"Bakit?" tila ay nababaghan tanong ni Rusca matapos kong sabihing hindi ko siya gusto. Sa tono niya ay parang ngayon lang siya nakakakilala ng babaeng walang gusto sa kanya. Ano siya diamond? Pero sa totoo lang ay parang hindi nga kapani-paniwala lalo na at wala rin naman akong karapatang magmaganda! "Ano bang mali sa'kin?" tila nalilito niyang tanong. Hindi rin ako sure! May mali ba? "Masyado kang..." Pinasadahan ko muna siya ng tingin bago nagpatuloy, "...Mayaman! Tama , sobrang yaman mo at ang tangkad mo! Hindi ako umabot sa balikat mo at malaki ang katawan mo, ang tigas ng muscles mo. Nakakatakot, parang kayang-kaya mo akong ibalibag. At matanda ka na!" Kahit ano na lang na maisip ko ay sinabi ko na basta may iisang bagay na never kong sasabihin sa kanya. Hindi-hindi niya mari