Umuwi si Viserra dala ang mga lagayan na may ulam, nadatnan ni Verena ang kapatid na nag babasa ng libro, hula ng dalaga ay assignment niya sa school dahil hindi pang karaniwan na mga libro na binabasa niya kapag wala siyang trabaho sa ekswelahan.
Napag isip isip ni Verena ang naging alok ng lalaki kanina, at habang tinitignan niya ang kapatid niya, mas lalong tumataas ang kagustuhan niya na maipagamot ang kapatid niya. Nakangiti si Verena na pumasok sa bahay nila.
“Pen” nakangiting sambit ni Verena at dumiretso sa lamesa kung saan sila kumakain, at kung saan din gumagawa ng mga trabaho sa ekswelahan ang kapatid.
“Ate, ginabi ka po?” tanong ni Penelope at niligpit ang mga gamit pang aral.
“Nag tagal ako sa cafe, pinag luto ko pa si lola Lina. Kain na tayo?" Masuyong sambit ni Verena.
“Tara po ate” nakangiting sambit ni Penelope at tumayo para kumuha ng mga plato at mga kubyertos.
Nag hain na ng pagkain si Verena habang nag sandok naman ng kanin si Penelope. Habang tahimik silang kumakain, may kumatok bigla sa pintuan.
“Ako na po ate” agap ni Penelope nang balak ni Verena buksan ang pinto.
“Lucky, Nat” sambit ni Penelope nang buksan niya ang pinto.
Kumunot ang noo ni Verena at tinignan ang dalawang taong nasa pintuan ng bahay nila.
“Bakit kayo nandito?” tanong ni Verena sa dalawa, pinapasok sila ni Penelope kaya nalapag ni Lucky ang dala nitong pagkain.
“Pinalayas kami sa apartment gago talaga si tonyong.” sambit ni Lucky.
“Anong plano niyo?" Tanong ni Verena sa dalawang kaibigan.
“Hindi ko alam Ver, tangina. Nag babayad naman kami ng upa, agaran kaming pinalayas ampucha.” sambit ni Lucky at umupo sa sofa at hinilot nito ang sentido niya.
“Saan kayo matutulog? Tsaka ano ’to?” tanong ni Verena sa nilapag ni Lucky kanina.
“Ulam, makiki kain kami, pwede ba ’yon?" Tanong ni Lucky at tumayo.
“Pen, kuha mo ng plato at kubyertos ang dalawa.” utos ni Verena.
“Opo ate" sambit ni Penelope at tumayo para kumuha ng plato at kubyertos para sa dalawa.
“Saan kayo niyan?" Tanong ni Verena sa dalawa pagkaupo nila.
“Hindi ko pa alam, baka sa kalsada muna ako" biro ni Lucky, umirap naman si Verena.
“As if kakayanin ng balat mo mag kalsada tanga.” sambit ni Verena at nag isip ng paraan.
“Diba umalis sina aling Dia sa tapat bahay? Alam ko pinapa upa ni mang Kaloy yan. Maayos naman ang bahay sa tapat, sakto sa'yo Lucky. Si Nat bahala na siya sa buhay niya, joke. Kaya mo ba matulog sa sofa, Nat?" Tanong ni Verena sa kaibigan dahil hindi pwedeng maki share ng kama sakanila dahil sasakto lang sa iisang tao ang kama na meron sila.
“Oo naman ropa, kahit sahig pa." Sambit ni Nat, tumango si Verena at nag simula na silang kumain lahat.
Pagkatapos nilang kumain si Nat ang nag prisintang mag hugas ng mga plato.
“Pen, kuhanan mo muna ng unan si Nat, tsaka kumot.” sambit ni Verena, tumango ang kapatid at nag punta sa kwarto niya.
“Sinabi ba bakit kayo pinalayas?" Tanong ni Verena kay Lucky pagkatapos nitong mag tanong kay mang Kaloy tungkol sa bahay na pinapa upahan nito.
“Wala gago, bargas amputa." Pikon na sambit ni Lucky at umupo sa mono block chair.
“Bakit hindi ka muna umuwi sainyo? Grabe na nagagastos mo rito ropa.” sambit ni Verena habang iniisip ang mga panlilibre niya sakanila.
“Wala pa ang kapatid ko Ver, hindi nila ako mapapauwi hanggang sa hindi nila nauuwi kapatid ko.” sambit ni Lucky.
“Sinasabihan mo akong grabe mag mahal sa kapatid, isa ka rin pala, tadyakan kita r’yan.” sambit ni Verena, ngumisi lang si Lucky sakanya.
“Tsaka, huwag mo isipin mga nagagastos ko. Kusang loob yon kasi gusto ko, tsaka masaya ako rito Ver. Hindi ko man nasasabi sa'yo, living here with poverty is better than living on riches na puro lungkot, sigawan ang almusal, tanghalian at hapunan. Nakaka sawa, wala man lang pa dessert." Naiiling na sambit ni Lucky, ngumisi lang si Verena at tinignan ang lalaking nasa harapan niya.
“Bilib ako sa'yo, nakukuha mo pa mag biro, dessert amputa.” natatawang sambit ni Verena.
“Ano pa bang dapat gawin? Idaan nalang sa biro lahat, tutal joke lang din naman existence ko sakanila.” natatawang sambit ni Lucky, inambaan naman siya ng suntok ni Verena kaya umiwas siya.
“Ate matutulog na po ako, goodnight po.” sambit ni Penelope.
“Sige Pen, goodnight.” nakangiting sambit ni Verena at hinalikan sa noo ang kapatid.
“Good night Pen.” sambit ni Lucky, ngumiti si Penelope.
“Good night din, pati sa'yo Nat.” sambit ng dalaga pagkatapos ay tumalikod na para pumunta sa kwarto niya.
“Gusto ko siyang ipagamot, gusto kong maranasan niya lahat ng walang iniindang komplikasyon.” sambit ni Verena, ngumisi si Lucky.
“Sabi ko sa'yo pautangin kita, ayaw mo.” sambit ni Lucky, umiling si Verena.
“Masyadong malaki gagastusin. Kaya ko gawan ng paraan, hindi palang ngayon.” sambit ni Verena.
“Paano mo nakaya lahat Ver? Sa murang edad, masyadong masalimuot naranasan mo, tapos ako noong nawala kapatid ko, nawalan na ako ng buhay.” naiiling na sambit ni Lucky.
“Walang sukatan Lucky, dahil hindi tayo pare pareho ng lebel ng pag tanggap. Tsaka hindi ko mahal ang amahin ko, masyadong ginampanan ang trabaho ni Satanas. Kingina, saan ka makaka kita ng lalaking ganon ang edad pinag sasakal ang isang batang walang laban? Hindi ko kasalanan ang ginawa ng ama ko, kung alam ko lang, pinatay ko na sarili ko sa sinapupunan palang ng nanay ko. Kinaya ko kasi ganon nila ako pinalaki, sa pag titiis. Pag titiis sa mga sigaw, bawat dampi ng hanger at sinturon sa balat ko. Buti nga hindi nagka peklat, sayang balat ko. Pinalaki nila ako sa kamay na bakal, na kailanman hindi ko ginusto. Sino bang bata o anak ang gugustuhing lumaki sa murahan, suntok, palo? Wala. Pero wala akong magawa noon dahil pati pag iyak, bawal.” naiiling na sambit ni Verena.
“Paano mo nakayang tiisin ’yon? Kung ako ’yon tangina lumayas na ako.” sambit ni Nat, na tapos na palang mag linis ng mga pinag kainan.
“May kapatid ako Nat. Tumatak sa'kin na, parang bayad ko na rin sa kasalanan ng puta kong ama ang pagmamahal ko kay Penelope. Habang lumalaki ako, ayan ang nasa isip ko. Kinimkim ko lahat ng sakit, ako sumalo sa kasalanan na hindi ako ang may gawa. Pastilan. Masyadong pabibo tatay ko.” naiiling na sambit Verena habang natatawa.
“So totoong nagahasa si tita? Ang chismis ng iba, nagpaka sarap lang sa ibang bansa.” naiiling na sambit ni Lucky.
“Maraming chismis na kumalat tungkol sa'min pero yung nagahasa lang ang totoo. Masyado nilang mahal pamilya namin, ginagawan pa talaga ng mga chismis. Hindi sila mabubuhay hanggang sa hindi nila napag uusapan pamilya namin. Oo, nagahasa si mama. Kita niyo naman features ko sa features ni Penelope. Pero hindi niya ako tinuring na iba. Hindi kami close niyan noon, tinataboy ko siya.” nakangising sambit ni Verena na akala mo napaka gandang alaala na kaya pang alalahanin.
“Ha? Paano?” tanong ni Nat na naka saksi sa kabataan nilang mag kapatid.
“Dahil lumaki sa palo at suntok ng tatay ko, tapos si Pen hindi, nagalit ako sakanya. Typical kid and their f****d mind. Kasi bakit ako lang ang sinasaktan? Bakit ako lang umiiyak gabi gabi? Hindi ko pa alam noon na hindi siya ang tunay kong ama, isang araw nakita ko siyang sinasaktan ng tatay niya. Nagalit ako, at pinag mumura ko ang lalaki, ayon sa'kin nabunton ang galit, pero iyon ang unang pagkakataon na hindi ako nagalit kay Pen.” sagot ni Verena.
“Love" bulong ni Lucky.
“Late na, bukas nalang ulit mga ropa.” paalam ni Verena, tumango ang dalawa.