6

2805 Words
Parehong nanonood ng tv si Princess at Lola sa sala nang lumabas si Geon ng kwarto na nakasuot ng white t-shirt at black pants, at may dalang chef gown sa kanang braso niya na ibang-iba sa suot niya as a Professor sa eskwelahan na pinapasukan nila pareho. Napalingon si Princess kay Geon at napatulala siya sa kaniya nang makita niya ang katikasan ng katawan nito. "Alis na po ako, 'La," paalam ni Geon sa Lola niya at lumapit para yakapin siya. After ay they both pulled away at lumingon siya kay Princess at sinabi charmingly, “Can you walk me out?” “Y-yeah, sure,” sagot ni Princess na may pag-aalinlangan at ngumiti rin at him. They both walked going to the door at nang makarating ay he faced her, and they looked at each other. “Um...First, gusto kita pasalamatan for agreeing na bantayan ang Lola ko. That means a lot to me. Thank you so much, Gale,” he recited and he smiled at her handsomely. Napakamot ng batok naman si Princess shyly dahil he acknowledged her. “Second, salamat din kasi pumayag ka today na sumama rito. Pagkaalis ko you can do what you have to do at kung may kailangan ka pwede mo ako i-text or tawagan. Ito number ko,” dagdag niya at kinuha ang phone niya para ipakita sa kaniya ang number niya. “Oh. Okay, wait,” nabanggit ni Princess at kinuha rin niya ang phone niya. She put his number on her contacts. After ay inilagay na ni Geon ang phone niya sa bulsa ng pants niya. “Kung nagugutom ka naman or may request si Lola na food, may food sa fridge. You can cook kung gusto mo pero kung gusto mo mag-order ito ang...” He pauses at kinuha naman ang pitaka niya sa loob ng bag niya para maglabas ng one thousand. “No, no. It’s okay—“ tanggi ni Princess na she waved her hands in front of him declining his offer. But he stopped her and pulled her wrist na naging dahilan kung bakit nagkalapit ang mga mukha nila sa isa’t-isa and then he put the one thousand pesos in her right hand and then, closed it himself which surprised her dahil nagkaroon na naman sila ng skin contact na nagpakabog ng dibdib niya kaya hindi niya natuloy ang sinasabi niya. Habang si Geon ay tumitig sa mga mata ni Princess na hindi nakapagsalita kaagad dahil may naamoy siya na mahalimuyak na sigurado siya hindi sa kaniya galing but to her. Anyway, he collected himself at sinabi sa malumanay na boses habang magkahawak kamay pa rin sila, “Please, use it. I don’t mind kung anong bilin mo. Alam ko na isa kang prinsesa at nakukuha mo lahat ng gusto mo pero at least tanggapin mo ang offer ko kasi ito lang ang maibibigay ko sa’yo. Buy whatever you want using this money at kung may kailangan ka just text or call me. Okay?” At ngumiti siya at her charmingly na walang masamang ibig sabihin. “Okay,” maikling tugon ni Princess na wala ng ibang sinabi dahil nawala na siya sa kaisipan niya at dahil parang he casted a spell on her kaya she was out of words. “Okay. Alis na ako. Salamat ulit,” he mentioned at siya na ang unang bumitaw sa kamay niya at hinawakan niya ang ulo nito na parang nagbibilin siya sa bata at saka tumalikod para lumabas ng unit. Pagkasara ng pinto ay kaagad na tinakpan ni Princess ang mukha niya at tumili siya ng mahina dahil sa sobrang kilig na nararamdaman niya. For her, ang ginawang paghawak ni Geon sa ulo niya ay parang he is petting her and saying she is doing a good job na she very much like it at hindi na binigyan pa ng iba pang kahulugan. Nonetheless, hindi lang doon siya kinilig dahil hindi lang isa sa mukha, hindi lang dalawa sa kamay kundi tatlong beses sa ulo niya siya hinawakan kaya lalo siya nabaliw at him. Pero naantala ang kaniyang kilig moment nang tumunog ang phone niya kaya tinignan niya ito. Nakita niya na tumatawag si Nanny Deli sa kaniya kaya naman sinagot niya kaagad. “Yes, hello, Nanny Deli?” magalang na bati ni Princess at nakangiti pa dahil hindi siya maka-get over sa pagdikit ng balat nila ni Geon. “Princess, nasaan ka? Gabi na, ah,” saway ni Nanny Deli sa kabilang linya na may pag-aalala. “Sorry, Nanny Deli nandito po ako ngayon sa bahay ng kaklase ko,” sambit niya na napapikit siya dahil nagawa niya na naman magsinungaling kay Nanny Deli. “May pinapagawa kasi sa amin na project at need na tapusin dahil ipapasa na bukas. Don’t worry uuwi po ako, Nanny Deli pero baka gabihin ako kasi medyo mahirap,” dagdag pa niya na napakagat siya sa labi niya pagkatapos magsalita. “Ah, ganu’n ba. Sige, Princess. Text or tawagan mo na lang ako kapag pauwi ka na para ihanda ko ang maligamgam na bathtub mo,” tinuran ni Nanny Deli na tinanggap ang alibi ng dalaga. “Thank you po, Nanny Deli. I love you po. Bye,” paalam ni Princess at ibinaba na ang tawag. Napakagat na naman si Princess sa ibabang labi niya dahil sa nagawa niyang pagsisinungaling. “Ngayon lang ‘to. Bukas sasabihan ko siya para hindi siya mag-aalala. Sana pumayag siya,” bulong niya sa sarili na may pag-aalinlangan. However, bumalik si Princess sa tabi ni Lola na tahimik lang na nanonood ng teleserye sa tv. “Lola, kapag may gusto po kayong ipagawa sa akin sabihin niyo lang po, ha. Okay lang po sa akin,” mabait na sambit ni Princess na tinawag ang atensyon ni Lola. Lumingon naman si Lola sa kaniya at ngumiti. “Salamat, apo. Hindi ako nagkamali sa pagpili sa’yo para sa apo kong si Geon. Hindi ka lang mabait, maalalahanin, at mapagmahal ka pa. Sigurado ako tuwang-tuwa si Geon at nag-stay ka rito,” pasasalamat niya na kinuha ang dalawang kamay ni Princess para himasin. Dahil sa narinig ay pumalakpak ang dalawang tenga ni Princess kaya napangiti siya. “Talaga po? Sa tingin niyo po nagustuhan niya ako? Pero linawin ko lang po Lola, ano pong ibig niyong sabihin nang sinabi niyo na hindi po kayo nagkamali sa pagpili sa akin para sa apo niyo?” Tumawa si Lola bago sumagot at sinabi, “Maniwala ka sa akin, apo. Nagsasabi ako ng totoo. Kilala ko ang apo kong si Geon. Tahimik at mahiyain lang ‘yun sa panlabas pero sobrang maalaga, mabait at mapagmahal ‘yun na tao. At kaya ko nasabi iyon ay dahil sa tingin ko bagay kayong dalawa. Maganda ka, gwapo naman siya. Pareho pa kayong mabait, maalaga at mapagmahal kaya alam ko na bagay na bagay kayong para sa isa’t-isa.” “Salamat po, Lola,” kinikilig na tugon ni Princess at yumuko siya dahil namumula na naman ang dalawa niyang pisngi. Samantala sumakay na si Geon sa sasakyan niya, he put his seatbelt at inilagay ang dalawang kamay sa manobela nang napatigil siya dahil naalala niya ang ginawa niyang paghila sa kamay ni Princess na naging dahilan kung bakit nagkalapit sila sa isa’t-isa. Then, tinignan niya ang dalawang kamay niya na humawak sa pulso at kanang kamay ni Princess. “Ang kinis at ang lambot ng balat niya like a baby. Pati kamay niya. Halatang hindi siya gumagawa ng gawaing bahay. Ang bango pa niya sa malapitan. Naamoy ko ang sweet scent niya nang hinatak ko siya palapit,” sambit niya at ngumiti siya just staring at his two hands. Hereafter ay pinaandar na niya ang sasakyan at umalis na ng building. — — — 10 na ng gabi, tahimik na nanonood ng videos sa laptop niya si Princess na nakasuot ng earphones para hindi maabala si Lola habang si Lola ay nakatutok sa tv nang kinuha niya ang remote at pinatay na ito. Napansin kaagad ni Princess ang ginawa ni Lola kaya tinanggal niya ang dalawang earphones niya sa tenga at lumingon kay Lola. “Yes po, Lola?” magalang na tanong ni Princess. “Inaantok na ako, hija,” sagot ni Lola at humikab. “Iinom lang ako ng tubig bago ako tumuloy sa kwarto ko,” aniya at tumayo. “Ako na po, Lola. Maupo lang po kayo diyan. Ako na po ang kukuha. Wait lang po,” pigil ni Princess na pinaupo ulit si Lola sa sofa at siya ang tumayo para kumuha ng one glass of water sa kusina. Wala pang isang minuto ay bumalik na si Princess at naupo ulit sa sofa at saka binigay ang baso kay Lola na tinanggap naman niya. Nagpasalamat si Lola at uminom ng tubig pero hindi niya ito naubos at may natira pa na kalahati. “Ako na po, Lola ang magbabalik nito sa kusina,” volunteered ni Princess at kinuha ang baso kay Lola na may ngiti sa kaniyang mga labi. “Salamat ulit, apo. Ako ay matutulog na ngayon dahil 10 na ng gabi at wala ng magandang teleserye kapag ganitong oras. Good night sa’yo, apo,” paalam ni Lola. “Good night din po sa inyo, Lola. Tapusin ko lang po itong pinapanood ko at magliligpit na po ako,” paalam din ni Princess. “Uuwi na ikaw pagkatapos mo diyan?” tanong ni Lola curiously. “Opo, Lola. Hinahanap na rin kasi ako sa amin. Bukas na lang po ulit. Pero ‘wag po kayo mag-alala dahil si Nanny Deli po ang makakasama niyo dito ng 8 ng umaga hanggang 3 ng hapon o kung hanggang anong oras po matapos ang klase ni Geon. Pagdating naman po ng 7 ng gabi ay ako naman po ang magbabantay sa inyo since may trabaho po si Geon ng 8,” paliwanag ni Princess ng maayos. “Ano ba itsura ni Nanny Deli na tinutukoy mo? Katulong mo ba iyon, hija?” pag-uusisang tanong ni Lola. “Kasambahay ko po si Nanny Deli, Lola. Simula po maliit pa lang po ako ay siya na ang kasama ko habang ang parents ko po ay may work sa ibang bansa. Gusto niyo po ba makita itsura ni Nanny Deli?” “Oo sana, apo,” nakangiting tugon ni Lola. “Sige po. Teka po.” At kinuha ni Princess ang phone niya na pumunta siya sa gallery at ipinakita kay Lola ang picture nilang dalawa ni Nanny Deli. “Ayan po siya. 50 years old na po siya,” she informed. Napa-nod si Lola matapos makita ang itsura ng tinutukoy ni Princess. “Ah. Siya pala ‘yun.” “Opo. Halika na po, Lola at hatid ko na po kayo sa kwarto niyo,” pag-aaya ni Princess na inilapag ang phone at laptop niya sa tabi niya at saka siya tumayo para alalayan si Lola. Inihatid ni Princess si Lola sa kwarto niya at nang nakita niya na nakahiga na ito ay isinara na niya ang ilaw at isinarado ang pinto. Bumalik siya sa pwesto niya after at inilapag ulit ang laptop sa laps niya nang may sumagi sa isipan niya. “Busy kaya siya? Inform ko na ba siya? Para alam niya na nasa kwarto na ang Lola niya. Papaalam na rin ako at kailangan ko ng umuwi kasi gabi na,” sambit niya sa sarili at kinuha ulit ang phone niya. She typed a text saying, ‘Hi, Geon. Si Gale ito. Nasa kwarto na ang Lola mo at natutulog na. Uuwi na rin sana ako at gabi na.’ She sent the text na napakagat siya ng labi dahil nag-aalangan siya na baka busy si Geon at hindi siya reply-an kaya ibinaba niya ang phone at ipinagpatuloy ang pinapanood niya. On the other hand, tapos na mag-plating si Geon kaya binigay niya ang plato sa service area nang narinig niya ang phone niya na tumunog na ang ibig sabihin ay may nag-text sa kaniya kaya kinuha niya ito at tinignan kung sino. Napangiti siya sa nabasa niyang text na napansin nang isang matabang lalaki na chef rin ayon sa suot nila na parehas “Ang ganda ng ngiti natin diyan, Geon, ah. Himala, hindi ka ata nakasimangot ngayon. Sino ‘yang nag-text sa’yo, huh?” pag-uusisang tanong ng matabang lalaki. “‘Wag ka nga, Mike. Estudyante ko lang ang ka-text ko at ang pangalan niya ay Gale. Bagong bantay ni Lola habang wala ako,” sagot ni Geon na hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. “Ah, Gale pala ang name. So, babae. Maganda ba?” pang-aasar na tanong ni Mike habang naghahalo ng special na kanin sa kawali. “Well, maganda. No, sobrang ganda at mabait pa. Gusto