CHAPTER 18 APPLE (POV) NAPANSIN ko na medyo ang lalim ng iniisip ni Zyler ngayong araw. Hindi niya ako masyadong nagtatanong pa dahil nakita ko rin naman ang pressure nito sa trabaho. Alam kong hindi madali para sa kanya ang lahat ng mga responsibilidad nila sa negosyo na nakapataw sa kanyang balikat. Umalis ako sa aking mesa at kumuha ng isang basong fresh lemon juice at hinanda ko rin ang kanyang pannghalian. Kinuha ko na rin ang aking dalang baon. Adobong kangkong ang aking ulam ito ang madalas namin ulamin dahil sa bukod na masarap na likod bahay lamang ito namin tinatanim. Kaya minsan nakakatipid si mama pagdating sa aming pagkain. Samantalang, adobong pusit naman ang hinanda ko para sa kanya. Kasi sabi ni nanay Iska, mahilig daw kumain ng seafoods si Zyler. Nag-slice rin aki ng