“COFFEE TO EARTH. EARTH TO COFFEE.” Untag sa kanya ni Liv saka kinaway kaway nito sa harap niya ang kamay. Napabalik siya sa realidad kung saan kasama niya ito at fiancee nitong si Vixen. As usual, third wheel siya ulit ng dalawa para sa araw na iyon. Wala naman bago roon at palagi naman nangyayari iyon dahil isa siyang malaking single hanggang ngayon. “Bakit ka ba natutulala? Gutom ka ba? Kulang sa tulog o over worked?” Sunod sunod na tanong sa kanya ng kaibigan. “I think over worked na ‘yan,” sambit naman ni Vixen. “Sinasabi na kasing huwag pakabayani masyado sa office.” Singhal sa kanya ni Liv. Pumangalumbaba siya saka mariing pinikit ang kanyang mga mata. She needs to get back to her senses. Lately palagi siyang tulala at madalas pa siyang nahuhuli ng boss niya. Kaya naman kulang