MATAMANG inaabangan ni Coffee sa labas ng apartment niya si Jam. Ngayon sila bibiyahe papuntang Isabela para mag-attend sa kasal ng kapatid nito. Magko-commute na talaga kung nagawa niyang tanggihan ang suggestion ng mama nito. She can’t say no to his parents and siblings. Kahapon pa siya kinukulit ng mga ito tungkol doon at sinigurado talaga ng mga ito na wala siyang ibang choice kung ‘di magpunta doon. May sampung minuto na siyang nag-aabang doon pero wala pa din si Jam. Nakakaramdam na siya ng pagka-irita. Huling text nito sa kanya ay nasa kanto na ito pero sampung minuto na lumipas ay wala pa din ito. Ngayon lang ito nahuli sa oras ng sinabi nitong ETA sa kanya. Reasonable naman dahil pumunta pa ito ng ospital para i-check si Vixen at mama nito. Nabalitaan kasi nilang nagresponse na