Six months later... “Welcome to Sammy's Sweet Cafe, may I take your order ma'am?” nakangiting tanong ni Verena sa costumer na kararating lang. Malapit na matapos ang shift niya kaya paniguradong last costumer na ’to, naka hinga naman ng maluwag si Verena nang sabihing take out ang order ng costumer, pagod na pagod ang dalaga habang pauwi siya. Nag iinat siya ng braso nang mamataan niyang may mga tambay sa harapan ng bahay nila. “Anong meron mga ropa?” tanong ni Verena sa mga ito. “Retsam, naki usap si Lucky na dito muna kami kasi nasa hospital sila ngayon.” sambit ni Aldo “Anong nangyari? Bakit nasa hospital?” nalilitong tanong ni Verena. “Sinugod sa hospital si Penelope kanina lang retsam.” sagot nito, nataranta naman bigla si Verena sa sinabi ni Aldo. “Ano?! Saang hospital?”