“Okay ka lang ba talaga, Ate Hyacinth?” Ang mahinhin at nag-aalalang boses ni Hestia ang pumukaw sa aking atensyon. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatayo na pala sa aking gilid at may hawak na sobreng puti. “Uh, pardon?” Mabilis na napaayos ako sa pagkakaupo at kapagkuwan ay binigyan siya ng banayad na ngiti. Hindi ko napansin na napalalim na pala ang mga iniisip ko. Kung hindi pa kinatok ni Hestia ang mesa ay hindi pa niya makukuha ang aking atensyon. Ano nga ba ang iniisip ko? Uh, no! It should be, who am I thinking right now? Tao ang umuukopa sa utak ko at hindi lang basta isang bagay. “I’m sorry, hindi ko narinig. Uhm, medyo na-busy lang.” Bahagya pa akong sumulyap sa monitor ng aking laptop bago muling nag-angat ng tingin sa kanya. “Oo nga po, ate.” Napakamot siya sa ul