Maagang gumising si Verena dahil may trabaho pa siya, hindi na niya nagawa pang mag almusal dahil maaga ang shift niya ngayon, habang nag lalakad siya papuntang cafe, nag padala ng mensahe si Verena kay Julian na pumapayag na siya sa inaalok nito. “Good morning Sammy!" Nakangiting sambit ni Verena pagka pasok sa cafe. “Good morning Ver” nakangiting sambit ni Sammy. “May pasok ka?" Tanong ni Verena sa boss, kaibigan niya ang boss niya. Tinulungan niya minsan si Sammy noon sa mga tambay na bumastos sakanya, simula noon nagustuhan siya ng dalaga at ginusto makipag kaibigan. “Yes, chineck ko lang stocks here, kamusta kana? Hindi na tayo nakakapag bonding.” nakangising sambit ni Sammy at yumakap ito kay Verena. “Parang hindi tayo nag kikita rito sa cafe mo ah?” sambit ni Verena, ngumi