5

2526 Words
Lumingon si Geon sa babae na nasa harap niya at natulala siya nang makita niya si Princess. "You?" he told at nagtitigan silang dalawa ni Princess. "Yes, me," sagot ni Princess at ngumiti siya beautifully at him. At dahil sa magandang ngiti na iyon ay parang nawala sa sarili sandali si Geon at naging statue. "How beautiful that smile is," bulong ni Geon. Samantala si Lola sa gitna nila ay ngumiti dahil she knew already na tinamaan ang apo niya. Si Princess naman ay nawala ang ngiti niya dahil napansin niya na he is gazing at her too much that she found weird. Pero somehow kinilig siya knowing na nagkita sila ulit after ng class. "Um...Bakit nakatitig ka sa'kin?" asked ni Princess na biglang na-conscious sa itsura niya. Nagising naman kaagad si Geon nang narinig niya na magsalita si Princess at umiwas ng tingin awkwardly. He then cleared his throat to remove the awkwardness sa atmosphere nila at saka tumingin sa Lola niya ulit. "How are you, 'La?" tanong ni Geon na may pag-aalala at hinawakan ang Lola niya sa braso, tuhod at paa to check kung nabalian o nasaktan ba ang pinakamamahal niyang Lola. "Okay lang ako, apo. Hindi ako nasaktan. Buti na lang at nakita ako nito ni Gale at dinala niya ako kaagad dito," informed ni Lola at ngumiti ng malapad towards Princess. "Welcome po, Lola," masayang tugon ni Princess at ngumiti rin. Then, lumingon siya kay Geon at sinabi, "Nakita ko kasi si Lola na tumatawid tapos nahimatay siya sa daan kaya dinala ko siya rito." "Pero iniwan ko siya sa caregiver niya." Tapos tumingin si Geon sa Lola niya at sinabi, "Umalis na naman po ba ang caregiver niyo?" "Hindi. Busy siya sa kausap niya sa phone. Eh, gutom na ako kaya lumabas ako," malungkot na sagot ni Lola. "Hindi kayo pinakain kasi busy siya sa phone?" tanong ni Geon na nagulat sa nalaman niya. "Hindi," malungkot na tugon ulit ni Lola. Napapikit dahil sa inis si Geon nang marinig ang ginawa ng caregiver sa Lola niya. "Lola mo pala ang tinutukoy mo na kasama mo sa bahay. Akala ko kung sino na," sambit ni Princess out of the blue at ngumiti ng malapad knowing na mali pala siya ng akala. Parang nabunutan tuloy siya ng tinik dahil sa nalaman niya. "Excuse me, may tatawagan lang ako, Lola. Wait lang," asar na sabi ni Geon at naglakad palayo na hindi pinansin ang sinabi ni Princess dahil sa inis niya. Nang makalayo ay tinawagan niya ang caregiver na kinuha niya para magbantay sa Lola niya at after two rings ay may sumagot sa kabilang linya. "Hello, Jen? Nasaan ka ng lumabas ang Lola ko sa condo? Hindi! Alam ko ang totoo! 'Wag ka na magsinungaling sa'kin! You know what, you're fired! Wala kang kwentang caregiver! Pabaya ka at napakatamad mo! 'Wag kang mag-aalala dahil ibibigay ko pa rin ang sahod mo pero ito ang tandaan mo, ipapaalam ko sa iba kung gaano ka kapangit magtrabaho para walang tumanggap sa'yo! I hope mot to see you again!” galit na galit na sigaw niya at binaba na ang tawag. Pagkababa ay napatingin siya sa paligid niya nang napansin niya na ang lahat ng tao ay nakatingin sa kaniya na probably dahil sa lakas ng boses niya kaya naman napayuko siya to give them an apology at saka siya bumalik sa tabi ng Lola niya. Habang si Princess ay nagulat sa nakitang ugali ng Professor niya na hindi niya inaasahan pero somehow ay natuwa siya dahil it means he really does care for his grandmother kaya ganu'n na lang ang galit niya nang malaman niya na hindi maganda ang pakikisama ng caregiver sa Lola niya and that is a plus points for her. "I am so sorry, Lola kung hindi ka pinakain ng caregiver mo. Binigyan ko siya ng pera panggastos pero ayun pala hindi ka niya pinapakain. 'Wag kayo mag-alala maghahanap ako kaagad ng mabait na caregiver para may kasama kayo kapag may klase ako sa umaga at may trabaho ako sa gabi," paumanhin ni Geon na sumama ang loob dahil hindi pala maganda ang pakikitungo ng kinuha niyang caregiver sa Lola niya. He is taking all the blames at himself since he was the one who hired that caregiver. "'Wag na, apo. May nahanap na ako," nakangiting tugon ni Lola. "Po? May nahanap na kayo? Sino po?" Geon questioned. "Sino, Lola?" walang kamalay-malay na tanong din ni Princess. "Ikaw, apo," sagot ni Lola at tumingin kay Princess kaya lumaki lalo ang ngiti niya sa mga labi. "Ako po?" nagulat na tanong ni Princess na itinuro ang sarili dahil kahit kailan hindi pa siya naging caregiver. "Lola, may klase rin po siya sa umaga hanggang hapon kaya I don't think so po," kontra ni Geon pero ang totoo kaya niya lang iyon sinabi dahil alam niya na isang prinsesa si Princess and she never caregiver an old lady. Hindi rin naman niya pwedeng sabihin sa Lola niya ang tunay na estado ni Princess dahil tinatago nga niya ang identity niya at nirerespeto niya 'yun. "Pero siya ang gusto ko. Sige na, hija, ikaw gusto kong makasama," reklamo ni Lola at kinuha ang isang braso ni Princess at niyakap na parang naglalambing. "Ah..." Hindi alam ni Princess kung ano ang ire-reply niya sa matanda dahil totoo ang tinuran ni Geon kaya paano niya siya mababantayan. "Lola," pag-aalo ni Geon at tinatanggal ang kamay ng Lola niya kay Princess. Pero hindi bumibitaw si Lola sa braso ni Princess na naging dahilan kung bakit napatawa si Princess nang nakaisip siya ng ideya. "Alam ko na," she recited at tumingin si Geon at Lola sa kaniya. Dahan-dahan niya inalis ang mga kamay ni Lola sa braso niya at sinabi sa malumanay na boses na, "How about po papuntahin ko po ang Nanny Deli ko? Siya po ang magbabantay sa inyo ng umaga hanggang hapon then, after po ng klase ko ay saka po ako pupunta sa bahay niyo para bantayan kayo. Okay lang po ba sa inyo 'yun?" And she beautifully smiled at Lola. Tumango ng ulo si Lola bilang pagsang-ayon kay Princess habang si Geon ay tumayo ng tuwid at pinagmasdan ang dalawa na parang may magandang samahan kaagad na nabuo sa pagitan nila kahit first time pa lang nila na magkita. At dahil sa sumang-ayon na si Lola ay wala na siyang magagawa. "Oh, well. Mas maigi na 'to kaysa wala siyang kasama. Hindi ko rin na kasi alam kung saan pa ako maghahanap ng caregiver na mag-aalaga sa Lola ko habang nagta-trabaho ako. Hindi rin naman ako pwede na nasa bahay lang dahil chef ako. Kailangan ko kumita pambayad ng tubig at kuryente kaya naman pati pagtuturo ng kolehiyo pinasok ko na kahit hindi 'yun ang forte ko pero dahil malaki ang offer why not. At least, alam ko na nasa mabuting kamay ang Lola ko kung siya ang magbabantay. Hindi na rin ako makatanggi dahil mukhang nagustuhan siya ni Lola," bulong niya sa loob ng utak niya Maya-maya ay tulak-tulak ni Geon sa wheelchair ang Lola niya palabas ng hospital habang si Princess ay kasama nila na naglalakad papunta sa parking lot. Nang makarating sila sa kung saan naka-park ang sasakyan at pinailaw niya ito habang si Lola ay dahan-dahan na tumayo at lumapit kay Princess. Hinawakan ni Lola ang dalawang kamay ni Princess at tumingin sila sa isa't-isa. "Hija, sumabay ka na sa amin," malambing na tinuran ni Lola. "Ah, eh..." Nag-aalinlangan si Princess na sumagot dahil hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Ayaw naman niya na bastusin si Lola dahil hindi naman siya ganu'n. "Dala mo ba ang sasakyan mo?" singit na tanong ni Geon. "Oo, Sir," sagot ni Princess na may paggalang. "Kung okay lang sa'yo sumunod ka na lang sa amin para makita mo rin kung saan kami nakatira at para bukas alam mo kung paano pumunta mag-isa," nag-aalinlangan na sabi ni Geon na nahihiya ng kaunti at her. "Sige, sunod na lang po ako, Lola," nakangiting tinuran ni Princess kay Lola. "Okay. Sunod ka, hija, ha," paniniguradong sabi ni Lola at bumitaw na kay Princess. Binuksan ni Geon ang sasakyan at pumasok na si Lola habang si Princess ay naglakad na patungo sa sasakyan niya na dapat ay may sasabihin si Geon sa kaniya pero hindi na niya natuloy dahil naglakad na siya palayo then he got inside of his too. Di kalauna ay nakarating na sila sa building at bumati ang dalawang receptionist na babae na dinaanan nila kaya ngumiti si Geon sa kanila. Pagkalagpas nila ay lumingon si Princess at tinignan ang reaksyon ng dalawang babae na parehong tumili dahil lang pinansin sila ni Geon. Then, sumakay silang tatlo sa elevator nang hawakan ni Lola ang kamay pareho ni Geon at Princess na naging dahilan kung bakit napatingin sila pareho sa kaniya na nginitian lang sila at walang sinabi. Napatingin naman si Geon at Princess sa isa't-isa but she looked away immediately nang naramdaman niya na namumula ang buong mukha niya dahil sa kilig. Habang si Geon ay nakita ang pamumula niya kaya napangiti siya ng kaunti. Pagkatunog ng elevator ay bumukas ito sa 10th floor na kinaroroonan ng condo unit ni Geon at nagpatuloy sila sa paglalakad na magkakahawak-kamay dahil ayaw din bumitaw ni Lola. "Dito na tayo. Wait lang po, 'La," he spoke at dahan-dahan na inalis ang kamay niya sa Lola niya para buksan ang pinto with a passcode. After it ay pumasok silang tatlo sa loob. "Passcode nga pala ng pinto ay birthday ni Lola. October, 1956 pero 'yung year 56 lang. 10-56," he informed her at inalalayan si Lola na maupo sa malambot na sofa. "Okay," maikling sagot ni Princess at inilibot ang mga mata niya to familiarize herself sa lugar since pupunta siya mag-isa bukas para bantayan si Lola. "May gagawin ka pa ba, Ms. Rashid-Al? Kasi may papasuyo sana ako kung okay lang? May work kasi ako mamayang 8 pm at walang bantay si Lola. Is it okay kung mag-stay ka rito until I get back?" walang hiya-hiya na tanong ni Geon "Anong oras po ang balik mo, Sir?" direktang tanong ni Princess dahil baka hanapin siya ng Nanny Deli niya. "Midnight na. Pero by 10 tulog na si Lola kaya pwede ka na umuwi that time," he assured. "Midnight? 10 pm? Well, walang kasama si Lola kapag tumanggi ako. Naawa naman ako kay Lola. Sige, payag ako pero need ko tawagan mamaya si Nanny Deli para magpaalam. Mag-aalala 'yun kapag wala pa ako ng ganoon na oras," bulong niya sa sarili. Then, tumingin siya kay Geon na binuksan ang television para makapanood si Lola. "No problem. Tawagan ko na lang si Nanny Deli mamaya," aniya at ngumiti at him. "Thank you so much, Ms. Rashid-Al. I owe you. Are you hungry? You want to eat or you want something? I will cook," tanong ni Geon na naglakad sa harap ni Princess at pumunta sa kusina. "Not really, thank you," sagot ni Princess na medyo nahiya kaya tumanggi siya at naglakad patungo rin sa kusina. "Magluluto ako ng spaghetti at shrimp soup dahil 'yun ang favorite ni Lola at dahil hindi pa siya kumakain. Make yourself at home, Ms. Rashid-Al. I don't mind," he told at tinanggal niya ang coat niya, and he folded his sleeves in two para makagalaw siya ng maayos. Which she found that is an attractive and sexy sight to see kaya she pursed her lips. "Please, just call me Gale or Lorainne, Sir," she responded at naupo sa dining table. "And it's Geon for you, Gale," nakangiting sambit niya na parang nakikipagbiruan siya at her at tumalikod na para magsimula magluto na binuksan niya ang gripo sa sink at nilagyan ng tubig ang malalim na lutuan niya. "Oh. Okay, Geon," she mentioned and she softly laughed at his gesture. "Ano'ng niluluto mo, apo?" tanong ni Lola na pumasok rin ng kusina at naupo sa dining table kaharap si Princess. "Your favorite spaghetti and shrimp soup po, 'La," magalang at nakangiting sagot ni Geon na nilagay na ang pasta sa isang malalim na lutuan na may tubig para pakuluan ito. "Oh. I'm excited," excited na tugon ni Lola na napapalakpak pa. Napangiti naman si Princess sa ginawang pagpalakpak ni Lola dahil hindi halatang hindi siya excited. Note the sarcasm. "Hija, ilan taon ka na nga pala?" pag-uusisa ni Lola. "19 po, 'La. Kayo po?" magalang na tugon ni Princess at binato ang tanong pabalik. "Ako? 65 na ako. Si Geon, 26," sagot ni Lola na siya na rin sumagot para sa apo. Napailing na lang si Geon habang naghihiwa ng hotdog na pangsahog sa spaghetti. "Matagal na po ba kayo rito sa condo, Lola?" pag-uusisang tanong ni Princess kay Lola. "6 years na rin kami dito, hija. Pagkakuha ng apo ng mana niya sa mga magulang niya na namatay sa Lung Cancer ay binili na niya itong condo,” kwento ni Lola na ikinuwento na rin ang buhay ni Geon. “Oh. Okay po,” Princess unsurely responded na mukhang pinagsisisihan niya ang tinanong niya dahil totoo pala na namatay na ang parents ni Geon na nabasa niya noon sa pinadalang email ng ni Mr. Charles. “Ikaw, hija, saan ka nag-aaral ng kolehiyo?” patuloy na tanong ni Lola. “She’s one of my student sa Culinary, ‘La,” singit na sagot ni Geon na nagsimula na gumawa ng spaghetti sauce. “Ah. Kaya pala magkakilala kayong dalawa,” puna ni Lola at natawa ng mahina. Nang narinig niya ang paborito niyang tugtog kaya napatayo siya. “Doon muna ako sa sala at manonood ako ng paborito kong teleserye. Maiwan ko muna kayo,” maligayang aniya at naglakad na papunta sa sala. Natawa naman si Princess sa narinig niya. Afterward, kumakain ang tatlo ng spaghetti with shrimp soup and the moment Princess tasted it ay napanguya siya ng mabilis. “Wow. Pwede pala ang sesame oil sa spaghetti? It tasted good,” she amusingly recited at kumain pa ng kumain na hindi na nahiya. “Ang galing mo, ah. Alam mo kaagad ang ginamit ko,” napamangha na tinuran ni Geon kay Princess. “Hindi naman gaano,” masayang sabi ni Princess humbly at sumubo ulit ng another tinidor of spaghetti in her mouth nang may sauce na naiwan sa gilid ng labi niya na hindi niya namalayan. Napangiti naman si Geon dahil now lang niya nakita na medyo makalat pala kumain si Princess. At dahil gentleman si Geon ay automatically he cupped her face that makes her stopped from moving while he gently wiped off the sauce on her face with a napkin na nasa gitna ng lamesa. “May sauce ka pa sa labi,” he mentioned just to let her know at tumawa na bumalik sa pagkain niya. Habang si Princess ay hindi pa rin gumagalaw dahil she is still in shock sa ginawang paghawak sa kaniya ni Geon sa mukha na hindi niya inaasahan. For a moment ay lumakas ang t***k ng puso niya at nakaramdam siya ng bilyon-bilyon na boltahe sa katawan niya na parang kinikiliti siya dahil lang sa paghawak ni Geon sa mukha niya. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD