Chapter 20

1876 Words
Chapter 20 Paula Inalalayan ako ni Art mula sa pagbaba sa sasakyan niya hanggang sa iwanan ako sandali sa tapat ng gate ng compound para isunod ang bag ko. Madilim ang langit, mag-aalas kuatro pa lang ng hapon pero ang kulimlim ay pang alas-sais na. Sinulyapan ko ang nayuyuping kulay asul ng gate ng compound. Vandelism was painted. Names and lettering that I can’t figure. It was a single gate, pero sabi ni Art ay may anim na bahay ang nasa loob no’n. Nilapitan niya ako at nginitian. “Tara?” aya niya. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya. He has a key. Kilala raw niya ang may-ari nitong compound kaya’t isang tawag niya lang ay nakuha niya ako ng isang apartment. Natutulala ako. Iniinda ang pasa sa panga at sugat sa noo kaya tumatango na lang sa tulong na kaya niyang ibigay sa akin. Pagkapasok ko sa loob ay agad napatingin sa amin ang isang matandang lalaking nagpapaypay na nakaupo sa labas ng bahay nito. Ginamit ang tungkod niyang pangturo sa amin. “Arthuro ikaw ba ’yan?” inayos niyang maigi ang reading glass na para bang hindi makapaniwala. Huminto sandali si Art at nginitian ang matanda, pero bahagya akong nagulat nang malakas na boses siyang sumagot sa matanda. “Oho, Mang Boy!” pasigaw niyang sagot. Tumango ang matanda, pagkatapos ay binalingan ako. Pinasadahan pa ako ng tingin. “Nag-asawa ka na ba? Aba’y kay gandang dalaga nito ah, Bernadeth! Halika rito—nandito na si Artruro!” Sarado ang karamihan na pinto sa mga bahay. Hindi ko pa alam kung alin dito ang tutuluyan ko, bukod sa patay pa ang mga ilaw ay tahimik din. “Nasa’n, nasa’n!” isang hinhihingal na boses ang narinig namin mula sa loob ng bahay na iyon. Napatingin ako sa katapat nilang pinto nang bumukas iyon at may lumabas ang isang ginang. “Arthuro! Aba, naligaw ka?” lumabas ang tinawag niyang Bernadeth. She was wearing a large men t-shirt, though she has a large figure, malaki pa rin para sa kanya ang suot na damit pang-itaas. Siguro ay american size iyon kaya kahit malaki na ang katawan, mabilog ang tiyan ay malaki pa rin ang damit sa kanya. Bernadeth has a pleasant-sweet smile. Napakalaki at genuine ang ngiti niya nang makita si Art at ako. May curiosity sa mga mata niya pero hindi naman siya bulgar na nagtanong kung sino ako at bakit ako kasama ni Art. Nagkamustahan si Art at Beth, pagkatapos ay hinayaan na nila kaming tumuloy sa apartment. I felt like it was a small community. Ramdam ko ang pagsunod nila ng tingin sa akin. I was so conscious that time. Alam kong nakikita nila ang pasa sa mukha ko at gasa sa noo, pero wala akong pag-uusisang narinig. Though a small province like this, walang balitang hindi kakalat sa buong barangay. Ang pintong binuksan ni Art ay iyong nasa sentro ng compound. Mala-eskenita ang daraanan pagkatapos makapasok sa gate. Sa harap ng pinto ay ang likuran ng hagdanan. Maliit lang ang sala, hindi rin nalalayo sa kusina. Siguro ay nasa lima hanggang anim na hakbang lang ang distansya. Ang sahig ay sementado na nilapagan ng renolyum. Kulay puti ang pintura sa dingding, at maliban sa kuwardernong may bible verse, wala nang kahit na ano pang dekorasyon sa loob. “Pasensya ka na, maliit lang ’tong apartment. Hahanapan kita ng iba pero pansamanlatala ay dumito ka muna, ma’am Paula.” hinging dispensya niya sa akin. Binaba niya ang bag ko sa square na lamensang malapit sa lababo. Ang isang timbang may takip ay nasa tabi lang din ng lababo. Nahihiya ko siyang nginitian. O baka mula kanina ay ngayon ko lang siya nangitian. “Maraming salamat, Art.” halos walang boses ang lumabas sa akin. Maybe for now, that’s all I can give. Napapagod pa rin sa haba ng binayahe namin. Nginitian niya ako at sandaling pinagmasdan, pagkatapos ay pinasadahan ang loob ng bahay. Tiningala rin niya ang taas. “Nasa taas ang tulugan, wala na nga lang pintuan. Open-room na ’yon, pero hindi naman gano’ng mainit. Wala ka pang kagamit-gamit..nagugutom ka ba? Pupunta muna ako sa bayan para ibili ka ng kutson at unan, pati pagkain mo na rin. Teka, manghihiram muna ako sa kapitbahay ng bentilador at upuan mo.” Napaawang ang labi ko nang isa-isahin niya ang mga pangangailan ko. Bukod sa mga damit at kaunting pera, wala na akong ibang dala. Kahit ang mga personal na gamit ay wala rin ako. “Art, may pera pa ako rito—” Huminto siya at nilingon ako. “Itabi mo muna ’yan. Gamitin mo na lang ’pag kailangan na kailangan mo na.” saka ako tinalikuran at lumabas ng bahay. Naiwan akong nakatingin pa rin sa pintong nilabasan niya. Gusto ko mang maupo pero wala nga akong mauupuan maliban sa sahig. Tiningnan ko ang isa sa tatlong limangdaan na laman ng wallet ko. Ang upa sa bahay ay 1,500. Tatlong buwang sasagutin ni Art sa bayad. Kung gagamitin ko ito sa pangunahing pangangailan ko, kailangan ko ng mga bagong plato, kutsara at baso. Wala ring kalan. Pwede akong bumili na lang ng lutong ulam pero kung aaraw-arawin ko iyon ay baka hindi maging malusog ang baby ko. I need to buy for my personal things too. Toothbrush, toothpaste, shampoo, sabong panligo at panglaba. Iisa lang din ang banyo at lahat ng nakatira sa compound ang gumagamit. Napasuklay ako sa sariling buhok. I will need to get a job. Hindi ko na matatapos pa ang pag-aaral dahil mas kailangan kong magtrabaho para sa panganganak ko. Sa baby ko. Pambili ng gatas, diapers at damit niya. Tama si Art. Every single centavo is so precious for myself. I’m all alone now. Hindi ako hihingi ng tulong kay ate Melody lalo na kay Kuya Oliver. Baka ngayon ay alam na nila ang nangyari sa akin. William will tell them. That I got pregnant, pero hindi ang boyfriend ko ang ama. How disgusting, right? Bago ako umalis sa manila ay nag-iwan ako ng mensahe sa kapatid ko. I told her not to look for me, ako ang tatawag sa kanya sa panahong kaya ko na silang harapin. Ilang araw, linggo, buwan o taon—hindi ako sigurado. Ang sabi sa ospital ay apat o limang linggo na akong buntis, pero hindi pa sigurado dahil kailangan ko pang bumalik ulit para sa magpatingin nang malaman kung kailan ang due date ko. They treated my wounds on my forehead. I have my vitamins, folic acid and Art brought all of those for me. Pati ang bayad sa check up ay siya na rin ang sumalo tapos ngayon, pati ang lilipatan kong bahay ay siya rin ang nag-asikaso. Yet, I didn’t tell him what happened. He didn’t ask either. Siguro dahil ayaw niya akong ma-stress dahil nagdadalang-tao ako. And how could he so kind to me? Walang kalahating oras ay bumalik na rin si Art. He was all smile when he look at me. May dala na siyang monoblock chair at electric fan na maliit. Kasunod niya si Beth malaking ngiti rin ang binigay sa akin, she’s holding a plates and mugs. Binaba ni Art ang upuan sa tapat ng mesa at tinawag ako. “Maupo ka muna rito, mangangawit ka d’yan,” biro niya. Pagkatapos ay sinaksak ang electric fan at tinapat sa akin. Natatawang nagsalita si Beth pagkatapos ilagay sa lababo ang mga plato at baso. “Naks naman ’tol, ang sweet! Mamatay ang langgam sa’kin kakagat at sipsip sa kolesterol ko!” Napakamot na lang sa ulo si Art. Pero agad din akong napatayo nang buksan ni Beth ang gripo ay hinugasan ang mga dalang plato. “Ako na lang d’yan, B-Beth!” nahihiyang agaw ko sa kanya ng ginagawa. Pinahinto niya ako at tinaas ang isang kamay. “Relaks ka lang d’yan, ma’am, sagot ka muna namin rito, pahinga ka lang,” at kininditan ako. “Pero kasi—” “Banlawan ko lang ’to para magamit ninyo mamaya,” “Iwan ko muna siya sa’yo, ’tol, may bibilhin lang ako sa bayan, ma’am?” “Paula na lang, Art, please.” Hindi agad nakasagot si Art at nahihiyang napakamot sa ulo niya. Napatalon naman siya ng wisikin siya ng tubig ni Beth sa mukha. “Namumula ka brod tumigil ka uy! ’di bagay!” natatawang sabi nito. Birong talim ng tingin naman ang sinagot sa kanya ni Art at saka nagpaalam na umalis. Nang makaalis na siya pinabalik naman ako sa upuan ni Beth. She started the conversation, kaya unti-unti na ring nalusaw ang hiya ko sa kanya. She’s so jolly. Ilang taon lang ang tanda niya sa akin. Single at nagtatrabaho sa isang agency na nakapwesto sa tabi ng palengke. “Marami na rin akong nakilala na maagang nagbuntis, pero maswerte ka nga at inalagaan ka ni Art. Hindi ka na lugi du’n, gwapo na may pera pa. Malaki naman ang sahod no’n sa maynila sa pagiging piloto..” wala sa loob na kwento niya sa akin. Gusto ko sanang sagutin na hindi siya ang nakabuntis sa akin kaya lang ay hindi yata siya humihinga ’pag nagsasalita. Naiwang nakaawang ang labi ko. “Kababata ko ’yun. Masipag at matalino, matino rin kasi wala pang nakakaaway iyon, dito, ewan lang sa maynila!” sinundan niya iyon ng tawa, napangiti na lang ako. “Wala ka pa bang trabaho?” I knew she was staring at my gauze but didn’t ask. “Maghahanap pa lang,” Namilog ang mga mata niya. “Do’n ka na lang sa pinapasukan ko! Hiring kami ngayon ng clerk, tapos ka na ba?” Naghihinayang na umiling ako. “Graduatee, pero kailangan ko nang huminto para makapagtrabaho na,” Ngumuso siya at tumango-tango. “Subukan kong kausapin ang boss ko. Maganda ka naman, baka pumayag na rin ’yun!” “Salamat,” “Ihanda mo na lang ang papeles mo para ’pag nakausap ko na ay ma-interview ka na kaagad,” Hanggang sa makabalik si Art ay hindi pa rin nauubusan ng kwento si Beth. I admit, she makes me smile. At sa nangingiti ako ay naaabutan kong nakatingin sa akin si Art. Bago matulog ay tinulungan pa niya akong hinanda ang tutulugan ko. I almost reprimanded him but I refused, dahil sa huli, alam kong kailangan ko rin ang mga binili niya para sa akin. Iyong mga kulang, na halos pang personal na kailangan ay ako na ang bahala. He bought me a spare cushion bed, quilt and pillows. He even told me dadalhan niya ako ng tv at personal refrigerator pero inalmahan ko na siya roon. That was the least things I will need. Kung papalarin ako sa trabaho ay saka ko na lang iyon pag-iisipan na bilhin. Hindi agad ako nakatulog sa unang gabi ko sa apartment. When I was totally disoriented, bumangon ako at wala sa sariling sumilip sa bintana para tanawin at libangin ang sarili sa kalangitan. Kuliglig at mangilang-ngilan na tricycle ang dumaraan sa kalsada. It was s soulful place for me. Maaga nagpapahinga ang mga tao. And I heartily thought about him. At this hour, where is he? Ano’ng ginagawa niya? May in-attend ba siyang event? Was he so tired? Does he even ate on time? Kamusta na siya? Ang puso niya? Galit na galit pa rin sa akin? Tumingala ako sa kalangitan. I bit my lip and my chest hurt. I so miss him. But everything about us was so f****d up. I may get through this, after all the heataches, bruises, wounds, I may still haunt for him. All I ever wanted was now f****d up. I will love this baby, even if he’s not the real father. A part of me fantasized that he was, but he wasn’t. Nasaktan ako nang itanggi niya. Hindi ko alam kung dala ng pandidiri. And when I look at the mirror, sumisikip ang dibdib ko sa tuwing makikita ang pasa sa pisngi ko. Ang sugat sa noo ko. He ended it—us. Maybe he was just a dream.. Pangarap na masakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD