“Ate Hyacinth, pina-deliver ko na po pala ‘yong mga bulaklak na in-order ni Sir Carlos noong Monday. May pinadala rin po siyang cake at cupcakes. Inilagay ko po muna sa fridge…” “Ang tanga-tanga mo, Hyacinth. Anong kagagahan ang pumasok sa utak mo?” Kanina pa akong bumubulong sa aking sarili na para bang masasagot ko ang sariling mga katanungan. What have I done? Noong napagsabog yata ang langit ng katangahan ay nangunguna ako sa paglabas ng bahay para saluhin lahat iyon. My gosh! It’s been a week since Chrismel and Henry got married. They are still in Maldives and happily enjoying their married life. Getting their dreamed honeymoon. Ang layo na noong narating nila pero ang utak ko ay nasa kasal pa rin nila. Okay, not specifically their marriage. Ang utak ko ay napako na yata sa lalaki