Kinabukasan na nakauwi si Cara sa kaniyang bahay matapos siyang ihatid ni Clyde. Aminado siyang sobra siyang nag- enjoy sa araw na iyon. Hindi nga niya mawari kung saan ba talaga siya pinakanasiyahan. Kung dahil ba sa gala nila. O dahil sa muli niyang matikman ang langit sa piling ni kumpare. "Magpahinga ka na at matulog. Aalis na ako. Maraming salamat sa naging bonding nating dalawa. Nasiyahan ako," mahinahong wika ni Clyde bago tipid na ngumiti. Napangiti na lang din si Cara. "A- Ako rin nasiyahan ako. S- Salamat sa iyo." Saglit munang tinititigan ni Clyde si Cara bago siya tuluyang umalis. Habang si Cara naman bumuntong hininga kasabay ng maliit na ngiti sa labi. Nakarating si Clyde nang mabilis sa kaniyang bahay. Dire- diretso siya kaagad sa kaniyang kuwarto para magpahinga na.