Kabanata 05

3185 Words
Kabanata 05 “Taas mo pa, Pressy!” Utos ni Mary. Kaya itinaas ko ang disenyo para sa stage.  Kasalukuyan kaming naghahanda para sa seminar ng voter’s education. Last minute ang decoration na ngayo’y nilalagay namin dahil napansin kong masyadong ordinaryo ang stage.  Hindi naman ganoon kagarbo ang decoration namin pero katamtaman lang para masabing pinaghandaan namin ang program. Well, pinaghandaan naman talaga namin. Na-stress kaya kami sa paghahanap ng speaker.  “Ayan malapit na, Pres!” Saad ni Mary kaya tumingkayad ako para idikit ito. At nang masakto ko ang pwesto ng tarpaulin ay nanlaki ang mata ko nang gumalaw ang hagdan na tinutungtungan ko. Bigla akong nataranta kaya naging dahilan ‘yon sa paghulog ko kasabay ang hagdan.  “Ariadne!” Napikit ako dahil inaasahan kong babagsak ako nang bigla akong sumalpok sa isang makisig na dibdib.  “Pressy!” “Hades!” Mariin akong napapikit nang tumama ang ulo ko sa ulo ng taong sumapo saakin.  Mabilis akong napadilat upang makita ang mukha ng taong sumapo saakin. Agad nanlaki ang mata ko nang makitang mariing napapikit si Hades dahil sa pagka-untog ng ulo naming dalawa.  Kasalukuyang nakapatong ako sa kaniya ngayon habang mahigpit ang yakap nito saakin.  Agad kumunot ang noo ko at hinawakan ang mukha niya sa pagkabahala.  “Are you okay?” Tanong ko agad.  Napaungol ito dahil sa sakit ng pagtama ng ulo namin.  “H-hades? Are you okay? Are you hurt?” Buong alala kong tanong habang hindi umaalis sa pwesto. Pabalik-balik ang tingin ko sa ulo niya at sa mukha niya.  Nagulat ako nang hawakan nito ang ulo ko at hagurin ang likod ko.  Kahit mariing nakapikit at hirap magsalita ay nagsalita ito.  “Are your hurt?” Yun ang unang tanong niya kaya agad kong hinampas ang dibdib niya.  “You’re so stupid! Why did you do that?!” Buong kaba kong tanong.  Sa wakas ay napadilat na ito at napatingin saakin.  “Wala bang masakit sa ‘yo? ‘yung sugat sa ulo mo natamaan ba?” Buong sinseridad niyang tanong.  Pero bago pa ako makasagot ay tinulungan na kami ng mga ka-org ko na makatayo.  Hindi naalis ang pag-aalala sa mukha ko dahil malakas ang pagbagsak namin sa lapag. I’m just worried that he might hit his head on the floor or broke his spine.  “I think I need an ice,” Mahina niyang tawa habang nakasapo sa ulo.  “I-I’ll go with you. Halika sa clinic,” Pag-aalalang sabi ko.  Kalaunan ay nakarating kami sa clinic. Binigyan lang kami ng ice dahil masakit ang pagtama ng ulo ni Hades sa lapag.  Ngayon ay pabalik na kami sa auditorium. Sabi ko nga ay mag-stay muna siya doon at ako na bahala pero hindi ito pumayag.  “You’re crazy! You shouldn’t have done that! Paano kung mabagok mo ulo mo huh?” I asked exasperatedly while walking beside him.  This is the first time I got really worried to a person. Hindi kasi biro ang pagsalo niya saakin.  “You’re not yet healed, Aria. I panicked because I’m thinking of the wound you have on your head,” Seryoso niyang sabi.  Agad namang kumabog ang dibdib ko sa ‘di nalalamang dahilan.  Hades was always the “mayabang” but “laging may napapatunayan” type of guy. He’s always boastful but humorous guy. But now, ngayon ko lang siya nakitang sincere. As if he’s just protecting me.  “Kahit na, hindi mo pa rin dapat ginawa ‘yon, paano na lang kung ikaw naman mapaano?” I worriedly said and sighed. “So you’re worried about me?” Mabilis akong napatigil sa paglalakad at napaharap sa kaniya.  “Of course! I’m worried!” Medyo napataas pa ang boses ko ng sabihin ‘yon.  Bigla itong nanigas sa kinatatayuan niya at tinitigan ako ng matagal. Parang may malalim na iniisip. And there I realized what I just said.  Ariadne, you’re one unfiltered b***h.  He smirked sexily and bent his neck sideward slightly to place the ice pack.  “Then that’s enough,” He said in his baritone voice. “…worrying about me.” He emphasized.  At nilagpasan niya ako.  Biglang nag-init ang mukha ko dahil sa gusto niyang ipahiwatig.  Did he just tell me with her actions and vague statements that he likes it when I’m worried?  I’m not stupid but halata naman ang gusto niyang ipahiwatig.  “Are you coming?”  Napatigil ako sa pag-iisip nang mapansing medyo malayo na ang distansya namin. “Obviously,” Pagmamaldita ko. Just to hide my embarrassment.  “Then walk fast, I hate you being behind me,” Swabe niyang sabi habang malawak ang ngiti.  Sa mga oras na ‘yon hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil malakas ang pagkabog ng dibdib ko habang nag-iinit ang mukha ko.  Nang makarating kami sa auditorium ay agad akong pumunta sa mga gamit namin para kumuha ng tubig at uminom. Kanina pa nanunuyot lalamunan ko. Hindi ko alam kung anong mayroon saakin ngayong araw na ‘to pero lagi na lang nag-iinit ang mukha ko sa tuwing may sasabihin si Hades.  I never felt this flattery in my whole life. I don’t know what Hades is up to but I could sense it could be dangerous. At ayokong sabayan siya doon dahil kilala ko siya. He’s a man of the world. Ayokong maging isa sa biktima niya.  I don’t plan on getting into relationship rin. I had to focus on my studies. Mas importante naman ang Harvard Law saakin kaysa sa lalaki.  They’ll just ruin my plan for myself.  Habang nagpapahinga ako at nagmamasid sa paligid ay biglang may nagpatugtog ng kanta.  Nakita kong mga nagsiyawan ang mga ka-org ko at imbis na sawayin ay hinayaan ko lang ang mga ito. Mamaya pa naman dating ng mga tao. Marami pa kaming oras.  “Isang moves naman diyan Pres!” Nanlaki ang mata ko nang hatakin ako ng student council at ipinunta sa gitna ng stage kung saan wala naman mga tao.  Nang mag-chorus ang kanta ay wala na akong nagawa kung ‘di ilagay ang dalawa kong kamay sa ulo at kinembot ang bewang ko.  “Hayup! Ang sexy sumayaw ni Pressy!”  “Ang hottie!”  Bigla akong tumigil at tumabi sa gilid dahil sa kahihiyan. Tuluyang nag-init ang mukha ko dahil doon at yumakap kay Marj para itago ang mukha ko.  Habang nagkakasiyahan ay dahil sa hindi nalalamang instinct ay napagawi ako sa kinalalagyan ni Hades.  And there as I meet his gaze, I realized that he looks like the man staring to a woman he love and admire.  His head is slight tilted while her arms and feet are crossed looking intently in me.  And there my heart pounded for the first time and it was Hades who made it on my first.  _________________________________________________________________ “Ladies & Gentlemen, now We're approaching Philippines where the local time is 09:00.  At this stage you should be in your seat with your seatbelt firmly, fastened.” Napasuot ako ng Prada symbole shades nang marinig ko ang announcement. Finally, after 19 hours of flight, we already have reached the country that I have forgotten for years. “Anak, wake up na, landing na tayo,” Pagtapik ko dito.  “Mary wag mo kalimutan ‘yung ticket and passport mo ah?” Kalabit ko sa yaya ng anak ko. Si yaya Mary ang naging sandalan ko bukod kay mama sa pagpapalaki sa anak ko. She’s still young and in her 20s but she already devoted herself to my family. Siya ang naging pangalawang ina ng anak ko. Kung tutuusin kahit lahat ginagawa ko para magampanan ang pagiging ina kay Maddox, alam ko sa sarili ko na kulang pa rin ‘yon.  And she was there to assured me that my son is having the love that I want to give regardless of my presence. But of course, as much as possible, gusto ko nandiyan ako lagi para sa anak ko. Na-swertehan lang talaga na napunta si yaya marie saamin dahil napaka-mapagmahal niya sa anak ko.  “And h’wag kang maninibago saakin pag nag-iba ang aura ko mamaya,” Paalala ko.  Mga tauhan kasi ni Mr. Juarez ang susundo saamin. And in th eindustry where I’m in, there’s no room for vulnerability.  And knowing that my field is more likely being dominated by men, my gender shouldn’t be a disadvantage but rather, an advantage to prove them that women were like snakes. Half can be poisonous and the other don’t.  But one thing for sure, women can kill.  And throughout my life, I’ve been proving myself.  And that’s why I can’t show any weaknesses, because the last time I did it. I got teared completely.  If weren’t for my son, I won’t be here fighting. “Good afternoon passengers. This is your captain speaking. First I'd like to thank everyone for flying with us….” After half an hour, finally our plane landed safely. Wala namang ganoong hustle sa pagbaba dahil nasa private jet ako. Actually, wala naman sa plano ko ang mag-private jet but Calista insisted. Pa-welcome niya raw saakin.  I fixed my nude trench coat and hair. For this flight I only wore black turtle fitted maxi dress and Gucci stockings with white shoes.  “Thank you for riding us, Attorney!” Pagbati saakin ng mga flight stewardess. Nakipagkamayan rin ako sa mga piloto.  Nang makapagpasalamat ako ay hinawakan ko ang maliit na kamay ng anak ko at tinulungan ito makababa.  Pero napatigil ako nang makita na may red carpet na naghihintay sa harap ko.  I don’t know that my homecoming will be this grand! Calista never removed her extravagance!  “Wow this is cool mommy!” Masayang sambit ng anak ko.  Nang makababa kami ay akmang magsasalita ako sa taong chauffer na sumalubong saamin nang may lumabas mula sa kotse na pustiryosa at mala-anghel na katauhan.  “Zia!”  Halos napatalon ako nang mapagtanto ko si Zia ‘yon. Naiba ang aura ko at napatalon ako ng ilang beses dahil sa saya.  Nabitawan ko bigla ang anak ko at napatakbo sa kaniya upang yakapin siya ng mahigpit.  “Zia!” Pagtili ko at narinig ko ang pagtawa nito.  It has been 4 years since I saw her in personal.  “Aria! Omg! I almost don’t want to approach you! You look really intimidating!” Tawang saad ni Zia at natawa ako at itinaas ang shades sa ulo ko.  Before I even forgot, marahan kong hinarap ang anak ko at pinantayan ito.  “Anak remember Tita Zia?” Tanong ko. “You say hi.”  Nanlaki ang mata ni Zia nang makita ang anak ko.  Yakap-yakap ang anak ko ang favorite hotdog pillow niya habang inosente ito sa paligid niya. He seems overwhelmed by everything since this is his first time to be here in the Philippines.  “Omg you’re a spitting image of—-whatever can tita have a kiss?” Masayang sabi ni Zia at pumantay pa dito.  Agad namang humalik ang anak ko pero tahimik pa rin ito habang nakatingin kay Zia.  “And this is Mary, our beloved yaya,” Malambing kong pakilala at nakipagkamayan naman ito kay Zia.  “You know before we even have our crying or kamustahan session here, let’s get out of here and have a decent meal,” Masayang sambit ni Zia na agad naman naming napagkasunduan.  After a while, sumakay kami sa kotse niya. Siya pala at si Calista ang nagpakana ng ganito.  “You know what? I’m really nervous while waiting for you. A lot of us don’t have any idea what you look like. I mean, Calista, Sierra and Mackie visited you but that was years ago na and you’re different that time,” Makahulugan niyang sabi at napataas na lamang ako ng kilay at napayakap sa anak ko.  “Well people change when they feel pain. But anyway, at least ‘andito ang baby ko. I’m really grateful to have my son here,” Saad ko at hinalikan ang ulo ng anak ko habang nakatingin ito sa malayo at mukhang naninibago sa lugar.  Tinapik naman ako ni Malzia at binigyan ng makahulugang tingin.  “To be frank talaga, hindi ko matatanggi kamukha niya si ano,” Saad niya at napairap na lamang ako.  “Tigilan mo ko, Zia. Ako ang nagluwal dito kaya tantanan mo ko,” Tawang giit ko at tumawa ito ng malakas.  After our time in the car, I don’t have any idea kung nasaan kami but nag-park ang kotse sa isang malaking hotel.  “I made a reservation here,” Saad ni Zia and I just followed her.  I’m not that tired since we slept good in the plain. We have a comfortable space in the aircraft. Inaalala ko na lang siguro ‘yung anak ko dahil alam kong bago pa sa kaniya ang paligid. And kids need some plenty of sleep.  Nang makababa kami ay naramdaman ko ang pagkailang ng anak ko sa paligid. Nakuha niya saakin ang attitude na ganoon, uncomfortable pagnaninibago pa.  Nang makapasok kami sa loob ay wala kaming ideya sa kung ano ang plano ni Zia. All I think is we’re going to eat.  “Mommy…” Abot saakin ng kamay ni Maddox.  Pinasuyo ko kay Mary ang bag ko at pagkatapos ay kinarga ang anak ko. Thankfully, I have a hobby of working out and into pilates so I consider myself at fit and have a good body.  “Good Morning, I’m Jemma and I’ll be assisting to your reserved area,” Pakilala ng isang nag-assist saamin. I could sense a lot of eyes in us since maraming body guards nakasunod saaamin but luckily mabilis kaming nakapunta sa area kung saan kami kakain.  “Welcome back!”  Napatalon ako sa gulat nang may biglang pumutok.  Nanlaki ang mata ko nang makitang kumpleto sila doon.  Calista, Sierra, Maxima and Mackie were there. And I was also shock na nadoon si Kazuya and Vaughn.  Napatakip ako sa bibig ko habang karga ang anak ko. I don’t have any idea that all of them will be here! I didn’t even prepared myself seeing all of them.  “Oh fuc—sorry nandito pala anak ko,” Biglang alala ko at lumapit sa kanila upang yumakap. “Bwisit kayo! How did—-all of you are crazy—-I miss you guys!” Mataas kong tono habang mahigpit na nakayakap sa kanila.  “Grabe girl! Putcha! Hindi kita nakilala Aria! You look bomb!” Gulat na bungad ni Maxima.  “Omg girl amoy best attorney in town,” Panggigil ni Calista saakin. “Om—Is this Hades?!”   “Bibig mo, Cali!” Pagtapik sa kaniya ni Mackie at pinandilatan siya. Napailing na lamang ako at napahagod ng likod sa anak ko dahil humigpit ang yakap nito sa leeg ko.  “Hi how are you,” Nahihiya kong sabi nang yakapin sila Kazuya and Vaughn. I owe them a lot. I know how hard for them to cover me up and help me to hide myself.  “Woah,” Gulat na bungad ni Kazuya nang makita ang anak ko.  Habang nakapalibot sila saakin ay binaba ko ang anak ko at lumuhod para pantayan ito.  “Anak… you say hi to your titos and titas,” Malambing kong sabi at nahihiya itong humarap habang hawak ang dala niyang pillow at kumaway.  “Hi…” Nahihiya nitong sabi at sumiksik saakin.  “Ay wala kamukha lang pala, kuhang-kuha pa rin character mo Aria,” Tawang sabi ni Maxima. “Now I feel guilty even more,” Saad ni Vaughn na tila hindi makapaniwala na sila ang unang nakakita sa anak ko.  “Grabe yung blue eyes…Love gawa na tayo later, baby number 3,” Pag-aaya ni Calista kay Kazuya at tumawa lang ‘to.  “Be careful what you wish for,” Makahulugang sabi nito at napairap naman ako.  “Kakarating ko lang pero ang lalandi na ah,” Kumento ko.  After some time, we decided to sit down on a round table and eat. Habang busy ako na inaasikaso anak ko dahil natapos naman ako kumain, ay biglang nagsalita si Calista.  “Alam mo Aria, nagulat talaga ako sa ‘yo. You really glow up. Swear! Yung visual mo—-you can be scouted as a model or so. You look like on your 20s!” Buong sinseridad na sabi ni Calista.  “How’s Florida, Aria? I heard a lot of things from you,” Kumento ni Vaughn at tipid naman akong napangiti.  “Well, trying my best to be the best in my field and be a mother to my son, 4 years has been crazy but I’m thankful lang kasi I have my son,” Sagot ko.  Looking back, I didn’t notice how I grew over the past 4 years. Mas naging matatag ako. Nahihirapan ‘man ako pero hindi ako sumusuko para sa anak ko.  And for those 4 years, dala-dala ko pa rin ang sakit ng nakalipas. Up until now naman siguro pero ang pinagkaibahan lang ay kaya ko na labanan ang kalungkutan na ‘yon dahil may nakita na akong purpose.  At ‘yon ay maging ina sa anak ko at maging modelo sa kaniya.  “I heard you’re winning a lot of case. Last year lang you won the case against one of the biggest tech that even Atty. Farrel gave it up,” Kumento naman ni Kazuya.  Napangisi naman ako nang maalala ang case na ‘yon. I saved plenty of ass on that case. But I sacrifice my bond with my son. I could still remember mga tampuhan namin ng anak ko.  That’s the reason why I stop taking big cases and focus on pro-bono. I already saved a big money naman so I want to stay lie-low.  “Your case must be a big of a deal. Alam kong hindi ka uuwi basta-basta pag hindi seryoso ang case na hawak mo ngayon,” Kumento ni Maxima at napasinghap naman ako.  “I’ll represent the Juarez Pharmaceutical,” Sagot ko.  At lahat sila ay napaawang ang bibig nang sabihin ko ‘yon.  Biglang napaubo ng malakas si Kazuya habang napainom ng tubig si Vaughn.  “A-are you serious?” Gulat na tanong ni Zia at napatango ako.  “Yeah. But we’ll go back to the Florida after I win the case. I don’t have plans to stay longer here,” Dagdag ko.  “Aria…” Alalang pagtawag saakin ni Maxima.  “What? What’s with the look?” I asked frankly and all of them avoided my gaze.   Nagulat ako nang hawakan ni Zia ang kamay ko at huminga ng malalim.  “Are you aware who’s going to represent Thomss & Gerrd Pharmaceutical?” Tanong muna ni Zia.  Oh yeah, the one that I’ll go against.  “Not yet, but I’ll meet them about 3 days from now,” Saad ko at napahinga ng malalim si Zia. “Hades will represent them.” She revealed that made me stunned. “You’re going on war against your ex-husband, Ariadne. Are you not really aware?”  And there, I knew I messed everything up. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD