NAPALIS ANG NGITING nakaguhit sa mga labi ni Jam nang masino ang babaeng nakatayo sa labas ng condo niya. It was Steffi. All smiles itong bumati sa kanya saka kinawayan pa siya. “Jam, can we talk?” tanong nito sa kanya nang makalapit siya. “I brought your favorite wine and dessert.” Pinakita nito sa kanya ang bitbit nito sa magkabila nitong kamay. “Tungkol ba saan ang gusto mo pag-usapan? Coffee will come over later, ayokong abutan ka niya dito at mag-isip siya ng kung ano.”Mahaba niyang sabi dito habang sinususian ang unit niya. Kababalik lang ni Coffee sa Manila nang araw na iyon galing sa Davao. They both agree to have a dinner date on his condo then the next morning, they’ll travel to Isabela to greet his parents and fetch their kids. Hindi niya muna kinuha sina Cody at Collin doo