Chapter 1

1850 Words
“Lagi kang pinupuri ng head chef sakin, I'm so proud of you Shenna.” napangiti ako sa sinabi niya. “Of course Lololo. Magaling yata 'to.” kausap ko ngayon sa phone si Lolo, Lolo Ice Lord Farthon. Sanay na kong kausap siya, at tuwing nag-uusap kami, wala talaga akong galang sa kanya. Hindi ako nag p-'po' at 'opo'. Para lang kaming tropa. It's been three years, three long years at masasabi kong mas nag-improve ang cooking skills ko. Naging close din kami ni Lololo, hindi ko inaasahan yun nung una pero mabait pala talaga ang matandang 'to. “Kailan ka uuwi dito sa Pilipinas?” natigilan ako sa tanong niya. I don't know, para kasing ayoko pang umuwi kahit nakapagtapos na ko ng culinary arts dito sa America. Pinapadala ko rin sa Pilipinas kay Lololo ang perang iniipon ko para makapagpatayo ng restau sa Pilipinas. Si Lololo kasi ang nag-aasikaso ng restaurant na pinapatayo ko. “I-I don't know Lololo, I t-think I'm not yet ready.” I sighed. “It's because of Prince, am I right?” hindi ako nakasagot sa sinabi niya. “Again, I'm sorry. I ruined everything.” “Ano ka ba Lololo? Ginawa mo lang ang makakabuti para saming dalawa. Tingnan mo kami ni Ice ngayon. Ako, I'm a successful chef now at magpapatayo na ko ng restau diyan sa bansa, and Ice, he surpassed you and Tito King in terms of business. We're now both successful because of you.” pagpapanatag ko sa loob ni Lololo. Aminado ako, nung una sinisi ko talaga si Lololo kung bakit wala na kami ni Ice ngayon pero ginawa lang niyo 'yon para din samin ni Ice. Kahit na mahal na mahal namin ang isa't isa, immature pa kami noon. Pagkatapos ng kwentuhan namin ni Lololo. Kinamusta ko naman sina nanay. Linggo linggo kong kinakamusta sina nanay. Natutuwa nga ako tuwing nagk-kwento sila tungkol kay Ochoy. Fifteen years old na siya ngayon at masasabi kong matalino ang kapatid ko. Sabi ni nanay ay wala na daw silang paglagyan ng mga trophies at medals ni Ochoy. Hindi na rin mataba si Ochoy tulad ng dati, mas lalo siyang gumwapo. Sabi nga ni nanay ay may napuntang mga babae sa bahay namin araw araw at hinahanap si Ochoy. Sabi ko nga eh wag palapitin si Ochoy kay Lion dahil baka mahawahan ng kung ano ano ang kapatid ko. Sabi naman nila, si Tiger daw ang laging ka-jamming ni Ochoy, magkasundo daw kasi sila, sabagay, parehas matalino eh. “Hello Nay!” masayang bati ko nang sagutin na ni Nanay ang tawag. “Oh! Hello anak! Kamusta ka na diyan?” “Ayos lang naman po. Nay kamusta na po yung bahay natin?” ipinaayos ko kasi ang bahay namin, pinalakihan ko na rin. “Aba't eto, napakaganda na ng bahay natin! Mas lumaki na rin at tatlo na ang kwarto, umuwi kana kasi dito sa Pilipinas para makita mo na sa personal!” Mahigit isang buwan na rin akong pinipilit nina nanay na umuwi ng Pinas, kailangan ko munang pag-isipan kung kaya ko na. “Hay nako nay. Nga pala, yung restaurant po na pinapagawa ko, nasilip niyo na po?” pag-iiba ko ng usapan. “Ah oo! Sinamahan kami nina Lion. Ang laki at ang ganda nga eh. Konting ayos na lang.” napangiti naman ako. Unti unti ng nagbubunga ang mga pinaghirapan ko. “Nga pala anak, bakit ka pa nagpadala ng mga gadgets at tv. Hindi naman namin magagamit ang mga 'to.” “Ano ka ba nay? Magagamit yan ni Ochoy sa pag-aaral niya. Nga pala, nasaan po si Ochoy?” “Nandoon sa kwarto niya at nag-aaral. Napakasipag na bata talaga.” “Hayaan niyo lang po siya. Pagbalik ko po diyan sa Pilipinas at bukas na ang restaurant, tuparin niyo po ang pangako niyo sakin na sa bahay na lang kayo ni Tatay at hindi na kayo magt-trabaho. Hindi na po kayo mga bata.” natatawang sabi ko. “Oo na. Hindi pa naman kami uugod-ugod ng tatay mo para patigilin mo sa trabaho eh.” “Nay, para saan ba ang pagsisikap at pagtitiis ko dito? Gusto kong nasa bahay na lang kayo lagi ni tatay at nagpapahinga.” “O siya, sige na. Wala naman kaming magagawa eh. Nga pala, hinihintay ni Kyla ang tawag mo. Video call daw kayo.” Pagkatapos kong makipag-kwentuhan kay nanay ay agad na kong nagpunta sa banyo para maligo, pagkatapos kong magbihis kinuha ko na ang laptop ko at umupo sa kama para makipag video call kay Kyla. “Hello Shenna!” nakangiting sabi ng loka. “Hello! Kamusta ka naman baliw na babae?” “Hay nako, eto maganda pa rin. Nagsasawa na nga ako sa pagiging maganda eh. Kahit bakla naakit ko.” napakunot ang noo ko. “Sinong bakla?” “W-Wala! Teka nga, wala ka bang napapansin sa lugar kung nasaan ako ngayon.” umurong siya ng kaunti at pinakita kung nasaan siya. Nanlambot ang tuhod ko nang mapansin ang pamilyar na kukay ng pader at design ng kama. “Korek! Nandito ako sa kwarto ni Prince!” sabi nito at bahagya pang luundag sa kama. Napalunok ako. “Get off my bed.” mas lalong nanuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. “Prince, tingnan mo si Shenna oh.” hinarap ni Kyla kay Ice ang laptop. Nanlaki ang mga mata ko. Kahit sa screen ko lang siya nakikita ngayon parang hinihigop pa rin ng asul niyang mga mata ang pagkatao ko. Malamig na nakatingin lang siya sakin, wala siyang reaksyon. Mas lalo akong napalunok. “I'm busy Kyla, stop pestering me.” sabi ni Ice at iniharap ulit kay Kyla ang laptop. “Sungit talaga.” bulong nito. “Ano ka ba Kyla? H-He's busy.” mahinang sabi ko. “See Kyla? She doesn't even want to talk to me.” sabi pa ni Ice. “Kyla, sabihin mo sa kanya, hindi naman sa hindi ko siya gustong makausap, alam kong busy lang talaga siya.” “Lame excuses.” narinig kong sabi ni Ice. “Excuse me?! I'm not making excus---” “Stop denying.” pabaling baling na ang ulo ni Kyla. Hindi niya na alam kung saan siya titingin. “Punyeta! Oh sayo na 'to Prince! Kayo ang mag-usap, ang gulo niyo!” naiiritang sabi ni Kyka at binigay kay Ice ang laptop. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ng malapitan ang mukha ni Ice. Sa pagkabigla ko ay dali dali kong sinara ang laptop. Gano'n pa rin ang epekto ni Ice sakin. Mahal na mahal ko pa rin siya. Sa nakalipas na tatlong taon, ito ang unang pag-uusap namin ni Ice. Ni hindi ko nga masabing pag-uusap talaga ang ginawa namin. Galit pa kaya siya sakin? Mahal niya pa rin kaya ako? *** Tahimik na nakatitig ako sa kisame. Medyo napagod ako sa trabaho dahil madaming costumers ngayon. Dapat na ba akong umuwi ng Pilipinas? Hay! Paano ko siya haharapin kapag nandoon na ako? Paano kung galit pa siya sakin? “Shenna!” napabalikwas ako ng bangon dahik sa gulat. “Ano ka ba Xyrille?! Basta ka na lang talaga pumapasok dito.” loka loka talaga 'to. Natigilan ako nang mapansin kong namamaga ang mga mata niya. Aba! Sinong nagpaiyak sa babaeng 'to at sasapakin ko ngayon din! “Bakit ka umiiyak?” “S-Si CL, n-nakipagbreak na siya sakin.” nagulat ako sa sinabi niya. Bakit makikipagbreak sa kanya si Clint? Kilala ko si Clint at kitang kita ko kung gaano niya kamahal si Xyrille, bakit naman siya nakipagbreak?! “A-Ano?! Pupuntahan ko siya ngayon at bubugbugin ko! Hayop pala---” kumapit siya sa braso ko para pigilan ako. “W-Wag na. Ayokong madamay ka pa sa problema namin, madami ka ng pinoproblema.” nanghihinang sabi nito at umupo sa kama ko. “Ano ka ba?! Problema ko na rin ag problema mo! Sugurin na natin siya ng maturuan ko ng leksyon ang hayop na yo'n.” Natigilan ako sa pagsasalita nang magvibrate ang phone ko na nasa bedside table. Agad kong kinuha iyon at naningkit ang mga mata ko nang makitang nagtext sakin ang walanghiyang si Clint. Shenna, nandyan si Xyrille diba? Agad ko namang nireplyan ang mokong. Parang baliw 'to! Oo! Ikaw na hayop ka! Bakit ka nakipagbreak kay Xyrille?! Ang lakas din naman ng loob mo! Wag na wag kang magpapakita sakin dahil kapag nakita kita papatayin na talaga kita! I hate you! Agad din naman siyang nag-reply. Mamaya na ko magpapaliwanag Shenna. Lumabas muna kayo ni Xyrille ng building. Dumiretso kayo diyo sa parking lot, and please wag mong sabihin kay Xyrille Agad na kinutuban ako sa plano ni Clint. Sabi na nga ba eh, hinding hindi makikipagbreak ang lokotoy na 'to kay Xyrille. Napangiti na lang ako. Oo na! Bababa na kami diyan. “A-Ah Xyrille, samahan mo muna ko sa labas. Pwede ba?” nagpapacute na tanong ko kay Xyrille. Tumayo siya at pinisil ang pisngi ko. “Pasalamat ka cute at pandak ka pa rin hanggang ngayon.” napasimangit ako. Kailangan bang ipagduldulan na hindi ako tumangkad kahit konti?! *** Nanlaki ang mga mata namin ni Xyrille nang makarating kami sa parking lot. Sunod sunod na umilaw ang headlights ng mga nakahilerang kotse, pati ang pagbukas ng ilaw ay sunod sunod din. May mga tarpaulin ng mga pictures nina Clint at Xyrille sa paligid, may mga kandila din na nagform ng malaking malaking heart, meron ding mga rose petals sa sahig. Napalingon kami sa labas nang makarinig ng fireworks. Grabe! Nag-effort talaga si Clint. Pasimple akong umurong at pumwesto sa gilid. Napangiti ako nang makita ko si Clint na papalapit kay Xyrille, may hawak siyang malaking puting teddy bear na may pulang ribbon. Si Xyrille naman ay iyak ng iyak habang nakatingin kay Clint. “Akala mo ba talagang makikipagbreak ako sayo?” malambing na tanong ni Clint. Napapaiyak na rin ako habang pinapanood sila. Sobrang mahal na mahal nila ang isa't isa at saksi ako do'n. “T-Tinakot mo ko! Akala ko h-hindi mo na ko mahal!” naiiyak na sabi ni Xyrille habang hinahampas sa dibdib si Clint. “Hinding hindi mangyayari yan, alam mo namang mas mahal pa kita sa sarili ko diba?” sabi ni Clint at hinalikan sa labi si Xyrille. “Happy 3rd anniversary, love.” nakangiting sabi ni Clint. Hindi ko mapigilang hindi mainggit. Sana talaga mahal pa ko ni Ice. *** “Shenna!” napabalikwas ako ng bangon dahil sa gulat. Bakit ba hindi ako masanay sanay sa biglang pagpasok ni Xyrille sa unit ko?! “Ano na naman ba Xy?” ano naman ang kailangan ng babaeng to? Kung kailan gabi na! “You have to see this!” dali dali siyang sumampa sa kama at may pinakita sakin sa cellphone niya. Nanlambot ang tuhod ko nang makita ko ang mga pictures na in-upload ni Sarah. Si Sarah, of course I know her. Siya ang kinaiinisan ni Kyla na lagi niyang kinukwento sakin. Nasa kwarto sila ni Ice sa picture. Nakasandig si Ice sa balikat niya habang nakapikit habang si Sarah naman ay nakangiti. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Hindi na ba talaga ako mahal ni Ice? “Umuwi kana sa Pilipinas Shenna.” seryosong sabi ni Xyrille. Malungkot na napatingin ako sa sahig. “Mukhang alam ko na ang nararamdaman mo nang bumalik ka sa Pilipinas para bawiin si Ice.” sabi ko at tumingin kay Xyrille. Umiling iling naman siya. “Hindi Shenna, magkaiba tayo. Dahil ako, hindi ko na mahal si Ice ng mga panahong yo'n, pinipilit ko lang ang sarili ko na mahal ko pa siya. Ikaw, totong mahal mo siya.” sabi niya at tinapik ako sa balikat. “Shenna, umuwi kana.” Mukhang tama si Xyrille. Dapat na kong umuwi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD