Tahimik na sinalubong ni Cara ng yakap si Clyde. Ewan niya ba kung bakit nakakaramdam siya ng konsensya sa ginawa niyang pagtanggi kay Justine. Pakiramdam niya, masama siya. Ang sama - sama niya. Napansin ni Clyde ang lungkot sa mukha ni Cara kaya hinawakan niya ang kamay ni Cara at saka hinalikan iyon. "May problema ba, my love? Hindi ba sinabi ko sa iyo na palaging kang magsasabi sa akin?" mahinahong wika ni Clyde ngunit mababakas doon ang pag- aalala. Tumingin ng diretso sa kaniyang mga mata si Cara. "Nagpunta dito si Justine. Umiiyak." Nagsalubong ang kilay ni Clyde. "Ha?" "Oo... nag- iba na nga ang itsura niya. Pumangit. Nagmukhang matanda. Ang haba ng buhok. Ang haba ng bigote. Haggard na haggard ang itsura. Namumugto ang mga mata kaiiyak. Niloko raw siya ni Karen. Pinagpalit sa