Maingat na binuksan ko ang pinto ng kuwarto na hindi pa masyadong nakapinid noong dumating ako. Akala ko ang maaabutan ko sa loob ay si Sebastian na nag-aayos ng kanyang gamit, pero sa halip ay naabutan ko siyang nakahiga sa kama. Pero ang tagpong iyon ay nakapagpaluwag sa aking damdamin. Akala ko ay talagang aalis na siya. Suot pa rin niya ang jogging pants at walang pang-itaas na damit, habang ang kanang braso ay nakapatong sa mga mata kaya hindi ko alam kung natutulog ba siya o ano. Parang de ja vu lang dahil ganitong-ganito ang naabutan ko sa bahay niya noong lumabas ako sa banyo matapos maligo. Para siyang isang masarap na putahe na nakahain sa kama. Oh, god! Ang dumi na talaga ng utak ko! Bago pa mapunta sa ibang bagay ang utak ay nagpasya na akong maglakad palapit sa kanya. Mai