Ngayong alam ko na nasa iisang bahay lang kami ni Rusca ay naging misyon ko ang pag-iwas sa kanya. Sa unang araw ay nagawa ko pa siyang iwasan. Nagpresenta akong sumama sa pamamalengke. Sinapian ako ng kasipagan at sumama pa ako kay Ate Ving sa bahay ng kambal na anak ni Ma'am Kofie para sa linggohang paglalaba sa mga damit ni Sir Kenzo. Nasa dugo yata talaga ng mga Carson ang pagiging maselan kaya iyong isa sa kambal na anak ni Ma'am Kofie ay ayaw ipahawak ang mga gamit kahit kanino maliban kay Ate Ving. Wala pang katulong ang mga ito kaya ako iyong maglilinis ng bahay nila habang naglalaba si Ate Ving. Kalimitan ay si Ate Luz iyong sumasama pero dahil may iniiwasan ako sa mansion ay nakiusap ako na pumalit. Pagabi na nang makauwi kami ni Ate Ving at diretso agad ako sa quarter namin n