"Ano? P- Patay na ang anak ko?" gulat na wika ng ina ni Karen. Dali-.dali siyang nagpunta sa hospital kung nasaan ang kanyang anak. Nanlalambot ang kaniyang magkabilang- tuhod habang binabagtas ang patungo sa morgue kung nasaan si Karen. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang wala na ang kaniyang anak. Parang noong isang araw lang, masaya niyang kausap ang kaniyang anak. Nagbigay pa nga ito sa kanila ng malaking pera na agad naman niyang itinabi. Sa dami ng binibigay na pera ni Karen sa kanila, hindi agad nya agad iyon ginagalaw. Gusto niya kasing ipakita sa kaniyang anak na ginagamit niya ito ng tama at wala siyang balak gastusin lamang ito basta. Hindi niya inaabuso ang kaniyang anak. Kahit madalas nga na tumatanggi siya sa bigay ni Karen, nagpupumilit pa rin ito. Kaya mada