“Wait for me later, baby. Maybe around 3 nasa shop na ako.” Napatingin ako kay Sebastian nang marinig iyon. Inalis ko ang pagkakahugpong ng aming mga kamay para lang makurot siya sa tagiliran. Hindi naman niya ininda iyon bagkus ay sinulyapan lang niya ako at sinimangutan. “What? Why?” takang tanong niya. He looks like a lost child. Cute. Napahalukipkip ako habang marahang napapailing. Pinigilan ang sarili na hindi mapangiti. “Baka naman wala ka nang magawa niyan sa opisina. Ma-a-alas diyes na nga tapos wala pa tayo sa kani-kaniyang trabaho, maaga ka pang uuwi!” sagot ko. Hindi na nga kami nakapasok kahapon sa mga trabaho namin. Feeling ko ang iresponsable ko na talaga. Tinawagan ko na lang si Hestia na hindi ako makakapunta sa shop. Ang sabi ko rin naman ay maaga na lang siyang m