Chapter 10

2235 Words
Chapter 10 Napa-daan ang batang si Emma sa tapat ng silid ng kaniyang Mommy, at pansin na naka-awang na naka-bukas ang pintuan ang silid ni Ester, na iyon naman ang kadalasan na hindi normal dahil parati itong naka-sarado o naka-lock sa tuwing umaalis. "Mommy?" Mahinang tawag ni Emma sabay apak sa sahig, ngunit walang sagot sa kaniyang Ina. Tinulak ni Emma ang pintuan at natagpuan na lang ang sarili ng bata na inapak ang paa hanggang maka-pasok nga sa loob ng silid nito. Sakto lang naman ang laki ng silid at makikita mo ang kama sa isang tabi– at ang puting punda, bedsheet at kumot naging kulay light brown na halatang hindi na iyon napapalitan. Wardobe sa isang tabi, drawer, salamin at bintana na matatanaw mo ang kanilang palikuran. Hindi pa man nakaka-ilang minuto si Emma, amoy na kaagad ang nakaka-sulasok na amoy na nanunuot sa kaniyang ilong. "Ano iyon?" Sabay takip ni Emma ng ilong na hindi matukoy kong saan nanggaling ang amo'y dahil sobrang baho. Nilibot ni Emma ang mata at makalat ang buong silid, naroon ang mga nilukot na mga papel, bote at nabahiran na nang alikabok ang paligid at furniture dahil matagal na siguro huling nalinisan. Nilapitan ni Emma ang drawer at sinubukang buksan at wala naman siyang nakikitang kakaiba, kundi sa mga ilang gamit na ginagamit ng Ina gaya ng suklay, pulbo at kong ano-ano pa. Hindi matukoy ni Emma ang kaniyang hinahanap, ngunit gusto niyang alamin kong ano ba talaga ang kababalaghan na nangyayari sakanilang Ina. Takot man siyang mag tanong kaya't aalamin niya na lang mismo ang totoo. Hanggang sa pag hahanap ni Emma, nasagi niya ang makapal na sketch book kaya't ito malaglag. Natakot pa nga siya dahil baka mahuli siya ng kaniyang Ina. "Ano naman kaya ito?" Taka ni Emma na tanong at simulang buklatin kong ano ba talaga ang laman no'n. Sa unang page makikita mo ang malaking building. Hindi ko matukoy kong ano ito ngunit nakaka-takot at gamit sa itim na charcoal or krayola ang pinang-guhit doon. Sa pangalawa naman na pahina. Isang sementeryo at maraming sign ng kruz ang naka-baon sa lupa. Napa-lunok si Emma na sunod na binubuklat, na kahit siya natatakot na rin sa kaniyang nasaksihan. Pangatlong litrato, Naroon ang maitim na pigura ng isang babae, gaya pa din ng dati kulay itim ang pinang-guhit at wala kang makita na ibang makukulay na ginuguhit doon. Sobrang dark at mabigat sa dibdib na pag-masdan iyon. Pang apat na litrato– Doon ang pugot na ulo na hawak ng isang babae. Pang lima. Naka-tayo ang babae na sobrang dilim at matutulis ang kaniyang mga kuko. At pang anim na litrato, Naroon ang maitim na pigura ng babae. Naka silip sa pintuan at kanina pa naka-tingin sakaniya. Doon nabitawan ni Emma ang hawak na sketch book at sabay pintig ng malakas ng kaniyang dibdib. Namutla ang labi ni Emma at aalis na sana sa silid ngunit kay isang bagay na naman muli nag paagaw nang kaniyang atensyon Nakita niya sa tagong parte ng silid ni Ester naka lagay ang nilalangaw lalagyan. Rinig mo ang malakas na ingay ng mga langaw na na patuloy nag sisiliparan sa lalagyan. Tinataboy ni Emma ang langaw palayo ngunit bumabalik din naman kaagad ang mga ito. "Alis! Alis!"taboy ni Emma dito ngunit hindi talaga sila mawala-wala. May kong anong humahatak sa mga langaw na dumapo ulit sa damit. "Si Mommy talaga oh! Hindi malabhan ang damit niya." Himutok ni Emma at hinawakan ang damit ni Ester para ilabas iyon. Nahinto kaagad si Emma dahil sa ilalim ng damit may nakita siya na mag pagimbal sa kaniyang puso. Nakita niya ang collar ni Summer na may bakas ng dugo. Katabi sa damit ni Ester na maraming dugo na rin kumapit doon. "Ahh!" Wala sa sariling nabitawan ni Emma ang damit ng Ina pabalik sa lalagyan. Ano ito? Dugo ba iyon? Bakit ganun? Bakit nandito ang collar ni Summer? Anong nangyari? Bakit? Uminit ang sulok ng mata ni Emma at hindi mapigilan na matakot sa kaniyang nasaksihan. Rinig ni Emma ang mabibigat na yabag ng paa paparating, at kahit lumabas man siya makikita ang kaniyang pag puslit sa silid. Pawisang nag palinga-linga ng tingin si Emma para humanap ng mapag-tataguan. Malakas ang kutob ko na si Mommy iyon. Palakas nang palakas ang yabag ng paa. Yabag ng paa na kayang pasindakin ang iyong kalamnan. Hanggang napasyahan na tumago muna sa ilalim ng kama kong saan alam niya sa sarili na kakasya siya doon. Sumikisik na naka-dapa si Emma sa kama at tinakpan ang bibig para hindi mag pakawala ng anumang ingay na mapansin ang kaniyang presinsya sa loob ng silid ng Ina. Ilang sandali pa, palakas nang palakas ang yabag ng paa papasok at tangi na lang nakita ni Emma ang maputi at maputla na paa ni Ester. Mommy? Slow motion ang pag gawang pag lakad na kikilabutan ka dahil lumalangitngit ang bawat pag-apak ng paa nito sa kahoy na sahig. Napa-pikit si Emma ng tinabig ni Ester ang naka patong sa desk kaya't rinig mo ang pag pag-kabasag at nakakatakot na tunog no'n. Hindi malaman ni Emma ang gagawin. Hindi niya alam sa sarili kong makaka-alis pa ba siya ng ligtas sa kaniyang pinag-tataguan. Dumaplis ang pawis at kasabay ng luha sa mga mata ng batang si Emma na pinapanuod ang bawat pag apak ng paa ni Ester. Huminto si Ester sa harapan ng pader at sunod na inuumpog nito ang ulo ng paulit-ulit. Marinig mo ang nakakatakot ang pag hampas at pag tama ng noo doon, na kaylan man hindi mo nanaisin na pakinggan. Hindi mo nanaisin na makita. Lumuha si Emma na hindi na makayanan na paulit-ulit na ginagawa na iumpog ni Ester ang ulo sa pader, na hindi man lang ito nasaktan. Labis na siyang natatakot sa kakaibang kilos at galaw ng kaniyang Ina, na masisiguro niya talaga na hindi na normal iyon. Pikit-mata at kasabay ng luha na umaagos sa mata ni Emma na marinig ang pag bulwak ng dugo at durog ng laman nito sa paulit-ulit na pang-umpog ni Ester. Tumagal ang pag umpog ni Ester mahigit isang minuto–bigla itong tumigil, iyon na ata ang nakaka-kilabot na karanasan ni Emma na pinag-sisihan niyang masaksihan. Sunod narinig ang pag kabali ng buto na ginawa ni Ester, at hindi mapigilan ni Emma na mag pakawala ng mahinang impit sa takot–kaya't natigilan si Ester sa kaniyang ginagawa. Naging mabigat muli ang pag-hingga ni Emma, dahil naging maliksi ang pag amoy at pakiramdam ni Ester na hanapin kong ano man ang tunog na kaniyang narinig. Lalo pang tinakpan ni Emma ang bibig kasabay ang taimtim na dasal sana hindi siya mahuli. Simulang iapak muli ni Ester ang paa at hinahanap kong saan nag mumula ang tunog. Isang hakbang. Dalawang hakbang. At naging apat na hakbang At kusang huminto ang paa ni Ester sa tapat ng kama kong saan naka-puslit ng tago ang batang si Emma. Pigil-hiningga na makikita siya na naka-tago sa ilalim. Umalis kana please. Umalis kana. Yaan ang paulit-ulit na dasal ni Emma. Ilang segundo naka-tayo si Ester sa tapat ng kama bago nito napag desisyonan na–Bumaling ang yabag ng paa palabas. Hanggang sa nawala na ito sa paningin ni Emma. Humintay pa ng ilang segundo si Emma para masiguro na wala na talaga ito, bago napag-desisyonan na umalis sa pinag-tataguan. Daplis ang pawis at luha sa mata si Emma at patakbong bumaba, dahil hindi niya maatim na ganun ang nasaksihan. Takbo lang ng takbo si Emma at wala na siyang pakialam kong madapa man siya muli–basta gusto niya lang maka-alis. Sa pag-mamadali ni Emma may malamig na kamay ang humawak sa kaniyang pulsuhan kaya't siya mapa-tili nang sigaw na may kina-katakutan. "Bitawan mo ako.. B-Bitawan mo ako! Huwag mo akong papatayin!" Patuloy niyang iyak hanggang hinawakan ang mag kabila niyang balikat at sabay yugyog doon. "Emma, ako ito! Emma." Nakilala ni Emma ang boses at doon siya nabunutan ng tinik na makilala ito. "Auntie." Walang pasabi na niyakap niya ito kasabay ang pag hagolhol ng iyak sa bisig nito. "Inumin mo muna ito." Abot ni Flora ng tubig sa bata at tinanggap naman ni Emma iyon. Dinala si Emma sa sala ng mahismasan sa nangyari. Umupo si Flora sa bakanteng sofa na kaharap lamang ng bata. Bakas ang panginginig ng katawan ng bata at labis na takot. "Ano bang nangyari at putlang-putla ka?" "Nariyan po ba s-si Mommy?" Balisa na saad ni Emma. "Wala, hindi ko siya nakita sa pag-pasok ko kanina." "Auntie, si Mommy po." Iyak na sumbong niya dito. "Ano ba tungkol sa kapatid ko?" "Pumasok ako kanina sa kwarto at nakakatakot, na ako sa kinikilos niya Auntie. M-May nakita akong dugo sa damit niya at nakita ko din ang collar ni summer. Malakas ang kutob ko na may kinalaman si Mommy sa pag kamatay ni Summer." Hindi mapigilan na maiyak ni Emma habang kinu-kwento niya ito. "T-Tapos kanina nakita ko si Mommy inuumpog niya ang u-ulo niya sa pader ng paulit-ulit, at nakakatakot ang tunog. Nakaka-kilabot at ibang-iba ang kilos niya kanina. A-Ayaw ko na po. Maniwala ka sa akin Auntie, may i-iba kay Mommy." "Hey relax," pag-papakalma nito. "Ano bang pinag sasabi mo? Walang iba sa mommy mo, okay?" "Totoo po talaga ang sinasabi ko Auntie, m-maniwala ka sa akin." Naiyak ng husto si Emma dahil malabong paniwalaan siya nito. "P-Puntahan natin ang silid ni Mommy para makita mo kong ano sinasabi ko Auntie. P-Please, maniwala ka naman sa akin." "Kapatid ko si Ester at masasabi ko na normal siya, at walang kakaiba sa kaniyang kinikilos." Sapo ni Ester ang mukha sabay buntong-hiningga ng malalalim. "Sinabi mo na ito sa akin noon Emma. Alam kong mahirap para sa'yo ito, at naiintindihan kita kong bakit sinasabi mo ito dahil naninibago ka sa kinikilos ng Mommy mo dahil matagal mo siyang hindi naka-sama... Matagal ang tatlong taon," anito. "Sabihin na natin na tama ka, may nakikita kang kakaiba sa Mommy mo, dahil iyon sa cause ng accident at matagal siyang na-coma. You're Mom still healing Emma, at may iniinom pa siyang gamot para sa kaniyang sakit...Tigilan mo na nga ang kalokohan mo,please. Malungkot si Ester kapag nalaman niya ang sinasabi mo sa akin." "Pero Auntie. Hindi ko ito ginagawa para sirain si Mommy o ano. Maniwala ka sa akin, hindi siya ang Mommy k—-" tinaas ni Flora ang kamay para patigilin na ang bata sa pag-sasalita. "That's enough Emma. Tigilan mo na mag salita ng ganiyan at nahahawa sa'yo si Paul," pagalit ngunit pinigilan ni Flora na mag taas ng boses sa bata. "Now go to your room now, ayaw kong pag-talunan pa natin ang bagay na ito Emma." Utos nito kaya't walang nagawa ang batang si Emma kundi pumanhik sa kaniyang silid. Maluha-luha itong tumayo at sa huling pag-kakataon tinignan ni Emma si Flora bago pumanhik sa silid nito. ****** Naalimpungatan ng gising si Flora sa labis na uhaw na nadarama. Hindi niya alam kong anong oras na pero malalim na ang gabi. Sobrang tahimik na nang paligid kaya't napag-desisyonan niyang bumangon para kumuha ng tubig sa ibaba, para maibsan ang labis na pag-ka uhaw. Lumabas si Flora sa silid at tahimik ang bawat paligid, tanda na tulog na ang lahat sa kanya-kanya nilang silid. Hindi na binuksan ni Flora ang ilaw dahil may iniwan pa naman siyang ilaw na naka-bukas bago matulog para mag silbing patintihan ng liwanag kong sakali man may magising ng madaling araw. Sapo ni Flora ang noo at nag lakad papunta sa kusina para kumuha ng maiinom. Binuksan niya ang ilaw ngunit nag flickering na iyon. Patay-sindi ang ilaw. "Ano ba iyan. Bakit ngayon pa." Himutok ni Flora at binuksan ang switch pero hindi na iyon umilaw pa. May konting liwanag pa naman nag sisilbing ilaw sa labas ngunit hindi pa rin sapat para makita niya ang buong paligid. Sinalinan ni Flora ng tubig sa pitcher sa baso. Lalagukin niya na sana ang laman ngunit may isang bagay mag paagaw ng kaniyang atensyon. Iyon ang maitim na aninag na bulto ng tao na naka-tayo sa aking harapan. Anim na hakbang lamang ng paa ang layo ng maitim na pigura ng babae. "Ate?" Pilit na inaaninag ni Flora ang maitim na pigura na nilamon na ng kadiliman. Hindi naman naka dama ng takot sa puso si Flora dahil sa paboritong suotin ng kapatid ang puting bestida at korte ng katawan. Kapareho din ang tangkad ni Ester kaya't hindi na siya nag duda pa. "Gising ka pa pala. Bigla kasi akong nauhaw kaya't bumaba ako Ate." Kahit suot ito ng damit, hindi mawari ni Flora kong bakit hindi niya makita ang kabuuang mukha nito. "Shhnnans" Patuloy na bulong ngunit hindi maintindihan ni Flora kong ano sinasabi ng kapatid. "Ano Ate?" "Shahnansnah" iyan na naman siya sa kakaibang bulong na siya lamang naka-intindi. Malalim at galing sa kailaliman ng balon ang bulong nito. "Svvahanaj" "Hindi ko naintindihan ang sinasabi mo Ate Ester." Hanggang nag flick ulit na bumukas ang ilaw at nagimbal si Flora dahil biglang nawala ang maitim na pigura na kaniyang kina-kausap. Nag sitayuan ang kaniyang balahibo sa katawan at hindi magalaw ang sarili dahil wala. Wala na ang Ester na kausap ko. Wala na ang Ester na nasa harapan ko lamang. Wala sa sariling nahulog ni Flora ang baso na hawak kasabay ang malakas na pintig ng kaniyang puso. Ano iyon? Ano ang nilalang na aking nasaksihan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD