Chapter Eleven : maximillian & isla

1824 Words

"G–gusto mong sumama?" tanong ni Manang Rosalin nang magsabi akong gusto kong sumama sa kanya sa bayan para mamalengke. Napansin ko kasing wala man lang akong kaalam-alam kung paano mamalengke. Puro na lang about sa politics ang alam ko, nababasa ko naman ang mga bagay na tungkol sa totoong buhay pero iba pa rin kapag sa personal ko mararanasan. "Opo. Naiinip na din po kasi ako kakabasa dito sa bahay, tyaka malamang hindi ko naman po ito magagawa kapag nandito si Dad." paliwanag ko sa tanong niya. Sa kabila ng pagtataka ay nginitian ako ni Manang at binigay na rin niya sa akin ang bayong. "O siya. Halika na. Kailangan maaga tayo roon para may maabutan pa tayong sariwa." nagmadali na siyang lumakad papalabas ng pinto. Natulala pa ako saglit nang isipin ko pa kung ano yung sinabi niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD