Chapter 2

1712 Words
Napangiti ako nang maramdaman ko ang hangin na dumampi sa balat ko. Grabe! Namiss ko 'to, namiss ko ang polusyon sa Pilipinas. It feels home! Agad akong sumakay ng taxi pagkalabas ko ng airport. Namiss ko ang traffic dito sa Pilipinas, I know, I'm weird. Nakangiting nakatingin ako sa mga nadadaanan namin. Natigilan ako nang mapatingin ako sa malaking billboard, isa ito sa pinakamalaking billboard na nakita ko. Danger Zone. Ang Danger Zone ang nasa malaking billboard. Napangiti ako nang makita ko iyon. Kumpleto silang pito doon at pare-parehas silag nakasuot ng tuxedo. Napansin kong nasa gitna nila si Ice, siya lang ang hindi nakangiti. Kahit talaga sa picture ang cold niya. Excited na ko sa magiging reaksyon nila sa pagbalik ko. Sigurado akong magugulat silang lahat lalo na sina nanay. Bago ako dumiretso sa bahay namin, doon muna ko sa nirentahan kong unit dumiretso. Masyado kasing malayo ang bahay namin sa restaurant ko kaya nagrenta na ko ng unit. Inayos ko muna ang mga gamit ko pagkatapos ay umalis din agad ako at dumiretso sa 'Hot and Cold' (yung restaurant ko) para silipin kung kamusta na ito. Sinalubong ko ng ngiti ang mga trabahador sa restau. Maayos na ang restaurant ko, kulang na lang ng kaunting gamit. Napansin ko din na parang ang laki yata ng restaurant, hindi ito ang inaasahan ko. "Shenna, is that you?" napalingon ako sa nagsalita. Agad akong napangiti at sinalubong siya ng yakap. "Lololo! I miss you." "Sinurpresa mo ko, dapat sinabi mo sakin na uuwi kana para napasundo kita sa airport." sabi nito at ginulo ang buhok ko. "Ano ka ba Lololo? I just want to surprise you kaya hindi ko sinabi. By the way, bakit parang ang laki yata ng restaurant? Parang hindi ganito ang pinadala saking blueprint ng restau ah." nagtatakang sabi ko. "Pinalaki ko talaga itong 'Hot and Cold'. I want it to be the best restaurant." "Hay nako Lololo." napapailing na lang na sabi ko. "By the way, I think pwede mo ng buksan ang restau next week. Mga gamit na lang ang kulang dito at syempre mga empleyado. Magpatulong ka sa Danger Zone na maghanap ng mga trabahador mo dito, matutulungan ka nila." nakangiting sabi niya. "Salamat Lololo, the best ka talaga!" sabi ko at nag thumbs up pa sa kanya. *** "Ang laki laki mo na Ochoy baby." sabi ko at pinisil ang payat na niyang mga pisngi. Namiss ko yung chubby cheeks niya at ang nakakagulat pa diyan, mas matangkad na si Ochoy sakin. Tama kayo ng basa, mas matangkad na nga sakin si Ochoy. Ang hirap lang tanggapin! "Ano ba ate? Sabi ng Charles na ang itawag mo sakin eh." nakasimangot na sabi nito. "Oo nga Shenna, binata na yang kapatid mo, akala mo ba." nakangiting sabi ni tatay at ginulo ang buhok ni Ochoy. "Ah. Binata na si Ochoy, ayaw niya na kay ate. Sige, babalik na lang ako sa US." kunwaring malungkot na sabi ko. Agad naman akong niyakap ni Ochoy, hays! Talagang mas matangkad na siya sakin. Bakit kasi hindi ako tumangkad kahit konti lang? "Sorry ate, p-pwede mo na kong tawaging Ochoy. Basta wag ka ng umalis ulit." napangiti ako at niyakap din siya. Mas malalim na ang boses ni Ochoy. Bakit ang bilis niya magbinata? Tapos ang gwapo gwapo niya na ngayon. Hindi na siya cute! "Oh tama na yan, kumain na tayo." sabi ni nanay habang naghahain. Namiss ko talaga sila ng sobra! *** Pagod na pagod ako nang maarating sa unit ko. Gumala kasi ako kasama sina nanay dahil namiss ko sila ng sobra kaya nilubos lubos ko. Baka bukas ko na lag sorpresahin sina Kyla at ang Danger Zone, pagod na kasi talaga ako eh. Nang nasa tapat na ko ng unit ko, hinalughog ko muna ang card sa bag ko. Nasaan na ba yo'n? Baka hindi ako makapasok nito. Natigilan ako nang mapansin kong medyo nakaawang ang pinto. Naiwan ko ba 'tong nakabukas kanina? Hindi ko na lang pinansin yo'n at dali daling pumasok at dumiretso sa kwarto ko. Hindi ko na binuksan ang ilaw at agad na humiga sa kama para umidlip, mamaya na lang ako kakain. *** Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may matipunong braso na pumalibot sa baywang ko. Nanlaki ang mga mata ko at napalingon sa katabi ko. Dali daling inabot ng kamay ko ang lampshade at binuksan yo'n at mas lalo akong nagulat nang makita kung sino ang katabi ko. Si Ice?! Si Ice ba talaga 'to?! Marahan kong hinawakan ang pisngi niya. Baka nananaginip na naman ako. Kinurot ko ang pisngi ko at nagulat ako nang makaramdam ako ng sakit. Hindi ako nananaginip! Hindi talaga! Nanigas ako nang marahang idilat ni Ice ang mga mata niya, napatitig siya sakin. Napakurap ako ng mga mata ko, ano bang dapat kong gawin o sabihin?! Bakit ba kasi nandito siya sa unit ko? "What are you doing here?" malamig na tanong nito. Aba! Malamang unit ko 'to eh. Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Ice sa braso at inihiga ulit ako sa kama, nagulat lalo ako nang dumagan siya sakin. "I-Ice." "I'm asking you, what the hell are you doing here?" sabi nito at mas idiniin ang mga kamay niya sa braso ko. Pakiramdam ko ay mas lalo akong lumulubog sa kama. "I-Ice." sobrang gulat pa din ako. Puro 'Ice' na lang ang nalabas sa bibig ko. Bwisit! Natigilan kami ni Ice at napalingon sa may pinto nang bumukas iyon. Gulat na gulat sina Kyla at ang Danger Zone na nakatingin samin. "A-Anong ginagawa niyo?" gulat na tanong ni Kyla. Sa sobrang pagkataranra ko, naitulak ko si Ice kaya nalaglag ito sa kama. "Damn it! Shenna!" galit na sabi ni Ice at tiningnan ako ng masama. "A-Anong ginagawa niyo sa unit ko?!" mukhang nagulat naman sila sa tanong ko. "Unit mo?!" sabay sabay na tanong nila. *** Pakiramdam ko ay nag-uusok na ang mga pisngi ko ngayon dahil sa pagkapahiya. Room number 1413 pala ang napasok ko, 1412 ang room number ko. "Ano? Naniniwala ka na ngayon?" natatawang tanong ni Lion. Napatango na lang ako. "S-Sorry sa inyo." nakatungong sabi ko. "Wag ka samin mag-sorry, kay Prince." makahulugang sabi ni Gun at ngumisi. Napatingin ako kay Ice na prenteng nakasandal sa pinto ng unit niya habang nakapikit. "S-Sorry Ice." mahinang bulong ko habang nakatungo. Hindi ako nito pinansin, pumasok na lang ito sa unit niya at padabog na sinara ang pinto. "Ikaw na gaga ka! Hindi mo sinabi samin na nandito ka na pala!" agad na lumapit akin si Kyla at hinila ang buhok ko. Brutal talaga 'to! "Aray! Hindi na surprise yo'n kung sasabihin ko kaagad." nakangusong sabi ko. "Destiny talaga oh, magkatabi pa kayo ng unit ni Prince." nakangising sabi ni Shark. "Nakakahiya talaga yung nangyari kanina." sabi ko at pakiramdam ko nag-iinit na naman ang pisngi ko. "Ang cool nga eh, ang tindi!" sabi pa ni Lion. "Wait, nasaan si Bullet?" nagtatakang tanong ko. Kaya pala parang may kulang. "Nasa business trip. Lalong nagpapayaman ang