Ano iyong pakiramdam na nasa loob ng guidance office? Iyon iyong nararamdaman ko ngayon habang kaharap ang mga amo ko at ang mga bisita nila. Nakaragdag sa nararamdaman kong kaba iyong malamig na aircon dito sa opisina ng triplets kong amo. No'ng unang beses ko rito ay hindi naman ganito kalamig, iba talaga iyong kalamigan ngayon talo pa ang convo no'ng mag-jowang malapit nang maghiwalay! Sobrang kaba ko kanina kung bakit bigla akong pinatawag. Una talagang sumagi sa isip ko ay baka nalaman nina Ma'am Kofie na nandoon ako sa library no'ng may ginawa sila ng dalawa niyang asawa. Lumubha iyong kaba ko nang makita kong naghihintay sa'kin pati si Rusca. Nagduda rin ako na baka nagreklamo ito sa mga amo ko tungkol sa ginawa kong pagsagot-sagot sa kanya. Ano namang mapapala niya kung gag