Chapter 9 Third Ymir's POV: "Dito ba talaga Althea?" tanong ko, bumaba kami sa park then bumili siya ng kung ano ano. "Yup masarap toh try mo" may binigay siya sakin, di ko alam kung ano toh nasa stick tapos...ewan, tsk! "Isaw yan, tikman mo masarap." nakangiti niyang sabi habang kumakain nung bilog bilog, fishball daw yun. Nung una nag-aalangan ako na kumain dahil hindi maganda ang tyura pero dahil mukhang sarap na sarap si Althea sinubukan ko na din at masasabi kong masarap nga. "Nagustuhan mo noh? Ang sarap diba?" kumuha na lang ako ng isa at kumain ulit. "Ano ba ito?" tanong ko. "Ah bituka ng manok" nailuwa ko ng wala sa oras yung kinain ko, s**t! "Hala! Bakit?" hinimas himas niya ang likod ko, tiningnan ko siya ng masama. "Lalasunin mo ba ako althea? Ang dumidumi nun!" "Ano