"Steven... may sasabihin ako sa iyo..." "Ano iyon?" Bumuga ng hangin si Clyde. "Hindi ba alam mo naman na pinakiusapan ako ni kumpareng Justine na tingnan - tingnan ang asawa niya?" "Oo. Bakit?" "Ano kasi eh... naaawa ako sa kaniya. Na para bang gusto kong ako na lang ang mag- alaga sa kaniya." Natawa si Steven. "Ha? At kailangan ka pa naging caregiver? Mag - asawa sila, loko! Sa mata ng batas, mag- asawa sila. Kahit sabihin pa ni pareng Justine na sa papel lang sila mag- asawa. At saka kailan ka pa nagkaroon ng interes sa isang babae? Akala ko nga bakla ka eh. Dahil hindi ka tinitigasan sa kahit na sinong babaeng lumandi sa iyo." "Tangina mo. Hindi ba puwedeng hindi lang talaga sila kaakit- akit sa paningin ko? Para silang mga bangaw na gusto akong dapuan ng sakit. Ang lalandi." Hu