hayop." napapailing na sabi ni Gun. "Hay! Namiss ko talaga kayo!" sabi ko at niyakap sila. "Namiss ka din namin pandak." napanguso ako. Pandak na naman! *** "Sino pa bang pwede?" tanong ko habang tinatapik tapik ang mesa. Naglilista ako ng mga iimbitahan ko para sa grand opening ng Hot and Cold. Kahit ayaw ko, sinama ko na rin sa listahan sina Ice at Sarah. Napatingin ako sa natirang sinigang sa mesa ko. Diba dapat magshare ako ng ulam sa mga kapit-bahay? Napangiti ako at dali daling kinuha ang mangkok na may lamang sinigang. Sinulyapan ko munaag sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng malaking plain white t-shirt pero itinali ko yung dulo no'n kaya litaw na litaw ang flat kong tiyan, nakasuot din ako ng maikling maong short. Pambahay na pambahay ang suot ko. Pero sa totoo lang, natuto lang ako magsuot ng mga maayos na damit mula ng pumunta ako sa US. Agad akong lumabas ng unit at tumigil sa tapat ng pinto ni Ice. Huminga muna ako ng malalim bago magdoorbell. Nagitla ako nang bumukas ag pinto, bumungad sakin ang walang reaksyong mukha ni Ice. Nakasuot siya ng business suit at mukhang papunta na sa trabaho. Alaganing ngumiti ako sa kanya at inabot ang mangkok. Kinuha naman niya iyon. Tiningnan niya ang laman ng mangkok, pagkatapos ay lumipat sakin ang tingin niya. Naramdaman ko ag pag-iinit ng pisngi ko nang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Kukunin k-ko na lang yung mangkok mamaya." sabi ko at dali daling pumasok sa unit ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakas ng t***k nito. Bakit gano'n makatingin sakin sakin si Ice? Para niya kong hinuhubaran sa tingin niya! Third Person's POV*** Pagkasara niya ng pinto ay agad niyang nilagay ang mangkok sa mesa. Napalunok siya at naiiritang hinila ang neck tie niya. Pakiramdam niya ay kailangan niyang magshower ulit, he freakin' need a cold shower. Pakiramdam niya ay gusto niyang lumabas at dumiretso sa katabi niyang pinto. He wants her. Pairamdam niya ay nag-iinit ang pakiramdam niya nang makita ang suot ng dalaga. She's a fvcking tease he can't resist. Siya lang ang nakapagparamdam ng ganito sa kanya. Pero kailangan niyang pigilan ang nararamdaman, he will never fall for her traps again. Never. Shenna's POV*** Nakakagat labing nakatingin ako sa orasan. Dapat ko na bang kunin ang mangkok kay Ice? Oo! Gagamitin ko kaya yung mangkok! Dapat lang na kunin ko yo'n kasi ako ang may-ari no'n. Diba? Diba? Tumayo na ko at lumabas ng unit ko. Agad akong tumigil sa pinto ni Ice at nagdoorbell. Nakakagat labing naghintay ako. Natigilan ako nang hindi si Ice ang nagbukas ng pinto kundi si Sarah. "S-Shenna?" gulat na tanong nito. Hindi naman ako makatingin sa kanya. Mas maganda pala talaga siya sa personal. Nakaka-insecure, sobra. "Sarah! Where's my coat?" narinig kong tanong ni Ice mula sa loob. "N-Nandyan lang sa sofa." nauutal na sabi ni Sarah habang nasa akin pa rin ang mga mata niya. "Why are you---" natigilan si Ice nang makita ako. "What are you doing here?" malamig na tanong nito. "A-Ah, w-wala lang." mahinang sambit ko a dali daling tumakbo papunta sa unit ko at sinara ang pinto. Nagsitakasan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Siya na ba ang mahal ni Ice? Hindi niya na ba talaga ako mahal? Hindi! Hindi pwede! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD