"S-s-señorito...!" Nahihintakutan ako sa klase ng tingin niya at sa ginagawa niyang mainit na paghaplos sa gilid ng dalawang dibdib ko. Galit na galit siyang nakatingin sa akin. Naglalabas ng apoy ang kanya mga mata at kulang na lang ay umusok ang bumbunan niya. "Dalawang gabi, Rhomien. Dalawang gabi mo akong pinaghintay sa wala. Dalawang gabi mo akong hindi pinatulog sa pag-iisip kung bakit ka sumama kay Arthur, kung ano ang ginagawa niya sa’yo at kung ginawa mo rin sa kanya ‘yung ginawa mo sa akin. Alam mo bang dalawang gabi na sumasakit ang ulo ko sa kaiisip sa’yo?!" naninigas ang pangang sabi niya sa akin. Amoy ko ang alak sa kanya hininga. Lalo tuloy akong ginapangan ng takot. "W-wala p-po k-kaming g-ginagawang m-masama!" nanginginig kong sabi. Sinundan ng mga mata ko ang pagl