Pinakawalan ko ang hiningang kanina ko pa pinipigilan nang talikuran niya ako at utusan ang driver para ipasok ang maleta ko.
"Apollo, hindi na kailangang ipasok pa ang maleta ko. Hindi ko naman balak mag-stay dito habang narito ako sa bansa. Maghoho--"
Bigla kong nalunok ang sasabihin ko pa sana nang muli niya akong balingan ng tingin.
"Hotel? Para dagdag pang gastusin ng kapatid ko? Malaki ng mansyon na ito bakit kailangan mo pang mag-stay sa hotel? Asawa ka na ni Arthur..." Napahinto siya nang mabanggit niya ang pangalan ng kakambal. Kung hindi ako nagkakamali ay may dumaang bitterness sa mga mata niya na napalitan naman agad ng nagyeyelong tingin. He cleared his throat bago magpatuloy.
"Dito ka nararapat. Sa bahay ng taong pinakasalan mo. Ayoko nang marinig ang anumang pagtanggi mula sa'yo."
Mabilis niya akong tinalikuran. Wala naman akong nagawa kundi sundan ang katulong na may dala na ng maleta ko. Pagpasok sa mansyon ay ‘di ko mapigilang makadama ng nostalgia. Sa lugar na ito ko nadama ang lubos na kasiyahan, sakit, sama ng loob at pagkamuhi. Gusto kong murahin ang sarili ko nang muli kong naramdaman ang kurot sa loob ng dibdib ko na inakala kong nakalimutan ko na sa mga nagdaang taon. Akala ko nakapag-move on na ako. Akala ko kaya ko na silang harapin. Isang napakalaking pagkakamali lang pala ang lahat.
"Reminiscing the past?" malamig pa sa yelong kutya niya sa akin.
"No, I am just wondering why hindi pa nasusunog ang lugar na ito sa impyerno eh ang mga nakatira naman sa bahay na ito ay puro demonyo." I wanted to tell him that ngunit hindi ko ginawa. Alam kong wala akong laban sa lugar na ito dahil ito ay teritoryo niya. Mabilis ko siyang nilampasan at nauna nang umakyat sa grandstaircase ng mansyon tutal alam ko naman kung saan ang kuwarto ni Arthur. Nang marating ko iyon ay agad akong pumasok at nagpasalamat sa katulong na nagdala ng maleta ko. Umupo ako sa dulo ng kama at sinapo ang ulo ko. Mas lalo itong sumakit dahil sa paghaharap namin ni Apollo. Alam kong magkakaharap kami but I did not expect it to be this soon.
Napalingon ako sa may pintuan nang maramdaman ko ang presensiya niya roon. Damn, after six long years ay parte pa rin ng instinct ko ang malamang nandoon siya kahit hindi ko pa man siya nakikita.
"What do you want? May part two pa ba ang pangte-terrorize mo sa akin?" I coldly asked him which he answered with a smirk.
"Pangte-terrorize? Ang harsh naman ng term mo sa pakikipag-usap ko sa'yo. Malayong-malayo 'yan sa sariling description ko ng pangte-terrorize."
I rolled my eyes at him.
"Then leave me alone. I need to rest." pangdi-dismiss ko sa kanya.
"Inuutusan mo ako sa sarili kong pamamahay? Baka nakakalimutan mong--"
"Oo na. Hindi ko nakakalimutang katulong n'yo LANG ako noon. Utusan kapalit ng pera. Pinaparusahan sa munting pagkakamali. Pinapalayas na parang pulubi anumang oras n'yong gustuhin..."
Shit, ayan na naman ang mapapait at masasakit na alaala. Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy.
"Look. We both know na ayaw nating parehong makita ang isa't isa kaya pwede ba? May tamang oras para mag-usap tay at hindi ngayon ang tamang oras na iyon," asar kong sabi sa kanya.
Nagulat ako nang bigla niyang daklutin ang mga braso ko at pilit akong itinayo.
"Antapang mo na, ah? Sino bang ipinagmamalaki mo? 'Yung kakambal ko bang pinilit kang papuntahin rito at mas piniling magtago dahil bahag ang kanyang buntot sa pagharap sa kanyang responsibilidad sa pamilya niya?" Kulang na lang ay yugyugin niya ako sa sobrang galit niya. Pinilit kong kumawala mula sa kanya ngunit mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Ramdam kong nananakit na ang mga braso ko ngunit pinilit kong hindi ipakita sa kanya dahil walang-wala ito sa sakit na ipinadama niya sa akin noon.
"Arthur is not a coward. Pareho nating alam na kung may isa man sa inyo na duwag at tumatakbo sa responsibilidad niya ay hindi siya iyon," buong tapang kong sumbat sa kanya. Nanigas ang panga niya nang marinig niya ang sinabi ko.
"That is your f*****g opinion. Tell me, was that the reason why you chose him over me?" Naniningkit ang mga mata niya sa akin. Alam kong gusto niya na akong sakalin sa mga oras na iyon.
"I chose him over you because he was everything that you were not!" Maging ako ay natigilan sa ginawa kong pagsigaw sa kanya. Marahas niya akong binitawan. Buti na lang at sa kama ako bumagsak.
"Damn you so much, Rhomien. I wished you never came back!" matigas niyang sabi bago siya lumabas at ibinagsak pasara ang pintuan.
"Damn you more, Apollo de Blanch. Damn you more for breaking my heart."
Dumapa ako sa unan at ibinuhos doon ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang lumabas.