Chapter 10
Paula
Excited na binuksan ko ang pinto ng sasakyan at sinilip ang bahay na lilipatan namin--ko, dahil makikitira nga pala ako pansamantala kina ate Melody at Kuya Oliver dahil ayaw nila akong pauwiin pa muna sa bahay hangga’t hindi pa raw nareresolba ang problema roon.
In a high-end village in Alabang, The Enclave, doon nakatayo ang biniling bahay ni bayaw. “Wow,” I muttered habang pinagmamasadan ang bagong bahay ng mag-asawa. Bumaba na ako ng sasakyan nang simulang ibaba ng mga tauhan n’ya ang mga maleta at bag namin. Tumabi ako sa gilid para hindi makaistorbo. The thought of living in this freaking huge house was only real in my dreams. Though, hindi naman talaga ako ang titira rito kundi ang ate ko, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kainosentihan dahil hindi pa naman kami nakakatungtong sa ganitong klase ng bahay. And I never been in this place city before.
Mula sa loob ng bahay, sa double-front door ay nakangiting lumabas si Kuya Oliver, maybe he accompanied his staffs sa kung saan dadalhin ang mga gamit. Nginisihan n’ya ko at nilagpasan, kumunot ang noo ko, sinundan ko s’ya ng tingin. Ako naman ang ngumisi. Grabe, bigyan ko kaya s’ya ng tali para gamitin n’ya na lang sa ate ko--nakadikit na naman sa asawa n’ya. I shook my head in disbelief.
I sighed at hinintay ang dalawa. Inaya ako ni Kuya pumasok na sa loob. May kalayuan ang ilan pang bahay kaya sobrang tahimik. Nanibago ako dahil dati kahit simpleng madaanan lang kalsada sa amin dinig na dinig na pati murahan at sigawan ng mga kapitbahay namin. Takbuhan ng mga batang naglalaro sa kalye at jamming ng mga kabataan. Dito..ikaw ang gumawa ng sariling ingay. Pero kung tutuusin, magandang bahay ito para sa magsisimula ng pamilya tulad nina ate. A perfect safe haven.
Tinour kami ni Kuya Oliver sa bahay. He even told us the way to the amenities pati ang malapit na botika at pamilihan. Shocks, sa palengke lang ako namimili sa amin, kung dito ako mamimili--mamumulubi ang wallet ko.
Tinulungan ko si ate na magluto ng tanghalian namin pero dahil may sarili silang mga katulong ay kaunti lang din ang naitulong ko. Tapos panay pa ang silip ni Kuya Oliver sa kusina para lang puntahan ang asawa at yayakapin. Me and the maids can’t help but to look at the other sides of that area. Kung hindi sa dingding, kisama para bigyan ng pivacy itong dalawang ito.
Pagkatapos naming kumain ay umakyat na muna ako sa tutuluyan kong kwarto para magpalit ng damit at makapagpahinga ng saglit. Even my temporary room seems so huge for me. Hinilata ko ang katawan sa kama at tinitigan ang puting kisame. Umihip ang malamig na hangin sa nakabukas na bintana. Iniisip ko kung may dapat ba kong gawin pero hindi nagtagal ay bumigat na ang talukap ng mga mata ko’t nakatulog din ako.
Nang magising ay saka pa lang ako nakapagpalit ng damit. Maluwag na preskong longsleeve at itim na shorts ang sinuot ko. Nagsalamin ako at nagsuklay sandali. Binisita ko ang mga gamit at hinanap ang bag na pinaglagyan ko uniform. Iha-hanger ko sana at ipa-plantsa mamaya, pero wala sa dalawang bag na nandito sa kwarto. Napakamot ako sa batok, bakit wala yata rito sa akin? Kaya lumabas na ako para puntahan si ate.
Sa ibaba na ako dumeretso. But my breath hitched when I heard a very familiar voice from the living room, at dahil pagbaba pa lang ay kita na ang hagdanan, napunta sa akin ang mga pares ng matang naabutan ko sa baba. Una akong nilingon ni ate Melody, katabi ang asawa at natatakpan nito ang kausap na lalaki--but his broad shouders tickles my senses because of familiarity. Sinungaw n’ya ang ulo para makita ako--I almost bit my lip dahil sa pagsipa ng puso ko nang magtama ang mga mata namin.
I just talked to him on the phone kaninang umaga bago kami umalis sa hotel--palagi naman kaming magka-usap. Tuwing yata may libre s’yang oras ay tinatawagan n’ya ako pero hindi n’ya nabanggit sa akin na pupunta s’ya rito ngayon. His eyebrows arched abit when his brooding beautiful eyes landed its territory on my showing pair of legs.
And I saw him released a sigh. Oops. I made a promise the last time we talked about this ‘short shorts issue’, pero hndi ko naman alam na pupunta s’ya ngayon dito! At nakalimutan ko lang talaga.
Napanguso at nilagay ang mga kamay sa likuran hanggang sa makababa. I felt so guilty. Tumabi ako kay ate at nahihiyang tiningnan din sila, para kasing may pinag-uusapan silang seryoso and the awkwardness filled my cheeks. Nakahalukipkip si ate. “William has something to say,” Panimula n’ya.
Kumunot ang noo ko at tiningnan si William na ngayon ay hindi nagbabago ang expression mula nang makita ako. Nagtatanong akong tiningnan s’ya. Tinitigan pa n’ya ako na parang pinapalapit sa kan’ya. But he didn’t speak.
“We’ll be leaving tomorrow to visit your father and your boyfriend just told us that he bought you a townhouse, near in the village.”
Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Kuya Oliver. My lips fell open.
“I know that you’re on the right age, but I don’t think you can live on your own yet? At ilang beses akong nag-aalala sa’yo nu’ng maiwan ka sa bahay natin. I don’t think this would be a fit idea na bumukod ka sa akin, Paula.”
“Don’t worry, Melody, that place is secured and safe. I wouldn’t allowed her to be in danger again.”
Tiningnan ni ate si William. “I’m worried about you, William. Para kasi gusto mo nang i-live-in ang kapatid ko.”
My jaw literally fell. What the? Live-in?
Bakas ang hindi paggusto ni ate sa ginawa ni William. He bought me a townhouse! At ano pa nga ba ang iisipin ng kapatid ko sa kan’ya kung ganoon? He didn’t even talk to me before he did this. A surprised that would gave us a heart attack!
“That’s not my intention. Oliver and you just got married, his my friend and I knew how much he wanted you to be his wife. I wanted you give a time together, that townhouse was just 10 minutes away from here and I’m not going to live there with her. She’s a grown up woman, beautiful, brave and strong--I’d gave everything I own for her to be safe and comfortable. That’s it.” He explained.
Nag-init ang mukha ko. I swallowed. Sinulyapan ako ni Kuya Oliver at nakita ang palihim n’yang ngisi sa akin, I’m just not sure if my sister saw that. He cleared his throat and snaked in his arm around my sister’s waist.
“That’s very..sweet of you, bro. My wife is just worried about her. She’s too young to be left alone, yeah?” May halong tudyo nitong tono.
“Hindi naman s’ya mag-iisa, may kasambahay s’yang makakasama.”
“Yeah..”
Tiningnan ni ate ang asawa dahil sa sagot nito.
“Honey, that’s only 10 minutes away from here. Kahit araw-arawin mo pagbisita kay Paula ay ayos lang at isa pa, kilala ko si William, he’s a good man, I’m telling you.”
Tinitigan s’ya ni ate, nakahalukipkip pa rin habang nakapulupot pa rin ang asawa. “Tinutulungan mo lang yata ’yang kaibigan mo e,”
He chuckled. “He’s the boyfriend,”
“At ako ang ate kaya hindi pa ako makakapagdesisyon kaagad,” Tiningnan n’ya si William. “Ipapaalam ko muna sa tatay namin ’yan, William. Hindi ko pa alam kung paano ang gagawin sa bahay namin.”
Tumango na lang si William at tiningnan na naman ako. Mariin ko s’yang tinitigan na parang papagalitan ko s’ya.
Sa ganoong tema natapos ang pinag-uusapan tungkol sa bahay na iyon. Umalis si ate at sinundan ni Kuya Oliver sa labas. Naiwan kaming dalawa ni William, again, scanning my legs. I heaved out a sigh, umupo ako sa sofa, he follows me, he sat beside me, magkadikit ang mga balikat namin. Hindi ko s’ya tinitingnan.
“Hindi mo ’yon binanggit sa akin.” umpisa ko. Hindi s’ya kaagad sumagot, naramdaman ko na lang paggalaw n’ya at pag-akbay sa backrest ng inuupuan namin, making me felt his huge body, arm on my shoulder. His attention was on me, pero hindi ko iyon magawang salubungin. Nagtwi-twist yata ang laman loob ko kapag ganito s’yang kalapit sa akin. Hindi pa nakuntento at kinuha ang kamay ko at pinisil-pisil sa kandungan ko. But he slips his fingers and hidely touching my thighs.
“I can’t wait to discard all your short shorts away from your closet, babe.” he whispered and purposely kissed me on my temple.
I refrained myself not to swallow and diverted our topic. “Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa pa-townhouse mo, William Drei.” mahina pero mariin kong tanong sa kan’ya.
He stared at me. Surprised? I’m not sure but for a while he lost his tongue and regained. “Ano’ng problema do’n? Gusto ko lang na ibukod ka ng bahay at hinding-hindi na kita ibabalik,”
“Ano?” napabaling agad ako sa kan’ya.
He chuckled. “Doon po sa dati n’yong bahay. It’s not safe yet, so for the mean time, doon ka muna sa townhouse titira. Hindi ka naman talagang malayo dahil binili ko ’yong pinakamalapit dito. I won’t mind travelling back and forth just to see you here but,” he leaned a little closer. “I want to keep my eyes on you, so..”
“So?”
“So, I bought two townhouses, for you and for me. But mine was a secret, I won’t tell anyone except you.” he whispered.
Nanuyo ang lalamunan ko at parang ginigilitan na ang hininga ko nang tumama ang mainit n’yang hininga sa balat ko. So warm and it tickles me. Kasabay ng mabilis na pintig ng puso ko, hindi ko maiwasang tingnan s’ya nang may pagtataka. “B-Bakit dalawa? Magkapit-bahay tayo? Gano’n? Pa’no kung malaman ’yan nina ate? Malilintikan ka do’n.”
“That won’t happen not unless you tell her. This was only my second option.”
“What was the first option?”
“Doon ka sa bahay ko titira.”
Napailing ako. May pumitik man sa puso ko, pero talagang sa second option ang pwede n’yang i-offer, pwera na lang kung ako ang..napapikit ako at binura sa isip ang ideyang iyon. Nasa hustong pag-iisip pa ako. Hindi ko iyon gagawin. “Asa ka.” mahinang sabi ko.
“Maybe someday.” he murmured.
“Dapat sinabi mo muna sa akin ang plano mong ’yan bago ka lumapit kina ate. Alam mo namang hindi maganda record mo kay ate tapos gan’yan pa ang sinabi mo. Iisipin talagang no’n na gusto mo kong i-bahay.”
“Iyon nga ang gusto ko e.”
Tiningnan ko s’ya ng masama. Kumunot ang noo n’ya na para bang walang mali sinabi. “What?”
See. “Sa tingin mo papayag ako d’yan sa gusto mo?”
“You agreed, remember? I canno’t go here to room you,”
“Pwede naman sa hotel..” I stop halfway for what I was about to tell when I realise my suggestion. Damn! Damn! Damn! Iniwas ko ang mukha sa kan’ya para hindi n’ya makita ang pagkapahiya ko. Paula Asher--you’re doomed!!
He combed my hair and smell, “I thought about it pero..ayoko. You’re too special to me.” bulong n’ya na lalong nagpapahina sa akin. “I can’t believe you’d said that.”
I bravely look at him. “I’m special ha? Ibig sabihin meron pang iba d’yan na dinala mo sa hotel.” I’m pretty sure, ganoon din ang ginagawa nila. Siya pa ba?
Tumawa s’ya. Pinagtawanan n’ya ang sinabi ko at mas dumikit pa sa akin. Binaba n’ya ang mukha at nilubog sa leeg ko, nakiliti ako kaya tumaas ang balikat ko-natamaan ang panga n’ya.
“Sorry! Ang gulo mo kasi e, masakit ba?” nag-aalalang tanong ko. Medyo napalakas kasi ang tama ng balikat ko sa panga n’ya.
He pouted, he held his jaw and showed it to me. “Na-dislocate yata ang panga ko, babe.” sumbong n’ya.
Hinawakan ko iyon at tiningnan nang mabuti, I even caressed his jaw to check kung my tama. But I’m not really sure kung ano’ng tinitingnan ko dahil alam kong hindi magkakapasa doon or something. At nang mahimasmasan--tinampal ko ang pisngi n’ya. He look surprised.
“Ang O.A mo ah, na-dislocate raw..”
He pouted again. “Masakit nga. Ikaw na nga ’tong nakasakit, ikaw pa ang nagagalit. Tingnan mo pa,”
Salubong ang mga kilay na tiningnan s’ya. Inilapit n’ya sa akin ang panga para raw tingnan ko, which I did. I didnt see anything, bukod na maliliit na stubble--I was halted when he kissed me so quickly! Pagkatapos ay nginisihan ako.
“That’s for hurting me here.” turo n’ya sa nasagi kong panga n’ya.
Napatingin ako sa paligid at baka nakita kami nina ate. Nakahinga lang ako nang maluwag dahil wala namang tao sa paligid. Tiningnan ko s’ya ng masama. “’Wag mo nang ulitin ’yon.”
Tinaasan n’ya ako ng kilay--at dumukwang na naman ng halik sa akin! Mas matunog at maingay.
“William!”
He smiled. “Tayo lang naman ang nandito,” tiningnan n’ya ang labas, ang pa-kusina at maging hagdanan. Nang kunwaring titingnan n’ya ang likuran ko ay bumaba na naman ang mukha at ninakawan ako ng halik. Mabilis at matunog. s**t. Wala ngang makakakita pero maririnig naman kami.
Napalo ko s’ya sa hita n’ya, mas nilakasan pa ang tawa. Matalim ko s’yang tiningnan pero ang dibdib ko..dumadagundong na! Hindi ko na tuloy alam kung naiinis ba ko o natutuwa na rin. Para kaming teenagers na nagnanakawan ng oras para sa isa’t-isa. And I mentally chastised myself, para hindi ako mapangiti nang kahit kaunti.
“Nananatsing na s’ya oh..” tudyo n’ya.
Ngumiwi ako at lumayo sa kan’ya, umaktong nandidiri. “Kapal,”
Ngumiti s’ya ng pagkalaki-laki at hinapit ako sa baywang para bumalik sa dating pwesto namin. But I refused. Too closed, too dangerous. Nang umusod ako ulit palayo, hinapit n’ya ako ulit. Umusod ulit ako, hinapit n’ya ako. Sa pangatlong usod ko ay halos buhatin na n’ya ako paupo sa kandunga n’ya. “W-William! Baka makita tayo ng ate ko!” kabadong sabi ko sa kan’ya. Ang kalahati ng pwet ko ay nakasampa sa isang hita, nakiliti pa ako sa pagdiin ng kamay n’ya sa baywang ko, bumagsak ang isang kamay ko sa tagiliran para kumuha ng suporta at kamuntikang mawalan ng balanse.
“’Wag ka kasing lalayo sa akin, hihilahin kita pabalik.” makahulugang bulong n’ya.
Bumuntong hininga ako at bumalik sa dating pwesto, doon sa halos yakapin na n’ya ko sa sobrang dikit. He’s unbelievable. Ang lakas ng loob, kahit nasa bahay lang din sina ate ay hindi nahihiyang dumikit-dikit. Ako ang nahihiya dahil, hindi pa ako sanay magpakita ng affection lalo na at nasa iisang bahay kami ang ate ko.
Yumuko s’ya at hinanap ang paningin ko. “That’s why we need our own haven. I have to convince your sister para payagan kang lumipat na sa townhouse,”
“Good luck.” inis ko.
He smirked. “Pack your things then.” and winked at me.
X