Simula

1322 Words
“Ate tara na please, hayaan mo na.” nag mamakaawang sambit ni Penelope sa kanyang ate na si Verena. “Hindi! Penelope, doon ka muna sa gilid okay? aayusin na ate ’to, sige na.” lumambot ang tinig ni Verena nang ang kanyang kapatid na ang kanyang kinakausap. “Ate, baka mapa hamak ka.” kinakabahang sambit ni Penelope at tinignan ang mga lalaking handang rumesbak sa dayong bumastos sakanya. “Hindi ko papayagan ’yon, alam mo namang ayaw ni ate na binabastos ka diba?” masuyong sambit ni Verena, tumango si Penelope at dahan dahang umalis sa harapan ng ate niya. “Sinong tarantado ang humipo sa kapatid ko?” siga pa sa sigang tanong ni Verena, nag tawanan ang mga lalaking nasa harapan niya kaya ngumisi si Verena. “Ver” nakangising sambit ni Nat, at inabutan ng bote ng alak si Verena. “Nat, ilayo mo ang kapatid ko rito, ayokong makita niya ang gagawin ko sa mga bumastos sakanya.” utos ni Verena, tumango si Nat at pinuntahan si Penelope, ngumiti si Verena sa kapatid para sabihing ayos lang ang lahat. “Lucky” sigaw ni Verena at hinataw ang bote na hawak niya, sumalpok sa ulo ng lalaking humipo kay Penelope. “Verena!” sigaw ni Lucky at initsa ang isang metal na tubo kay Verena at pinag hahampas ni Verena ang mga lalaking nakita niyang nakangisi kanina. “Sinong baldado ngayon? kung maka ngisi kayo sa'kin kanina, akala niyo kaya niyo ako?” natatawang tanong ni Verena at dinuraan ang lalaking nasa harapan niya. “Verena!” sigaw ng isang lalaki kaya hindi natuloy ni Verena ang pag hataw sa lalaking nasa harapan niya. “Kapitan” maangas na sambit ni Verena. Tumango ang mga tanod sakanya at lumayo siya sa mga lalaking pinag bubugbog nila. “Anong atraso nila?” tanong ng kapitan sa dalagita. “Binastos si Penelope kap, alam mo ako. Hindi ako gagawa ng gulo, kung walang kakanti sa kapatid ko.” seryosong sambit ni Verena, tumango ang kapitan at tinignan ang mga lalaki na may kasamang awa sa mata. “Bakit dito niyo pa kasi naisipang gumawa ng katarantaduhan? kunin niyo na sila at dalhin sa hospital.” sambit ni Kapitan, akmang tatalikod na si Verena nang mag salita ang lalaking humipo kay Penelope. “Hindi pwede ’yon Kap! pagkatapos kaming bugbugin, wala ka man lang gagawin?” sigaw ng lalaki, lumingon si Verena at tinutok ang tubo sa lalaki. “Hindi ko alam kung paano ka pinalaki ng nanay mo, at ganyan ka kabobo. Ano bang pinag mulan ng gulong ito? Hindi ba ’yang kalibugan mo?” tanong ni Verena at tinaasan ng kilay ang lalaking natahimik. “Malas mo ropa, si Penelope pa napag diskitahan mo.” umiiling na sambit ni Lucky at inakbayan si Verena paalis. “Angas mo par” sambit ni Lucky kay Verena. “Maangas” natatawang sambit ni Verena at umiling. “Nasaan si Nat?” kunot noong tanong ni Lucky nang mapansing wala si Nat sa kaguluhan kanina. “Pinauwi ko si Penelope sakanya, baka biglang atakihin ulit, baka mabaliw na ako o mapatay ko ang mga tarantadong ’yon.” sambit ni Verena habang nag lalakad papunta sa bahay nila. Inabutan siya ng sigarilyo ni Lucky kaya tinignan niya ito ng masama. “Eh kung ikaw tuluyan ko?" banta ni Verena at tinapik nito ang kamay ni Lucky na may hawak na sigarilyo. “Sinusubukan lang kita, mahal na mahal mo talaga kapatid mo.” sambit ni Lucky at pinulot ang sigarilyo at binalik ito sa lalagyan. “Siya nalang naiwan sa'kin, hindi ko pa ba mamahalin?” naiiling na sambit ni Verena. “Magtira ka rin sa sarili mo, nakakatakot ka mag mahal.” naiiling na sambit ni Lucky. “Lahat nakaka takot mag mahal, hindi lang ako, Lucky.” Sambit ni Verena. “Wala kang katulad Verena, inuubos mo sarili mo.” naiiling na sambit ni Lucky, ngumisi si Verena nang makita ang kapatid na nag hihintay sakanya sa labas ng bahay nila. “Maiintindihan mo ako kung ilalagay mo ang sarili mo sa sitwasyon ko.” sambit ni Verena at mabilis na lumakad papunta sa kapatid. “Ate!” mabilis na sambit nito at dali daling lumapit kay Verena. “Sinaktan ka ba nila?” tanong ni Verena sa kapatid na natataranta ngayon.. “Ikaw ang dapat tanungin ko niyan, ano ka ba." naiiling na sambit ni Penelope. “Hindi nila ako nasaktan ano ka ba, bago pa sila maka suntok basag na mukha nila.” mayabang na sambit ni Verena. “Si ate naman.” maktol na sambit ni Penelope, natawa naman si Verena sa kapatid. “Hindi nila ako sinaktan, Pen. Huwag kang mag alala, tara kain tayo tusok tusok, libre ni Lucky.” sambit ni Verena, walang nagawang kumakamot sa batok si Lucky, natawa naman si Nat sakanya. “Hindi ka maka tanggi ’no? crush mo kasi si Penelope.” asar ni Nat sakanya. “Gago, manahimik ka. Marinig ka ni Verena, gotla ako pards.” kinakabahang sambit ni Lucky. “Bakit? hindi na bata si Penelope ropa. 19 na siya ano ka ba, torpe.” sambit ni Nat, natawa naman si Lucky. “Nagsalita ang hindi, baka gusto mong sabihin ko kay Verena sekreto mo?” sambit ni Lucky, nang aasar ito. Pinandilatan ito ni Nat ng mata at binantaan. “Sige subukan mo, hindi kana sisikatan ng araw gago ka.” banta ni Nat, natatawa namang lumayo si Lucky at nanahimik. Pinauna ni Verena ang kapatid sa pag lalakad at pumantay kay Lucky, natawa si Nat nang makita ang pamumutla ni Lucky. “V-ver” panis ang ngiti ni Lucky nang humarap kay Verena. “Tigilan mo ang kapatid ko Lucky, baka talagang hindi kana sikatan ng araw, sinasabi ko sa'yo.” banta ni Verena na hindi tinitignan si Lucky. “No no, happy crush lang Verena.” sambit ni Lucky, tumango si Verena kaya nakahinga ng maayos si Lucky. “Hindi ka maswerte kapag si Verena na sasagupain mo.” nakangising sambit ni Nat. “Phew” sambit ni Lucky at kunwari pang nag punas ng pawis. “Pero kung darating ang panahon na maiiwan si Penelope mag isa, o gumaling siya, at siya pa rin ang gusto mo, ipapaubaya ko sa'yo ang kapatid ko.” sambit ni Verena, ngumiti si Lucky habang tinitignan si Penelope. “Tara ate, libre naman ni Lucky.” nakangising sambit ni Penelope, umiiling iling lang si Lucky at sumunod sa mag kapatid. “Ver” tawag ni Lucky sa pansin ni Verena. “Bakit par?” nakakunot ang noong tanong ni Verena sa kaibigan habang kumukuha ng pagkain. “Hindi ba nakaka sama kay Penelope ang pagkain ng street foods? kain tayo karenderya, huwag na gan'to, unhealthy.” sambit ni Lucky, natawa naman si Verena. “Huwag kang mag alala, walang allergy si Penelope. Puso lang talaga complications niya, pero iwas sa matatabang pagkain, hindi maraming taba ang kinakain niya.” sagot ni Verena at kumuha na rin. “Hayaan mo na, ate eh. Gusto talagang pag bigyan lagi si Penelope.” sambit ni Nat. “Bakit hindi mo ligawan?” seryosong tanong ni Lucky kay Nat. “Seryoso ka ba ropa? hindi yan pumapatol sa tombits.” sagot ni Nat, at kinain ang isaw na hawak niya. “Malay mo naman? hindi mo pa naman sinusubukan.” naiiling na sambit ni Lucky. “Eh ikaw bakit hindi mo pormahan si Pen?” tanong ni Nat, umiling naman si Lucky. “Kita mo naman ang ate, barako.” naiiling na sambit ni Lucky. Natawa si Nat at tinitigan si Verena asikasuhin ang kanyang kapatid. “Isa rin yan sa rason bakit ayaw ko sumugal, tsaka masyadong maganda si Verena para pumatol sa katulad ko, wala pa akong maipagmamalaki.” sagot ni Nat, tinapik ni Lucky ang balikat niya. Natawa silang pareho dahil, pareho sila ng pinag dadaanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD