"Clyde, magpahinga ka na muna. Ako na muna ang bahala kay Cara. Kung totoo ngang magkaka- amnesia siya, siguro mas okay na ako muna ang bubungad sa kaniya. Baka kasi magulat siya kapag nakita ka..." mahinahong wika ni Jonah. Bumuga ng hangin si Clyde kahit nasa totoo lang nasasaktan siya sa isiping makakalimutan siya ng kanyang asawa. Napakasakit para sa kanya na hindi siya maalala ng pinakamamahal niyang babae. Ang kabiyak niyang bumubuo sa kanyang puso ngunit ngayon, tila ba dinudurog nito ng pino ang puso niya. Wala naman siyang magagawa. Nauunawaan naman niya ang lahat. Lalo pa't hindi naman nais ng kanyang asawa na kalimutan siya. Biglang bumalot sa kanya ang matinding galit nang maalala na naman ang ginawa ni Karen. "Jonah, tutal nandito ka rin naman... ikaw na muna ang bahala sa k