Maagang umuwi si Señorito Apollo nang araw na iyon pagkatapos niyang mag-walk out sa almusal kaninang umaga. Dinedma ko siya matapos ko siyang pagbuksan ng pinto. Galit pa rin ako sa ginawa niya kagabi at nakadagdag pa sa galit ko ang pangmamaliit niya sa akin sa harap ni Señorito Arthur. Ambaba pala talaga ng tingin niya sa akin. Isa lang akong tagasilbi na hindi nila pwedeng irespeto at pahalagahan. Kaya pala kung gawin lang niya sa akin ‘yung mga kabastusang iyon ay binabalewala niya lang ang mga nararamdaman ko. Isa lang akong nakatutuwang laruan para sa kanya, pampalipas oras at pampalipas libog. Isa-isa kong isinasampay ang mga labahin ko sa likod-bahay nang maramdaman ko ang presensiya niya sa may pintuan ng laundry area. Nakatingin lang siya at hindi nagsasalita kaya bakit ko siya