KABANATA 1

1614 Words
KABANATA 1 PUMASOK si Marceline sa malaking Grand Hall na tinatawag at pinagmamay-arian ng pamilya Portugal sa kanilang bayan sa La Hermosa, ngayong gabi ang Annual Hermosa Night at kasama niya ang mga kaibigang babae sa pagdalo. Napaawang ang kaniyang bibig nang bumungad sa kanila ang magandang interior design sa loob, halos masilaw sila sa rami ng nagkikintabang chandelier na nakalambitin mula ceiling, at ang eleganteng mga mesa na may kaniya-kaniyang flower vase na may pulang rosas, ang carpet na kulay pula ay kumokonekta sa dance floor sa sentro habang napapaligiran ang paligid ng naglalakihang mga kurtinang disenyo sa kulay na pula, puti at itim. “Uy, ‘yung anak ni Aling Tasing oh!” Turo ni Teresa sa nakitang kakilala saka humagikhik at lumingon sa kaniya. “Parang no’ng nakaraan lang may pa-speech pa ang nanay niya na raw niya patatapakin ang anak niya sa ganitong kasiyahan dahil ‘di niya raw maaatim, tignan mo naman kung sino pa ang may pinakamaiksing bestida ngayon dito.” Mahinang natawa na lamang si Marceline at nailing habang naglalakad sila patungo sa bakanteng mesa. “Hindi na lang aminin, ano. Kailangan nating lahat ng pera at ito ang realidad, para tayong mga tuta na naghihintay kung sino ang makakapili na bilhin tayo rito. Para iahon sa putik.” Marahas na nagbuga ng paghinga si Angeline sa kaniyang tabi. “Tapos magpapakasal pa kapag inaya kapalit ng pera? Kahit hindi kilala? Parang ayoko! Gusto kong maikasal sa lalaking mahal ko talaga!” “At pareho kayong maghirap dahil pareho kayong mahirap? Huwag ka nang umarte.” Natatawang sermon niya rito. Pare-pareho sila sa bayan, mahirap lang sila, isang kahig, isang tuka sa buhay, kaya naman kung usapang pera ay halos ipagtulakan ng mga magulang sa mga oportunidad sa buhay. At ang Annual Hermosa Night nga ay pinag-uusapan sa buong bayan na dadaluhan ng mga mayayamang lalaki mula sa Maynila o iba’t ibang bayan, pipili sila ng mga babaeng matitipuhan. Kung suswertehin, pakakasalan at dadalhin sa Maynila. “Sige na, Angeline! Lumayas ka na kung ayaw mo! Tignan mo ‘yang noo mo, tinataboy ang swerte namin ni Marceline!” Pabirong saad ni Teresa habang tinatawanan ang isa sa mga kaibigan na kasama. Nag-umpisa na ang event, ang iba sa mga tao ay umiinom ng white wine sa tabi habang may mga kausap na lalaki, at ang ibang kababaihan ay isinasayaw sa gitna habang tumutugtog ang mabagal ngunit romantikong musika. “Bahala na kayo riyan.” Tumayo si Angeline at lumayo sa kanila kaya naiiling na pinagmasdan ito ni Marceline. Sa kanilang tatlo, iyon yata ang pinaka-conservative sa kanila. “Marceline!” Nilingon niya si Teresa at naabutang hindi nakangiti kundi may inginunguso sa tabi niya saka kumindat at lumawak ang ngisi. Kaya sinundan niya ang tingin sa kaliwang direksyon at bahagyang nabigla nang maabutan doon ang isang lalaking nakatayo at nakangiti sa kaniya. Naglahad ito ng kamay. “May I have this dance?” Halos matulala si Marceline sa hitsura ng lalaki, mukha itong may lahing dayuhan at maputing maputi ang kutis, sakto lang sa mataas na height ang matipunong katawan at bagay na bagay sa suot na formal suit. “Go, go!” Pasimpleng pagtulak tulak ni Teresa sa siko niya. “Um... sure.” Hindi malaman ang gagawin, tumayo na lamang siya at tinanggap ang kamay nito. Marahan siyang iginiya sa dance floor at inilagay ang kaniyang mga kamay sa mga balikat nito, saka ipinahinga ang mga palad sa kaniyang magkabilang beywang. Hindi sanay pero pinanatili niya ang titig sa mukha ng lalaki. Nagpapasalamat na lang yata siya na hindi isang matandang 60 anyos ang unang umaya sa kaniya at amoy lupa, madalas kasi ay ganoong edad ang naririto. Pero mayaman kaya hindi tinatanggihan ng karamihan. “Hi, I’m Tristan Lewis.” Pakilala nito sa kaniya, halos matulala pa rin si Marceline ngayong natititigan niya na ito sa malapitan, matangos ang ilong at manipis ang tila perpektong labi. Mukhang babaero sa paningin niya. “You are?” “M-Marceline. Marceline Caridad.” “Napakaganda mo, at sexy,” bumaba ang tingin nito sa kaniyang katawan kaya nailang siya kaagad, mas lalo nang maramdaman niyang umikot ang hawak nito malapit sa kaniyang pang-upo. Nakasuot si Marceline ng bestidang itim na hapit na hapit sa kaniyang katawan, maiksi ang ibabang tela at may sleeves na mahahaba. No boyfriend since birth at suplada sa mga kalalakihan kaya naman hindi siya sanay na hahawakan siya nang ganito ng isang lalaki. Maagap niyang hinuli ang kamay ng lalaki at ibinalik sa kaniyang beywang. “Thank you. Na-appreciate ko ang puri mo sa katawan ko.” Kinagat ni Tristan ang ibabang labi at nag-angat ng tingin sa kausap, nakangisi pa rin at panaka-naka ang sulyap sa kaniyang katawan na may halos perpektong kurba. “So... magkano?” “Huh?” “Magkano ang kailangan mo?” “Hindi ko maintindihan, hindi naman ako nanghihingi ng pera.” Naiilang at hilaw na tumawa nang mahina si Marceline. Halos makabungguan pa nila ang nagsasayaw rin na iba. Pagtingin niya roon ay halos mabilaukan siya. Si Angeline ay kasayaw ng binatang tinuturing na senyorito sa kanilang bayan! Napaisip siya kaagad, mukhang pati ang kaibigan ay hindi na pinaglagpas pa ang oportunidad. Minsan nga lang naman sila makakatapat ng mayayaman na lalaki. Gaya na lang nito. Kaso mukhang... babaero at manyak. “Hindi ka nanghihingi ng pera pero ganoon naman sa ganitong event, hindi ba? I’ll give you money and you’d service me.” Ipinilig ni Marceline ang kaniyang ulo sa narinig at bahagyang umalat ang ngiti. “Service you? Ang dinig ko, may pera ngang involved pero naghahanap ang mga lalaki ng magiging nobya o pakakasalan saka dadalhin sa Maynila...” “Nobya, you mean ‘girlfriend’?” Hindi napigilang mapayuko ng binata at matawa. “I don’t do girlfriends, Marceline, I’m so sorry. Pero hindi ako madamot, napaka-generous kong tao. If you need money, I have a lot of it in my bank accounts, I can also bring you with me in Manila.” Napalunok si Marceline. Hindi niya nagugustuhan ang tono ng kausap pero sa totoo lang ay buo na rin ang nasa isipan niya kagabi pa lang. Kung ano man ang mangyari rito ngayon, kakagatin niya na. Pagod na siyang makitang nagpapaka kuba ang nanay niya sa farm na pinagtatrabahuhan, umulan man o umaraw, at kahit pa halos maghingalo dahil may sakit. “Kaso...” lumabi ang binata at umangat ang sulok ng labi. Lumapit ito sa kaniya at isinara nang tuluyan ang distansya sa pagitan nila, bumulong sa kaniyang tenga na nagpatayo ng lahat ng balahibo sa kaniyang katawan. “...wala ng libre sa panahon ngayon, Marceline. Money in exchange of something.” Tumikhim si Marceline at napalunok nang ilang ulit. Kung makipagusap ang lalaki sa kaniya ay ramdam niyang tila hindi ito ang unang beses sa ganitong usapan, sanay na sanay sa pagkuha ng mga babae sa ganitong paraan. “Tulad ng ano? Payag naman ako basta ba’t... maraming pera ang makukuha ko. Mas marami kaysa sa farm na pinagtatrabahuhan ko.” Nagmamatapang na sagot niya, ayaw ipahalata rito ang matinding kaba sa kaniyang dibdib ngayon. Hindi siya sanay pero bahala na... ayaw niyang mamatay sila sa gutom o sa pagtatrabaho para lang sa maliit na sahod. Pagod na siyang mag-ulam sila ng tuyo at sardinas na pahirapan pa kung utangin sa tindahan malapit sa kanila! Muli ay umahon ang pagkasabik kay Tristan dahil sa narinig. Naisip niyang hindi nga nagbibiro ang mga kaibigan na kasama sa event tungkol sa mga babae sa bayan ng La Hermosa na mami-meet niya rito. Madali ang lahat paikutin para sa pera. “Meet me in Manila, be one of my sluts and I’ll pay you 20k per night.” Natigil sa pagsayaw at paggalaw si Marceline sa narinig. Hindi dahil sa laki ng offer nitong pera, hindi pa siya nakakahawak ng ganoong kalaking pera sa buong buhay niya! Pero natigilan siya dahil sa kailangan niyang gawin para sa pera! “Ano? Ayaw mo ba?” Bahagyang lumayo si Tristan para tignan ang reaksyon ni Marceline, hindi pa rin inaalis ang kamay sa katawan nito ngunit humihigpit ang sinasadyang senswal na paghaplos sa beywang at balakang ng dalaga. “How about 30k per night? Kapag tinanggihan mo ‘ko, baka hindi ka na makarinig ng ganoong offer ngayong gabi. Malas kapag napunta ka pa sa mga may edad at may sakit.” Natatawang tumuro ito sa isang direksyon kaya sinundan iyon ni Marceline ng tingin. Nahanap niya ang isang lalaking talagang may edad na at nakangising kumakausap sa isang kakilala na babae, hindi makangiti ang babae ngunit halatang nasisilaw rin sa mga sinasabi ng kausap. “I assure you that I’m clean, Marceline, and I’m good. Nagustuhan ko lang talaga ang katawan mo, you look... damn hot.” “Ganito ba talaga ang lahat ng lalaki na pumunta rito?” “What do you mean?” “Lahat ba kayo naghahanap lang ng ikakama ninyo?” Natulala si Tristan at natawa rin bandang huli. “Hmm, let’s just say iba-iba ang agenda ng mga pumunta rito. Hindi naman lahat naghahanap lang ng magpapainit ng gabi nila, ang iba ay naghahanap ng magugustuhang babae. Romantically.” Nabalik ang tingin ni Marceline sa kausap dahil sa huli nitong sinabi. Lalong lumawak ang ngisi ni Tristan nang makuha ang atensyon nito. “Honestly, gusto ko rin makahanap ng magugustuhang babae. Nakakapagod din ang puro s*x, front ko lang ang with benefits na setup. Why don’t you try it with me, let’s see kung magki-click tayo sa isa’t isa, malay mo?” Naramdaman ni Marceline ang sincerity sa sinabi nito kaya naman natahimik siya matapos ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD