang sandali bago lisanin ang lugar. I slowly, opened the door, lingon sa kaliwa at sa kanan ang aking ginawa, tila ako nito isang akyat bahay na naghihintay ng pagkakataon na makatakas sa ginawang krimen.
Nang makasiguradong walang tao ay agad akong
kumaripas ng takbo pababa sa hagdan. Nang tuluyan na akong nakababa ay nag - ala detective conan na naman ang kilos ko.
"Haisst, mabuti na lamang at walang nakakita sa akin," ani ng aking isipan sabay pahid ng namumuong pawis sa aking noo. Napaigtad ako ng biglang may kumalabit sa aking tagiliran.
"Ay, multo!"
" Multo ka r'yan, saan ka ba galing bata ka? Kanina pa kita hinahanap? Oh, Bakit ganyan ang hitsura mo?"mataman itong nakatitig sa akin pakiwari ko ay sinusuri nito ang kabuoan ko.
Pasimple kong sinuklay ang aking sabog na buhok. Shocks, nakalimutan ko pa namang itong itali pagkababa ko. Nagulo ito dahil kung saan-saan ko ibinaling ang aking ulo sa kama ni seniorito.
"Ah, ano po kasi nay, may kuting po akong nakita. Nang lapitan ko po ay biglang kumaripas ng takbo, kaya hinabol ko po, " pagsisinungaling ko sabay ngumisi ako ng hilaw.
Kaagad kong iniiwas ang aking paningin kay Nanay Iska, tila hindi ito naniniwala sa palusot ko, diskumpyado ito sa mga paliwanag ko ngunit hindi pa rin nito inalis ang pagkakatig sa mukha ko. Masyado kayang halata ang hitsura ko? Paano na 'to? Baka malaman nito ang kababahalaghang ginawa namin ni seniorito Zyler.
Mahirap pa namang magsinungaling sa mga matatanda. Alam mo naman ang matatanda mas daig pa ang mga imbistigador kung makahinala.
"Hala sige, pakitingnan na lamang doon, kung tapos na ba silang kumain ni Don Romano at Seniorito Zyler. At ako' y may gagawin muna sa loob ng silid ko,"
Hindi na lamang ako sumagot pa tumango na lamang ako kay Nanay Iska at humakbang patalikod sa kanya.
Kahit saang anggulo tinganan, napakagwapo talaga ng mahal ko, kahit sinong babae ay mahuhumaling sa kanya. Ang magaganda nitong kulay kayumanggi na mga mata na pinarisan ng medyo may kakapalang kilay na bumagay sa mukha niya. Ang kanyang perfect nose line at ang manipis nitong mga labi ay nakadagdag sa kagwapuhan nito. His beyond perfection! His like Zeus, the greek God of Mt. Olympos.
Hindi ko maiwasan ang isiping muli ang naganap kanina lamang. Tila nasasabik akong muli kung kailan ito mauulit. Ngunit may bahid pa rin ng pagsisisi. Handa na ba talaga akong ibigay ang sarili ko para sa kanya, para sa taong mahal ko. Handa na ba akong isugal ang buhay at kinabukasan ko para sa taong walang kasiguraduhan kung mayroon ba akong puwang sa puso nito.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa isiping 'yun, paano na lang kong ang katawan ko lang ang gusto niyang maangkin. Paano. kong hindi niya ako mahal? Kung tanging pansariling interest lamang ang hangad nito. Ni wala nga akong assurance na hindi ako sasaktan nito, dahil walang kami.
Ngunit malalaban ko kaya ang bugso ng aking damdamin kapag nasa malapit na ako sa kanya? Sa kanyang mga titig pa lamang ay tila tinakasan na ako ng lakas, biglang manlalabot ang akong mga tahod. What more kung may gagawin na naman itong makapaghihibang sa akin. Napatigil ako sa aking pagmununi-muni ng biglang tinawag ang pangalan ko.
"Apple," untag sa akin ni Don Romano. Hindi ko na malayan na tinatawag na pala ako nito. Dali-dali akong lumapit sa kanila, kahit ang totoo ay nagsimula ng nanlalambot at nanginginig ang aking mga tuhod dahil sa presensiya ni Zyler.
Hindi ako makatingin ng dritso sa lalaki. Nahihiya pa ako sa kanya. At pakiramdamdam ko nagsimula na
namang nag kulay kamatis ang pisngi ko.
"What's wrong with you? Kanina pa kita tinatawag."
"Pasensiya na po Don Romano, may inisip lang ako." pakiramdam ko ay mas lalo pa akong namumula dahil narinig ko ang mahinang pagtawa ni senior Zyler.
"It's okay, anyway hijo, this is Apple, siya ang personal maid na hinihingi mo," Nanlaki ang mata kong direktang tumingin sa kanya sa aking narinig. It means he requested his lola, na maging personal maid niya ako.
"Oh, no."protesta ng aking isipan. Gusto ko sanang tumanggi sa tinuran ng matanda. natatakot ako sa maaring mangyari kung makakasama kami palagi. May karapatan ba akong tumanggi gayong galing na mismo sa bibig ni Don Romano.
"Narinig mo naman siguro ang sinabi ni lolo? From now on, ikaw na ang personal maid now. Ibig sabihin kung saan ako, nandoon ka rin. Understand?" wika nito sa akin. Wala sa isip akong sumang-ayon.
" Good,"
Humakbang na ako palayo sa kanila, dahil pakiramdam ko ay bigla na lamang akong matumba sa labis na panlalambot ng aking mga tuhod.
"Akala ko ba nagkaintindihan tayo?" muntik ko ng maihulog ang hawak kong baso dahil sa labis na pagkagulat. Bigla na lamang itong lumilitaw sa likuran ko at nagsasalita malapit sa tainga ko. Agad tumayo ang aking balahibo sa may batok. Hindi ko na malayan na nakasunod pala ito sa akin.
Napalunok ako sa aking sariling laway, nang sumagi sa aking likuran ang kanyang matigas na katawan." s**t, ganito na ba ako ka halay?" aniya ng aking isipan.
"Pa-pasensiya na po seniorito, may tinapos lang po ako rito. Susunod na lang po ako sa inyo," nauutal kong sambit sa kanya. Habang nakatungo ang ulo ko sa sahig. Nararamdaman ko ang kanyang paglayo sa akin at pinihit ako paharap sa kanya. Hinawakan nito ang aking baba at sapilitang itinaas ang aking mukha. Muli akong napalunok ng aking laway ng magtama aming paningin. Tila nakakalunod ang bawat titig niya sa akin. Hindi man lang ito kumukurap. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi ng dumako ang tingin niya roon.
Biglang nangunot ang noo niya bigla sa aking ginawa kasabay ng paglunok nito.
"Are you teasing me, sweetie?" mariing sabi nito habang ang mga mata ay hindi pa rin nakatuon pa rin sa aking mga labi.
"Hmmp." ang tanging nasabi ko ng bigla na namang sakupin nito ang aking mga labi.
Marahas at madiin ang paraan ng kanyang paghalik.
"Next time, matuto kang sumunod sa sasabihin ko. Kung hindi, hindi lang yan ang parusa mo sa akin," wika nito.
Tanging tango lamang ang aking naging tugon. Ngunit sa aking isipan ay kay sarap namang parusa iyon.
Nang humakbang na ito palabas ng kusina ay napahawak ako sa aking dibdib dahil sa labis ng pagkabog nito. Aatakihin na yata ako nito sa puso. Paano lang kapag kasama ko na siya lagi, baka magka cardiac arrest na ako nito.
"Next time, huwag kang magsuot ng ganyang kaikling short. Hindi bagay sayo," saad nito habang pinasadahan ng tingin ang mga hita ko.
"Ouch, naman." Nakaramdam naman ako ng sakit sa kanyang tinuran. Bumabalik pa talaga ito para lang laitin ang binti ko.
"Oh, ano pa hinihintay mo. Follow me,"
" Follow me, eh, kung paluin kita, dyan."
"May sinasabi ka?"
"Wala po, seniorito."
Kanina ang lambing niya sa akin lalo na roon kami sa silid niya, pero ngayon naman bigla na lang akong sinungitan. Haist, ang gulo rin pala ng lalaking ito.