“Ready na ba kayo? dating gawi!” sigaw ni Julian. Tumango ang mga babae at lumabas na. “Gusto mo pa ba mag maskara bakla?” tanong ni Julian. Nag isip isip si Verena at umiling pagkatapos. “Huwag na Juls, nahihirapan din ako maka kita kapag naka maskara eh.” sambit ni Verena, tumango si Julian at ngumiti. “Osiya, tara na. Tingkad na tingkad na naman ganda mo bading ka.” sambit ni Julian, ngumisi lang si Verena. Dahan dahan siyang nag lakad at pumunta sa harapan, dahil doon siya pinapa pwesto ni Julian. “And now, to our most awaited event. Na pinaka ni request niyo, and now proudly presenting to all of you, the most beautiful woman that has ever walked on this bar, let's welcome. Anastasia.” sambit ni Julian, nakangiting nag lakad at nag pakita si Verena sa lahat ng nandoon. Mun