“I’m a chef and I know what is good, and what tastes bad… but I didn’t know that an overcooked champorado would satisfy me this much.” Napatingin ako kay Sebastian na maganang-magana kung kumain. Hawak niya sa kaliwang kamay ang bowl na naglalaman ng nasunog na champorado kanina, habang panay ang subo sa kutsarang hawak. Nakatingin pa siya sa akin sa bawat subo na para bang ipinahihiwatig sa akin na totoo ang kanyang sinasabi. “Ang sarap, baby!” He winked at me and even licked his upper lip. Well, he really looks satisfied. Hindi ko nga lang alam kung sa champorado ba talaga o sa ibang bagay. Kung ako ang tatanungin ang isasagot ko ay iyong pangalawa… at alam na naming dalawa kung ano ang bagay na ‘yon. Napairap ako sa ere. “Tsk! Tumahimik ka nga, Villarama!” Marahan kong itinulak