BUKAS na ang selebrasyon ng birthday ni Matt. Habang nagsusulat ako ng kanta ay napapaisip ako sa kanya at sa sinabi ni Ate Aubrey. Itinaas ko ang paa ko sa upuan at ipinatong doon ang notebook ko. Gabi na at ako na lang yata ang gising pa sa lugar na ito. Hindi ako makatulog kung kaya’t tinapos ko na lang ang sinusulat kong kanta. “Bawal ba talaga? Kung oo, ay hindi na ako aasa pa,” sinasabayan ko ang pagsambit sa bawat lirikong nasusulat ko sa papel. “Pinaglaruan lang marahil ako ng panahon. Kung sino pang pinili ko siya pang hindi mapapasakin.” halos hindi ko na maintindihan ang sinusulat ko sa papel. Kung ano ang nararamdaman ko ‘yon lang ang sinusulat ko. “Ang iyong kilay mapag-mataas at laging namimintas. Pero sarili kong pera ang iyong winawaldas. Para kang sphinx ugali mo'y napak