siya ni Lola,” pag-amin ni Geon at lalong lumawak ang ngiti niya. “Ang galing pasado kaagad kay Lola. Kung gusto siya ni Lola panigurado gusto mo rin siya, noh? Umamin ka,” patuloy na pang-aasar ni Mike at tumawa. “Tumigil ka nga, Mike. Out lang ako sadlit. Tawagan ko siya at uuwi na raw,” nakangiting paalam ni Geon at tinapik ang likod ni Mike pagkadaan niya sa kaniya. “Ay, iba. Tatawagan niya. Samantala ‘yung dating caregivers ng Lola niya hindi niya tinatawagan, text lang ang reply niya pero si Gale, tatawagan niya. Hulaan ko, pre kung bakit! Kasi gusto mo marinig ang boses niya! Umamin ka na!” natatawang asar ni Mike sa kaibigan na nasa pintuan na palabas kaya napasigaw siya. “Shut up, Mike!” nakangiting responded ni Geon at tuluyan ng lumabas ng kusina. Pagkalabas sa backdoor ng restaurant ay pinindot niya ang call sa number ni Princess na after ng dalawang rings ay may sumagot kaagad sa kabilang linya. “Hello?” mahinang bati ni Princess na may hiya sa boses niya. “Hello, Gale? Uuwi ka na?” bati ni Geon in a serious tone to sound manly at her. “Oo, Geon. Tulog naman na Lola mo sa kwarto kaya uuwi na ako,” sagot ni Princess na napayuko at kinagat ulit ang lower lip niya dahil kinikilig siya just hearing his deep and manly voice. “Okay, sige. Ingat ka sa pag-uwi, ha. Thank you ulit,” nakangiting replied ni Geon. “You’re welcome, Sir.—I mean, Geon. Bukas na lang po ulit. Balik ako ng 7 ng gabi since 8 pa naman ang pasok mo bukas. Papuntahin ko na lang si Nanny Deli dito bukas ng umaga para may bantay si Lola kapag pumasok ka naman sa school,” detalyadong paliwanag ni Princess. “Okay. Send mo na lang sa akin ang picture niya para makilala ko siya kaagad bukas. Salamat talaga, Gale at ang laki ng tulong mo sa’kin. ‘Wag kang mag-alala babawi ako sa’yo in time.” “No worries. I’m glad at nakatulong ako. Sige, Sir—I mean, Geon. Magliligpit lang ako ng gamit at aalis na ako,” malambing na paalam ni Princess. “Okay. Ingat ka. Papasok na rin ako sa loob. Lumabas kasi ako ng kusina para lang tawagan ka at maingay sa loob. Sige, ingat ka sa pag-uwi. Salamat ulit. Bye,” paalam din ni Geon at ibinaba na ang phone. Wala pang isang segundo pagkababa ng tawag ay narinig ulit ni Geon ang phone niya na tumunog kaya binuksan niya ang notification at nakita niya na may nag-message sa kaniya sa social media application niya. Napangiti siya pagkakita niya sa nag-message sa kaniya thru social media at iyon ay walang iba kundi si Gale na nag-sent ng picture kasama si Nanny Deli. Pinindot niya ang picture to maximize it at napangiti siya ng malaki lalo nang makita niya ulit ang magandang ngiti ni Princess na hindi niya maitatanggi. -Si Nanny Deli ‘yung kasama ko diyan sa pic. Siya ang pupunta bukas ng umaga para magbantay kay Lola. (with happy emoticon) Pinindot ni Geon ang message na nag-notify sa kaniya at nag-type ng reply. -Okay. Got it. Thank you again. (with happy emoticon) Then, he clicked her name sa ibabaw at napunta siya sa profile of her na nakasuot ng sweater na may turtle neck na itinaas niya hanggang sa ilalim ng ilong niya para hindi kita ang buong mukha niya. Natawa siya sa picture, however, pinindot niya ang ‘add friend’ as they come to know each other at saka pinatay ang phone at bumalik sa loob ng kusina para mag-trabaho ulit. Samantala si Princess ay napatakip ng bibig niya dahil hindi niya inaasahan na magse-sent ng friend request si Geon sa kaniya. Wala siya actually na balak mag-send ng friend request sa kaniya dahil baka mahalata siya kaagad kaya unexpected sa kaniya ang nangyari pero dahil siya ang nauna she accepted him with a wide smile on her face. And that’s how their friendship started. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD