Chapter 4
Ace's POV:
"Pre san punta mo nitong mga nakaraang araw? palagi ka yatang wala, wala ka din sa training" napalingon ako kay Arc ng magtanong ito bago binaba ko sandali yung hawak kong box at nag-unat, kasama niya si Franco na naka suit pa.
Arc Montiverde nagmamay ari ng Car industry. Anak ng may ari ng isang sikat na Car Company sa iba't ibang bansa.
"Wag mong sabihing may chix kana ikaw ah" pangaasar ni Franco Del Valle-may ari ng sikat na mga hotel. Di lang dito pati sa ibang bansa.
Ako naman si Kaizer Ace Gandellion. Nagmamay ari ng pinakamalalaking Restaurant dito sa Pilipinas, hawak ko ang Food Industry at kung ikukumpara kay Mr Fuentes kahit pagsama samahin namin ang pagmamay-ari namin walang wala kami sa mga Fuentes at sa galing nito sa pagpapalago ng business.
Halos kasabayan na namin lumaki si Third at kababata namin kaya saksi kami sa lahat ng pagbabago niya. Hindi naman ganyan dati si Third nagkaganyan lang yan ng itakwil siya ng sarili niyang ama at iwan ng gf niya nung lubog na lubog siya, pero bilib din ako kay third dahil napalago niya ang iniwan ng kanyang ina sakanya kahit wala ang tulong namin mas naging mayaman pa siya kaysa sa ama niya.
"May inutos lang si Mr. Fuentes." simpleng sagot ko at tiningnan nila ang hawak kong box.
"Dadalhin mo ba yan sa babae ni Mr. Fuentes?" tanong ni Arc bago tinuro ang hawak kong box.
"Yup gusto niyo sumama?" napangisi sila at tumango.
"Gusto namin makita ang ko nahuhumaling ngayon ni Mr.Fuentes aba naman huli na kami sa balita.
Gwen's POV:
"Gwen look tingnan mo toh oh" iniwan ko sandali yung mga tinatahi ko at pumunta sa sala. Ang daming box.
"ano yan?"
"Mga gamit." pinakita yun ni Eunice. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang mga laruan,damit, plastic bottles, gatas at walker. Lahat ng gamit ng baby.
"San yan galing?" tanong ko bago lumapit at hinalungkat yun.
Lahat yun bago, sino naman kay---.
"Ano....yung mga inipon namin para sayo." sagot ni Eunice na kinatingin ko.
"Salamat." niyakap ko siya tinapik niya ako sa likod.
Hindi ko alam kung pano ko pa mababayaran ang utang na loob ko sakanila.
"Tama na nga yan, tara ligpit na natin toh itago na natin."nakangiting sabi ni Eunice, tumango ako hindi ko na poproblemahin ang gagamitin ng babies ko.
Buti na lang andiyan sila palagi.
Third Ymir's POV:
"Mr. Fuentes nadala na namin." napatingin ako ng bumukas yung pinto at pumasok yung tatlo.
"Good." tinanggal ko ang salamin ko at hinilot ang bridge ng ilong ko dahil sa bahagyang pagkirot ng sintido ko.
"Di kaya magtaka yun kung san galing ang mga gamit?"
"Hindi naman siguro. Si Eunice na bahala dun" sagot ni Ace sa tanong ni Franco.
"Mr. Fuentes pano pag nanganak na Si Ma'am Gwen, kukunin niyo ba yung bata?" tanong ni Arc na kinatigil ko sandali bago hinarap ulit ang laptop ko.
"No. Bat ko kukunin kung pwede naman silang tatlo ang kunin ko?" sagot ko na kinatingin nilang tatlo sa pwesto ko.
"Papakasalan mo ba yung babae?"
"Sa ayaw at gusto niya papakasal kami."
"Siguradong di matutuwa ang ama niyo---"
"Ama?" napatingin ako kay Ace na kinaiwas niya ng tingin ng magbago ang mood ko.
"Sorry Mr. Fuentes" hinginging paumanhin ni Ace bago ako nag gesture na lumabas sila. Pagkatapos yumuko isa-isa silang lumabas ng opisina.
"Ama?" natawa ako sa sarili ko. May ama pa ba ako.