Chapter Nineteen : at least write my name

1857 Words

Hindi ko mapigilan ang tuloy-tuloy na pagbagsak ng mga luha ko kaya tumayo ako at bago pa niya makitang umiiyak ako ay tumalikod na ako sa kanya. Kunwari ay gusto kong lumapit sa pampang pero ang totoo, hindi ako makahinga sa pagpipigil ko ng iyak. Para akong aatakihin sa sikip ng dibdib ko. “Gusto mo bang mag-swimming?” tanong niya at tumango tango lang ako habang naglalakad na ako papunta sa tubig. “Okay… kukunin ko lang yung sun block sa loob.” nang maramdaman ko siyang lumakad pabalik sa cabin ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Dali-dali na akong nanakbo ng tuluyan papunta sa tubig. Hinilamusan ko ang mukha ko para hindi niya mahalatang umiyak ako. Nakasit-squat ako at nakita ko ang reflection ko sa tubig. This isn’t me anymore. Hindi ko na makilala ang sarili ko. Hindi na ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD