Chapter Eight : can we meet

1801 Words
Nanlaki na naman ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya. Paulit-ulit pa iyong nagpaulit-ulit sa isip ko. Kinusot ko pa ang mata ko dahil baka nagha-hallucinate lang talaga ako pero totoong kausap ko ngayon si North. Bakit kaya niya ako pinapapunta dun? Nang ganito kaaga?! This is so random. *Uh… Do… do you mean now? As in now? *I'm sorry to wake you up… Ow again... I still can't get over his voice. It's delicate and soft, yet it's also deep and raspy. Even his voice is seductive. Naalala ko tuloy yung mapupulang labi niya. Yung malambot niyang labi at kung paano iyon lumapat sa labi ko. I shook my head. Ito na naman ako. *No, uh… I'm already awake before you call. *Uh… sorry to call you this early. I uhh... can we… uh… can we meet? *Why? Hindi ko matiis na itanong. *Yeah. I… (he chuckles quietly and awkwardly, like he usually does) I sound creepy now. Am I? *No… I mean… a little… but I got curious why you want me to meet you? Did anything happen to you? Do you need help? *Hindi… wala naman… uhhh… gusto lang talaga kitang makita ngayon. Kung naririnig lang ni North ang t***k ng puso ko ngayon, malamang ayaw na niya akong makita or baka isipin niya inaatake ako sa puso. *Sure. I said. Without any hesitation, I said it. *Sure? Sure like… like sure you're going to meet me now? *Yeah. I just need to change and I'll be there in a minute. *Oh… okay. I'll wait for you here. Nang matapos ang tawag ay natulala pa ako at hindi makapaniwala sa nangyayari. Am I still dreaming? Did North actually call me? Did he really mean that? Gusto ba talaga niya akong makita? Ngayon? Bakit? Halos magkanda-dapa ako sa pagtayo sa kama at pumulupot pa ang isa kong paa sa kumot dahilan para matumba pa ulit ako sa kama. Argh! Relax Rosheen! Chill! - Nagpaalam ako kay Manang Rosalin na kakagising lang din at nakasuot pa ng pajama niya nung palabas na ako ng bahay. "Rosheen, san ka pupunta?" habol niya, dala pa ang kettle na ipapainit niya pa lang. "Dyan lang po sa mall." "Mall? Diba sarado pa ang mall?" nagtatakang tanong niya. "Ah… oo nga po… ah sa tabing dagat po. Aabangan ko lang po ang sunrise." kahit ako ay napangiwi sa halatang pagsisinungaling ko. Hindi na siya nagtanong pa at diretsyo na akong sumakay sa mustang ko at mabilis ko iyong pinaandar. - Madilim pa ang paligid at wala pa masyadong tao bukod sa mga pupunta sa palengke. Kahit na nagtataka pa rin ako sa anyaya ni North ay patuloy pa rin akong nagdrive papunta sa Trademark Mall, na ang sabi nga ni Manang Rosalin ay sarado pa. Mga magaalas-nuebe pa kasi ang bukas nito, kaya di ko rin alam bakit kami dito magkikita ni North. Kahit sa malayo at sa madilim na paligid ay kita ko na agad si North sa likod ng Trademark mall na nakatingin sa mga paa niya habang nasa bulsa ang parehong mga kamay, bukod kasi sa nag-iisa lang siya doon at puting-puti ang suot niyang sweater, ay kita ko din siya dahil sa streetlight kung saan siya nakasandal. Nang makalapit na ang kotse ko ay umayos na siya ng pagkakatayo at inilabas mula sa kanan niyang bulsa ang kanan niyang kamay at kumaway siya. Itinigil ko ang kotse ko sa harapan niya kagaya ng scenario nung unang gabi kaming magkasama. "Hi. Good morning." bati niya. Nakaramdam agad ako ng kaba at excitement nang ihakbang na niya ang mga paa niya palapit sa kotse ko. He's wearing a white sweater, moss green jogger shorts, and white slip-on sneakers. As he gets closer to my car, I notice a quote on his sweater that says, "Soul meets soul on lovers' lips." from Percy Bysshe Shelley book's Prometheus Bound. "G–good morning." bati ko pabalik, halos hilahin ko ang aking dila mula sa ilalim para lang makapag salita ako. "Sorry for asking you to meet me this early." His eyes are so expressive. "Okay lang. May nangyari ba na hindi maganda sayo?" nag-aalalang tanong ko. Nakangiti siyang umiling. "Gusto ko lang sanang yayain ka magkape." I can literally feel every heartbeat in my chest, as if my heart wants to come out. The only thing that goes inside my head are those seven words he said. Those seven words I never imagined he would say to me. I don't know what to say. No one ever asked me that before. Siguro madali lang sakin kung sakaling iba ang nag-alok na makipag-coffee… but North, on the other hand... North is an exception. I never know what to say when he's talking to me, or just standing in front of me. Oo nagawa ko siyang kausapin last time at hindi ko rin akalain sa sarili ko na marami akong masasabi at makukwento sa kanya, maybe it's because he's talking to me a lot that night, and I'm a little tipsy after just one bottle of beer and at Crystin's party, it’s a fleeting moment I never believed that would happen. Tumungo siya, mukhang nahihiya, "Sorry. Alam kong naguguluhan ka sak--" "Saan tayo magkakape?" kaagad kong tanong at binuksan ko ang pintuan ng kotse ko mula sa loob para makasakay na siya. Inangat niya kaagad ang tingin sa akin at nabigla sa mabilis kong pagpayag. Wala namang masama kung makipag-kape ako, at hangga't maaari ay ayokong tumanggi sa kanya and most of all, ito nga yung hinihintay ko nitong mga nakaraang araw. Ang makausap at makasama siya ulit. Nginitian niya ako at sumakay na siya sa kotse. Pumunta kami sa kanila dahil sabi niya ay siya mismo ang magbr-brew ng coffee namin sa mismong kusina nila. Tinititigan ko siya habang nag reready siya sa pagbe-brew ng coffee. Ang counter kung saan niya ipre-prepare ang kape ay nakaharap sa akin kaya kitang-kita ko ang bawat galaw niya. They have whole bean coffee in the jar, it's only half full, so maybe he's always brewing. That is one of the things we have in common. We both enjoy coffee. He begins grinding the whole grain coffee in the hand mill coffee grinder. Hindi ko na naman maiwasang hindi tingnan ang magagandang kamay ni North habang gina-grind niya ang whole grain coffee. Seryoso siyang nakatingin sa ginagawa niya at lalo akong na-aamaze sa mga nalalaman kong kaya niyang gawin. Palibhasa sanay ako sa mga bagay na isusubo na lang sa akin kaya naman sobra akong amazed sa mga ginagawa ni North na ngayon ko lang nakikita. He begins preparing the coffee for extraction by pouring hot water over the grounds after grinding it. The way he circles the hot water from the center at ang kanyang kaliwang kamay ay nakatuon sa mesa, meron na naman sa sistema kong nabuhay at kung anu-ano na naman ang pumapasok sa imagination ko. Bakit ba kahit gaano ka-simple lang ng mga bagay na ginagawa niya, mga sinasabi niya… lahat ng tungkol kay North kahit ano pa yun, ay iba ang nagiging dating sa akin, iba ang epekto sakin ng bawat kilos at pananalita niya. Kung sa iba normal lang yun, because that is his normal behavior, but for me, it's different. Is it because this is the first time we've ever spoken kaya hindi ako sanay sa mga ikinikilos niya o masyado ko lang talaga siyang gusto? Dahil kahit lagi akong nakatingin sa kanya noon sa malayo iba pa rin na ngayong nakaka-usap ko siya, nakakasama ko siya... na kami lang o talagang iba siya… iba siya sa akin? Inangat niya ang tingin mula sa katatapos niya lang na pagbr-brew ng kape, hanggang sa akin na diretso ang tingin sa kanya habang pormal na nakaupo dito sa sofa nila. "Why are you sitting like that? Hindi ka ba komportable?" tanong niya habang papalapit sa akin at dala ang dalawang mug na may mainit na kape na ang bango-bango. "Ah…" umayos ako ng upo. Sa totoo lang hindi ko talaga alam paano umupo ng komportable. Lalo kung kasama ko si North. Natawa siya ng mahina, siguro ay dahil kahit anong gawin kong upo ay awkward pa rin ang pwesto ko. Inabot niya sa akin ang isang mug. "Gusto mo dun tayo sa beranda umupo?" Tumango ako at lalong lumaki ang ngiti niya. Nauna akong naglakad at nauna rin akong umupo sa adirondack nila doon sa labas. Hindi ako masyadong umupo dahil nagmumukha akong nakahilata doon. "Hindi ka parin ba komportable?" tanong niya nang mapansing konti lang ang upo ko. Agad akong umiling. "No. I'm fine. I'm fine with this." Instead of sitting on the other adirondack beside me, he just stood in front of me, leaning against the porch railing with his right hand holding the mug. Lalo akong nailang sa pwesto niya. Para akong isang view at sa akin siya nakatitig, kaya naman habang hawak ng dalawang kamay ko ang mug at umiinom ako ay iginagala ko kunwari ang mga mata ko sa mga puno sa paligid, pero ang totoo ay kita ko naman ang bawat galaw niya sa gilid ng mga mata ko. "Do you have anything planned for the summer?" Tanong niya na nagpalingon sakin. Kanina kasi ay pareho kaming tahimik at ang mga huni lang ng ibon ang naririnig namin. "What kind of plans? Outdoor?" tanong ko pabalik. Kasi kung indoor, pagbabasa lang naman maghapon magdamag ang plano kong gawin. Tumango siya bilang sagot sa tanong ko. "No. I don't have one." I quickly answered. "Wala ka bang political class?" tanong niyang muli na may halong nang-aasar. Natawa ako at napangiti siya. Pero… paano niya nalaman yun? "How did you know about my summer classes?" nagtataka kong tanong. "Everybody knows about everybody here in Autumns." Ngumiti ako ng tipid. "Yeah. That's kind of true. It's a very small town. There are only 500 of us here." Tumango-tango siya habang ngumingiti-ngiti. Well, ano pa nga ba ang inaasahan ko, I’m sure lahat ng kilos ko alam ng karamihan lalo na at anak ako ng Mayor at inaasahang ako ang susunod sa pwesto. "I–I thought you didn't know anything about me." Hindi siya agad nagsalita, imbis ay tinitigan niya lang ako ng mabuti. His looks seem to mean something. Pero ni katiting na ideya ay wala ako. Kung kanina ay iniwasan ko ang mga tingin niya. Ngayon ay sinalubong ko na ang mga iyon. Nagpakita na ang araw kaya maliwanag na ang paligid. Pero sa kabila ng ganda ng tanawin ay tanging sa mga mata niya lang nakatuon ngayon ang buong atensyon ko. He has these deep-set hazel eyes that shine like a gem and it is staring right at me. Ipinatong niya ang mug sa railings nang hindi iyon tinitingnan at mabilis niya akong nilapitan para halikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD