"Justine..." Tinapik ni Clyde sa balikat ang kanyang kumpare dahil ito na lang ang naiwan sa puntod ni Karen. Panay pa rin ang agos ng masaganang luha ni Justine habang nakatingin sa lapida ni Karen. Wala ng mga tao doon. Silang dalawa na lang ang naiwan. Hindi naman kaagad makaalis si Clyde dahil inaalala niya ang kanyang kumpare. "Alam kong mahirap dahil hindi man lang naging maayos ang pamamaalam niya sa iyo. Basta ka na lang niyang iniwan ulit pero wala ka ng magagawa. Kailangan mong magpatuloy sa buhay," mahinahong sabi ni Clyde habang tinatapik ang balikat ng kanyang kaibigan. Mabilis na pinahid ni Justine ang kanyang mga luha bago tumango. "Naiintindihan ko naman. Kailangan ko talagang magpatuloy sa buhay dahil hindi ko planong gawin ang ginawa niya. Kahit naman na may pinagdadaa