“Mag-iingat ka ro’n. Tumawag ka sa amin kapag nakarating ka na.” Napatingin ako kay papa na kasasara lang ng compartment ng sasakyan kung saan inilagay iyong mga gamit ko. Ngayong araw ang alis ko papunta sa venue ng kasal nina Chrismel at Henry kaya naman kanina pa rin hindi matapos ang paalala ni papa sa akin. “Opo, Papa. ‘Wag na po kayong mag-alala, ako na po ang bahala. Ingat din po kayo rito…” ani ko habang binabalingan ng tingin si Tita Mommy na nakangiti rin habang nakasulyap sa akin. Sobrang bilis ng mga araw at halos hindi namin namalayan na bukas na ang kasal ng pinsan ko at ni Henry. Sa aming pamilya ay ako lang ang makapupunta dahil parehong busy sina papa at tita mommy. Nagkataon na marami silang order na hindi puwedeng maiwan kaya kahit anong gawin ay hindi sila puwedeng