Chapter 22 Paula Natigil ako sa pagta-type nang malingunan ko ang maliit na opisina ng boss namin sa agency. Hindi lang naman ako ang nakakapansin pati ang ibang katrabaho ko. Mula kaninang dumating siya ay may kausap na siya sa cellphone at parati na itong napapahilot sa noo niya. Ang naririnig kong bulungan ay mukhang taga-city hall ang kausap at may kaugnayan sa memo’ng nakapaskil sa labas ng palengke. Kahit ang mga staff sa barangay center ay bumisita na rin rito iparating ang balitang iyon sa amin. Na magsimula na raw kaming magligpit-ligpit ng mga gamit at lumipat muna pansamantala. Nalipat ang tingin ko kay Beth nang bumagsak ang mga balikat niya at malalim na bumuntong hininga. Kaalis lang ng isang aplikante at nasa examination room na. “Bakit naman nataon pa ’tong renovation