Chapter1
Chapter 1
Gwen's POV;
"Two line? " Halos mabuhusan ako ng malamig na tubig sa loob ng bathroom ng makita kong nagpositive ang pregnancy kit.
"H-Hindi." Bulong ko bago puno ng takot na hinawakan ang sinapupunan ko.
"P-Paanong nangyari ito? Kagagraduate ko lang." Mangiyak ngiyak na tanong ko habang hawak ang pang anim na pregnancy kit na sinubukan ko na lahat yun nagpositive.
"Paano pag pinalaglag ito ni mama? H-Hindi maari … Hindi ako papayag." ani ko bago tumayo at lakas ang loob na lumabas ng bathroom dala ang pregnancy kit.
Puno man ng takot lakas ang loob na lumabas ako ng kwarto at ng makababa ako ng hagdana nakayukong binati ako ng mga katulong.
"Goodmorning iha, tinanghali ka yata ng gising. " ani ni mama na kinagat labi ko ng makarating ako ng living room.
"Anong problema iha? May masakit ba sayo? Bakit parang namumutlat ka." tanong ni papa na kinahawak ko ng mahigpit sa pregnancy kit.
"Papa, b-buntis ako." nabitawan ni papa ang baso na hawak ng sabihin ko yun kasunod ng malakas na sampal para naman na sinapian si mama na hinila ang buhok ko.
Mangiyak ngiyak ako ng hilahin ni mama ang buhok ko. "Tama n-na mama masakit." daing ko ng hilahin ako ni mama palabas ng living room.
"NAPAKALANDI MONG BABAE KA NAGPABUNTIS KA PA!!LUMAYAS KA DITO!!NAPAKAWALANG KWENTA MONG ANAK!!"sigaw ni mama. Napaluhod agad ako at kumapit sa mga binti niya, wala akong pake kung pagtinginan kami ng nga katulong.
Ayoko umalis, wala kaming mapupuntahan ng baby ko.
"Nagmamakaawa ako mama wala akong mapupuntahan please mama, maawa kayo samim ng bata. " pagmamakaawa ko kay mama.
"LUMAYAS KA DITO SIMULA NGAYON WALA NA AKONG ANAK. WALA AKONG ANAK NA NAPAKALANDI KATULAD MO!!"sigaw ni mama at sinipa ako palayo bago tumaas at pagbalik niya nagulat ako ng ibato sakin ni mama lahat ng damit at gamit ko.
"Lumayas ka dito! Wala akong anak na disgrasyada! " bulyaw ng ginang bago puno ng galit na tinapon ang damit sa harapan ng babae.
"Lumayas ka dito! At wag na wag ka ng babalik! Isa kang napakalaking kahihiyan sa pamilya."
Napahagulhol na lang ako ng iyak ng maglakad na pataas si mamaha habang pinupulot ko isa-isa ang gamit ko na nagkalat sa sahig.
"Suit for you b***h. " ani ni ate matapos ako ngisian at umakyat pataas. Isa isa kong pinulot ang mga damit at gamit ko habang umiiyak.
Matapos kong pilitin tumayo at pilit na dinedma ang tingin ng mga katulong. Nagkaroon ako ng konting pag-asa ng lumapit si papa ngunit agad yun nawala ng magbigkas ng mga salita na hindi ko inaasahang sasabihin niya.
"Gwen, kakausapin ko ang iyong ina kung papayag kang ipalaglag ang bata at sa states kana magtrabaho bilang designer katulad ng gusto mo." ani ni papa na mas kinatulo ng luha ko.
"Hindi ako papayag, hindi ko papatayin ang anak ko para lang sa pamilya at ambisyon ko. " ani ko bago mabibigat ang paa na tumalikod at umalis.
Ang inakala kong unang tao na nakakaintindi sakin sila din pala ang mga taong maghuhulog sakin at itataboy ako.
Naglakad na ako palabas ng mansyon di ko alam kung san ako pupunta ngayon, basta ang alam ko lang ngayon kailangan ko na umalis dito para sa kaligtasan ng baby ko.
Hinawakan ko ang tiyan ko at hinaplos bago naiiyak na nagsalita.
"Di ko alam baby kung san tayo pupunta baby pero gagawin ko lahat para mabuhay kayo, di kayo pababayaan ni Mommy." umiiyak na sabi ko bago inayos ang pagkakahawak ko sa lalagyan ko.
Di pa ako nakakalayo ng mansyon nang may tumawag sakin.
"Maam Gwen!" napalingon ako at agad pinunasan ang luha ko ng makita si Eunice.
Habol hininga itong lumapit sakin bago may inabot saakin na papel na kinatigil ko.
"Ma'am Eunice pumunta kayo sa lugar na yan … diyan ako nakatira pansamantalang dun muna kayo magstay samin baka mapano kayo ng baby mo." nakangiting sambit ni Eunice na isa sa mga katulong.
"N-nakakahiya---"
"Eunice!" napatingin kami ng tawagin siya ng butler ni Mama.
"Sige na Ma'am Gwen, ingat ka puntahan niyo yan." tumakbo na siya paalis bago kumaway.
Nang tiningnan ko ang address nahawakan ko yun ng mahigpit bago tumalikod at naglakad paalis.
"Maswerte pa din tayo baby may mabait na tao na katulad ni Eunice." ani ko ng makarating kami ng sakayan at nagpara ako ng taxi. Di ko alam kung pano ko bubuhayin ang batang nasa sinapupunan ko dahil lang sa isang gabing pagkakamali, lahat ng pinangarap ko parang naglahong parang bula.
Tumulo ang luha ko ni hindi ko man lang alam kung sino ang lalaking nakabuntis sakin, hindi ko man lang siya kilala.
"Napakatanga mo Gwen napakagaga mo!" sabi ko sa sarili ko, ako na siguro ang napakatangang babae na nabubuhay sa mundo, nagpabuntis ako sa taong hindi ko man lang kilala.
I'm Althea Gwen Cortez, 22 years old. Naturingan akong Summacum laude pero di ko ginagamit ang utak ko.
Flashback.
Matapos ang graduation nagkayayaan ang buong klase na pumunta ng bar para magdiwang dahil na din sa sumacum laude ako.
"Gwen tara inuman tayo cheeer"
"Pass na muna ako di ako sanay umin----"
"Wag kang KJ gwen, ngayon lang 'to uminom kana na, baka next month hindi na ito maulit kasi diba mag mamigrate na kayo kaya pagbigyan mo na kami ." ani ni Jayra bago ako binigyan ng alak todo cheer ang lahat kaya hindi na ako nakatanggi.
Uminom ako, ang init sa lalamunan, kusang gumusot ang mukha ko at napangiwi ako sa pait.
Titigil na ako ng salinan ulit yun ni Jayra katulad nung nauna hindi nanaman ako nakatanggi kaya medyo naparami na ako at nahihilo.
"Rest room lang *hik* a-ako." paalam ko, dahil mukhang lasing na din sila at ang iba naman ay sumasayaw na.
Tumayo na ako at kahit nahihilo pilit akong naglakad para pumunta ng girls room.
May mga nababangga na ako, nagsosorry na lang. Ayoko na talaga ng alak nagdadalawa na ang paningin ko, dumaan ako sa dance floor may iba pang niyaya ako magsayaw pero tumatanggi ako.
Saan ba ang rest room dito? may nakita akong hagdan kaya umakyat ako pataas baka sakaling andun yung restroom.
May nakita akong ilang kwarto, nakakahilo naman!pare-pareho ng kulay. Bakit ang dami yatang confort room dito?
"Mini mini mainie mo alin kaya *hik*sa pintong ito ang CR? ito ba? *hik*o ito eto?" tinuro ko yung black na pinto.
"*hik* ito CR" pinihit ko muna yung door knob bago tinulak.
"Aaahhh!~" napatigil ako ng may humalik sakin. Nagpapasag ako pero napakalakas niya, ayaw man ng utak ko pero mukhang may sariling isip ang katawan ko dahil unti-unti na akong sumagot sa mga halik niya.
Di ko alam pero bigla akong nakaramdam ng init na hindi ko alam kung dahil sa alak ko magaling ang talaga siya humalik. He is a good kisser! kahit di ako marunong humalik nagagawa kong makipagsabayan dahil sa galing niya.
Kinaumagahan.
"S-s**t!" mura ko napahawak ako sa ulo ko ng parang binabarena yun matapos ko magising sa isang kwarto. Ang sakit ng buong katawan ko, pati yung nasa pagitan ng hita ko. Ano bang nangyari? dinaig ko pa sumakay sa roller coaster at nakipagwresling.
Hanggang sa maya-maya ng mahimasmasan ako para akong binuhusan ng malamig na tubig ng biglang nagpop sa utak ko yung nangyari kagabi.
Door ? Kiss? Alak?
Nakarinig ako ng lagaslas ng tubig sa CR kaya mas lalo akong natakot dahil sa pagkataranta .Dahan dahan akong tumayo na kinangiwi ako ng makaramdam ako ng sobrang sakit, pinilit kong magbihis at kinuha lahat ng gamit ko sabay lumabas ng kwarto.
End of the flashback.
Di ko alam na magbu-bunga yun, kung alam ko lang na mangyayari ito sana hindi na ako sumama nung una pa lang. Galit na galit sakin ang Pamilya ko to the point na pinalayas na nila ako , di ko maiwaaang maiyak kung gano kagalit si Mama at pano sinabi ni papa na ipalaglag ko ang bata.
"Iha okay ka lang?" napatingin ako kay Mamang driver tumango lang ako at ngumiti, kahit hindi ko alam ang tyura ko ng ginawa ko yun ... Ngumiti habang umiiyak.
Tumingin ako sa labas, bubuhayin ko ang batang to kahit anong mangyari. Kasalanan ko ito kaya hindi ko hahayaan na ang batang ito ang magbayad ng mga kasalanan ko.
Fuentes Company.
"Damn it, Alderon!! Ito ang ipepresent mo? kahit bata kaya itong ipresent! You're fired!" umalingaw-ngaw ang boses ng isang binata sa loob ng opisina bago binato ang mga hawak na folder.
Hiyang -hiya ang empleyado dahil dito lalo na ng makita ng ilan pang empleyado ang ginawa ng CEO sa pinaghirapan niya ng ilang gabi
May mga empleyadong nakatingin dito, may ilan pang nagbubulungan dahil sa hindi na bago ang ganitong scenario sa kanilang opisina.
"P-pero---"
"Get out! Kung ayaw mo ipakaladkad pa kita dito, hindi kailangan ng mga katulad mo sa kompanya ko." sigaw nito na kinayuko ng empleyado bago isa-isang pinulot ang mga folder.
Sya si Third Ymir Fuentes, sa edad na 24 isa na siya sa Pinakasikat na Businessman at Pinakamayaman sa buong mundo. May karisma at kagwapuhan siyang pinagpapantasyahan ng mga kababaihan at aura na kinatatakutan ng mga kalalakihan ngunit sa kabila ng yaman nito may tatlong bagay na di kayang bilhin ng pera at yaman niya. Iyon ay family, friends and love. Para sakanya pera lang ang nagpapaikot sa mundo at ang pera lang ang mahalaga at hindi niya yun kailangan ngunit ng mula ng makilala niya ang babaeng yun. Para na itong nahihibang dahil sa pag gamit nito ng impluwensya para lang hanapin ang isang babae.
"Mr. Fuentes, saang lupalop namin hahanapin ang babaeng toh?at sino ba toh?"
"Stop asking Gandellion, gawin mo na lang ang ipinag-uutos ko" malamig na utos ng binata habang nakatingin sa mga ilaw na nakikita sa bintana sa labas ng glasswall. Napabuntong hininga yung tinawag niyang Gandellion at lumabas ng office. Napailing na lang ang binata sa kawalan dahil sa idea na kahit siya hindi niya kilala ang babaeng yun.
Matapos inumin ang natitirang wine sa baso at humithit ng sigarilyo.
"Damn that woman." sambit ng binata at umupo sa swilvechair at pumikit habang pilit na binubura sa utak niya ang mukha ng babaeng bigla na lang pumasok sa kwarto niya.