Kabanata I

1309 Words
“Verena!” sigaw ni Nat umagang umaga. “Ano ’yon?” tanong ni Verena pagka bukas ng pintuan. “Nag aaway sila aling baby ropa.” sambit ni Nat, tumaas naman ang kilay ni Verena sa sinabi ng kaibigan. “Ano namang pakielam ko sa away nila aling baby pards?” kunot noong tanong ni Verena. “Ate, sk chairwoman ka po.” mahinahong sambit ni Penelope. “Ay oo nga pala, nakalimutan ko.” sambit ni Verena at kinuha ang batuta niya. “Ang dating sakit sa ulo, isa na ngayon sa mga gumugulpi sa mga sakit sa ulo ng baranggay ngayon.” sambit ni Nat, tinignan naman siya ng masama ni Verena. “Nandyan na si Verena par, tabi. Baka hampasin ka niyan, uuwi kang duguan ang nguso.” sambit ng isang tambay, umiiling na nag lakad si Verena sa lugar kung saan ginaganap ang away. “Hanggang ngayon iniisip ko pa rin paano ka nanalong sk chairwoman.” natatawang sambit ni Lucky, nang madaan nila Verena. “Ako rin, malakas amats ng mga kabataan.” sambit ni Verena. “Hindi man lang nag suklay.” sambit ni Lucky. “Paano yung isa r’yan kung maka katok akala ko ano na.” umiiling na sambit ni Verena, ngumisi si Nat. “Sorry naman, nataranta lang ang tombits.” sambit ni Nat. “Nako po” nakangiwing sambit ni Lucky at bahagyang lumayo kay Verena. “Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag mong gagamitin ang salitang tombits sa'yo? kapag may narinig akong mag sasabi non sa'yo, papaduguin ko nguso.” sambit ni Verena at lumiko sa eskinita, pagka labas nila sa eskinita, bumangad sakanila si aling baby na sinasabunutan si aling marie. “Sina Verena par, atras na.” sambit ng tambay na nadatnan nila roon. “Takot talaga mga tambay sa'yo.” sambit ni Lucky at pinag masdan ang mga tambay na lumayo sa dalawang nag aaway. “Sinong hindi matatakot? kalat ang ginawa niya sa bumastos kay Penelope, kaya kahit sila ingat kay Penelope.” sambit ni Nat. “Ate Baby, ate Marie. Ano pong nangyayari rito?” kumakamot sa batok na tanong ni Verena. “Eh ito kasing si Maria, pinalo ang anak ko, kaya nagalit ako.” sambit ni Aling baby. “Ano pong masasabi niyo sa sinabi sa'kin ni ate Baby, ate Maria?” tanong ni Verena sa pangalawang babae. “Eh Verena, pinalo ko lang naman ang anak niya kasi ang kulit kulit, hindi masaway.” katwiran ni aling Maria, tumango si Verena at ngumiti sa dalawa. “Kalma lang ho ah, iisa isahin natin yan. Ikaw ate Baby, mali mo r’yan, hinahayaan mo kung saan saan ang anak mo, tapos ikaw ate Maria, hindi ka basta basta pwedeng mamalo ng bata, lalo na hindi mo anak, o sabihin na nating anak mo, child abuse ’yon. Sige sabihin na natin, pinalo si Mildred na anak mo kasi makulit, sa tingin mo maayos na dahilan ang kakulitan ng anak mo para paluin siya?” tanong ni Verena. “Hindi” nakayukong sambit ni aling Maria. “Mabuti at nagkaka linawan tayo rito, fiesta na fiesta mga ate, awat muna sa away, mag saya muna kayo, sa susunod nalang ang away niyo.” sambit ni Verena at nag paalam nang aalis na. “Nasaan ba si kapitan?” badtrip na tanong ni Verena. “Inaasikaso ang isang gulo malapit sa baranggay.” sagot ni Lucky, tumango si Verena. “Ay punyetang mga bata ito.” nanggigigil na sambit ni Verena at walang sabi sabi nitong hinataw ang metal na nasa gilid niya. Gumawa ito ng malakas na ingay, kaya napatingin sakanya ang mga nag aaway pati mga nakikipag pustahan. “Sinong animal ang sabi sainyong pwede ’yang ganyan dito?” gigil na sambit ni Verena, tinuro ng mga bata ang isang lalaking malaki ang katawan. “Bakit?! sino ka ba?!” maangas na sambit nito. “Sk chairwoman dito sa lugar na ’to, dayo ka. Ang kapal ng mukha mong mag kalat sa teritoryo ko.” maangas na sagot ni Verena. Bago pa dumapo ang kamay ng lalaki sa mukha ni Verena, nabulungan siya ng isa pang lalaki at sandaling dumaan ang takot sa mata niya habang tinititigan ang dalaga. “Kilala mo na?” nakangising sambit ni Verena. Tumango ang lalaki. “Opo, pasensya na po.” sambit nito at yumuko. Tumango si Verena at tinignan ang matandang sumilip sa veranda ng bahay. “Kap Mando!” nakangising bati ni Verena, ngumisi ang matanda. “Sk! pag pasensyahan mo na ang apo ko, sadyang matigas ang ulo minsan.” nakangiting sambit ng binata. “Wala hong problema kap, paki sabihan nalang po ulit siya sa susunod." sambit ni Verena, ngumiti ang matanda at tumango. Tumango rin si Verena at dere deretso nang naglakad pauwi sa bahay nila. “Maki kain tayo.” sambit ni Nat, tumango si Verena. “Tanungin ko si Penelope kung gusto niyang sumama." sambit ni Verena. Tumango ang dalawa at sumunod. “Penelope, gusto mong sumama maki kain sa ibang bahay?” tanong ni Verena sa kapatid na nag babasa ng libro. “Hindi na po ate, mag rereview pa po ako eh.” sambit ni Penelope, tumango si Verena sa kapatid. “Huwag papagurin ang sarili sa pag aaral ha? kapag hindi na kaya, pahinga ng kaunti tapos aral ulit.” nakangiting sambit ni Verena, nakangiting tumango si Penelope. “Opo ate” nakangiting sambit ni Penelope. “Hintayin niyo ako rito, mag bibihis lang ako.” sambit ni Verena, tumango ang dalawa at umupo sa sofa na meron sa kabahayan nila Verena. Nakita ni Verena ang sarili niyang nakiki halubilo sa mga kapwa tao niya sa pista ng lugar nila. “Ver subukan mo ’to." sambit ni Nat, at binigyan ng lechon si Verena, kumagat ng kaunti at inayawan na. “Ropa, kumain kana nang kumain, bukas may bayad na ’to." sambit ni Nat, natawa naman si Lucky at kumuha ng maraming lechon. “Ginugutom ka ba sainyo, Lucky?” nag tatakhang tanong ni Verena sa kaibigan. “No, why?” tanong ni Lucky habang pinapa papak ang lechon na nasa plato niya. “Tignan mo naman ang kinuha mo, muntik mo na ubusin balat, buti napigilan ka ni Nat." naiiling na sambit ni Verena. “What? it's okay, hindi naman sila nag reklamo." kibit balikat na sambit ni Lucky. “Ropa, paanong mag rereklamo? eh nasa likod natin si Verena, mata palang niyan, pamatay na." sambit ni Nat, sinabunutan naman siya ni Verena pero tumatawa lang ito. “Bulabugin natin si kapitan pagkatapos niyo.” sambit ni Verena. “Balita ko may maja blanca asawa ni kap, masarap daw ’yon mag luto.” sambit ni Lucky. “Bakit andami mo nang alam dito?” natatawang tanong ni Verena kay Lucky. “Nagtaka ka pa sa bibig ng mga taong nandito." sambit ni Lucky. “Sabagay, hindi na ako mag tataka.” natatawang sambit ni Nat. “Ako rin” natawa silang lahat sa sinabi ni Lucky. “Malamang, sakanila ka ba naman halos kumukuha ng balita, hindi mo man lang alamin yung credible yung source mo.” naiiling na sambit ni Verena. “Basta bibig ng mga taong nandito, asahan mo na." natatawang sambit ni Lucky. “Sinasabi mo bang chismosa kami, Lucky?” seryosong tanong ni Verena sa kaibigan. “Hindi Ver hehe.” alanganing sambit nito, natawa naman si Verena sa reaksyon ng kaibigan. “Masyado kang takot sa'kin, as if kaya ko kayong saktan.” umiiling na sambit ni Verena. “It’s good to sometimes inflict fear on other people for them not to harm you.” sambit ni Lucky. “Lalim par, hindi ko nasisid.” sambit ni Nat, binatukan naman siya ni Lucky dahil sa kalokohan niya, umiling iling din si Verena habang iniisip ang kalokohan ng kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD