CHAPTER 6- I MISSED YOU SO BAD

1542 Words
*ASHLEY* Matapos ang hindi nila inaasahang pagkikita sa bahay ng kanyang Boss, nagawa niya paring pumasok kahit sa kaloob-looban niya ay matinding pagsubok ang mangyayari mamaya sa opisina. Hinahanda naman talaga niya ang kanyang sarili kahit noon paman. Napa-aga pa yata ang pagdating niya dahil wala pa ang Boss niya sa opisina nito. Nakabukas naman ang blinds kaso ni anino nito ay wala. Nag-isip siya tuloy na baka na traffic lang kaya tinanghali. She tried to busy her self while waiting to his Boss. Ngayong araw ng lunes ay loaded ang schedule nito kaya hindi pweding hindi ito papasok dahil panigurado siya na naman ang haharap sa mga clients at business partners nito. Yo'ng nangyari no'ng isang gabi ay fully paid din siya kaagad. Hindi lang doble sa sahod niya dahil sobra-sobra pa. No'ng una ay talaga naman nag git-gitan pa sila ni Kai dahil bakit kailangan niya pang mag bayad para mag panggap kung may girlfriend naman ito pero saka niya lang din nalaman na laro lang ang lahat. Dahil mukhang pera siya at praktikal siya sa kanyang hinaharap na problema ngayon kaya niya pinatos kahit ang dami niyang tanong sa sarili. No'ng isang gabi niya lang din nalaman na magkapatid pala si Kai at Ryuku. Ang malala pa ay hindi alam ni Kai na sekretarya siya ni Ryuku. Pero pagdating sa mga magulang ni Ryuku ay hindi niya maiitanggi na hindi siya nakalusot dahil kilala talaga siya ng mga ito. “Wala parin? Anong oras na, ah.” bulong niya sa kanyang sarili nang muling sinilip ang oras sa kanyang wrist watch. Lampas na ng isang oras ang pagka-late ng kanyang Boss at ngayon nalang ulit ito nagkaganito. Kahit ayaw man niyang tawagan ay ginawa niya parin para malaman ang dahilan kung bakit wala pa ito. Hindi niya alam kung bakit kabado siya kahit hinahanap palang naman niya ang number nito sa contacts niya. Tumikhim siya ng dalawang beses bago pinindot ang call. Naka-apat na ring bago sinagot. Lumunok siya bago nagsalita. “H-Hello?” nag-aalangan niyang imik. Di hamak na malakas pa ang kalabog ng kanyang dib-dib kaysa sa kanyang pag-imik kaya inilayo niya pansamantala ang cellphone sa kanyang tainga to breath deeply then heave it out. “Hmmm,” malalim na ungot ang narinig niya sa kabilang linya. Nagtaka siya at basta nangunot ang kanyang noo dahil alam niyang nakahiga pa ito! Tila antok na antok pa ito dahil naririnig niyang panay pa ang paghihikab. Seryoso ba siya? Aniya sa kanyang isip. “L-Lunes po ngayon, Sir.” pag papa-alala niya dahil baka nakakalimutan lang nito dahil sa sobrang antok at kasarapan ng tulog. “I know.” pasuplado nitong saad na ikinatahimik niya. So, what she gonna do now? Automatic, siya ang haharap sa lahat ng appointment nito. “Ahm, sige mukhang hindi ka naman papasok.” aniya sa boses na tila naiinis. Pero hanggang doon lang naman ang kaya niya dahil trabaho niya naman talaga ang gano'n sa tuwing absent ito. Wala siyang dahilan na kumalas dahil empleyado lang din siya. “I'm not feeling well. I-cancel mo muna lahat ng appointments ko ngayong araw.” biglang paliwanag nito sa kanya. Natahimik siya ng marinig na masama ang pakiramdam nito knowing na kapag hindi okay ang pakiramdam nito at talagang tumataas sa 40 celsius higit ang lagnat nito. Kinabahan siya bigla but aside from that nanibago din siya dahil dati-rati ay hindi naman ito nag ka-cancel ng appointmen. Galit naman talaga ito sa trabaho kaya marapat lang na magtaka siya. Nakakapagpatino pala ang masama ang pakiramdam. Aniya sa isip. “Pwedi na rin na umuwi kana muna. Wala ka namang gagawin, d'yan.” segunda nito na lalo lang ipinagtataka niya. Naningkit pa ng bahagya ang kanyang mga mata dahil iniisip niya kung bakit bigla-bigla itong naging mabait. Ayaw niya man sana na tanungin ito pero syempre baka konsenya niya pa kung may mangyaring masama sa tao kaya nilakasan niya ang kanyang loob. Kunyare hindi talaga sila mortal enemies in person. “O-Okay ka lang ba diyan? N-naka-kain kana ba? M-may lagnat ka ba?” tila reporter siyang sunod-sunod ang mga tanungan. When she realised tahimik niyang tinapik ang kanyang bibig. “I-im not, Ash.” tila nakaka-awa nitong sambit. Lumukob ang konteng awa sa kanyang kalooban. Ibang-iba ito ngayon kumpara sa normal nilang pag-uusap at pagkikita sa araw-araw. Parang may kirot siyang naramdaman sa kanyang dib-dib dahil sa narinig niya. Weird lang dahil nagagawa naman pala nilang mag-usap ng gano'n ka kalmado kahit medyo may pag-alinlangan pero bakit nagagawa parin nilang maging aso at pusa. Sa totoo lang suntok sa buwan na mag-usap sila ng gano'n ka kalmado. Yo'ng tipong walang angilan. Walang taasan ng boses. At walang palitan ng masasamang salita ay hinihiling niya sana lagi nalang itong may sakit. Naging bastos na ulit siya. Pinatayan niya ito ng ng walang paalam. Hindi niya alam kung bakit bigla-bigla siyang nagkaka-gano'n. Alam naman niyang hindi siya dapat mag-alala ng gano'n ka lala dahil una sa lahat may fiancée ito na mag-aalaga but what she can do kung trabaho niya rin bilang sekretarya na alagaan ang Boss niya kapag hindi ito okay. Ibinilin niya ang sa bagong sekretarya ang mga dapat niyang gagawin. Like his Boss said ikinansel niya lahat ng appointments na naka-schedule ngayon. “Ito Hija ang susi. Ikaw na ang bahala sa kanya, masyadong matigas ang ulo kaya ayon, lagnat ang inabot.” bungad sa kanya ng personal driver ni Ryuku. Alam niya kung saan ang mismong bahay nito bukod sa condo unit nito. Inabot narin niya ang susi sa driver bago hinagilap kung alin ba ang para doon sa pintuan. “Bakit, ano hu ba ang nangyari?” dala ng kuryusidad kaya naitanong narin niya. Nagkamot sa ulo ang matandang driver bago siya sinagot. “Umuwi ba naman kagabi na langong-lango sa alak. Tapos nag basag pa ng kung ano-anong babasagin diyan sa loob.” tila problemadong kuwento sa kanya ng driver. Hindi niya alam ang totoong dahilan at ayaw niya rin manghimasok kaya hindi narin siya mag tanong ng kung ano-ano. May dala siyang isang supot na may laman na mga gamot at kung ano-anong ointment. Dumaan siya madali kanina sa pharmacy para bilhan ito ng magiging lunas. Pagkapasok niya sa loob ng bahay ay sa kusina agad siya dumiretso. Ipinagluto niya ito ng soup para makakain ito bago uminom ng gamot. Bukas ang pintuan ng kuwarto nito kaya hindi na siya kumatok dahil baka hindi rin naman nito maririnig dahil tulog na tulog na yata. Nilapag niya sa bedside table nito ang dalang tray na may soup, tubig at mga gamot. Tahimik siya at walang ingay na nag tungo sa banyo para basain ang kinuha niyang malinis na bimpo para ilalagay sa noo nito para pa ampatin ang init na bumabahay sa katawan nito dala ng lagnat. Alanganin man pero nagawa niya parin itong ilapat sa noo ni Ryuku kahit alam niyang mabubulyawan lang siya nito kapag nagising. Naramdaman nito ang biglang lamig na lumapat sa balat kaya napangiwi ito ng mukha. Napatigil din naman siya at tila tinatansya din kung kelan niya gigisingin. Unang beses niyang makakapasok sa kuwarto nito kaya hindi niya maiwasan na hindi ilibot ang paningin at napapamangha nalang siya dahil sa angking ganda ng loob nito. Syempre dahil isang magaling na Engineer ang may-ari kaya hindi na siya magtataka kung bakit gano'n 'yon kagara. Natigilan siya at tila nanlamig at dumaloy agad ang hindi maipaliwanag na emosyon nang basta hawakan ni Ryuku ang kanyang isang kamay! “I missed you so bad,” napapaos nitong sabi habang nakapikit parin ang mga mata. Paulit-ulit na pinipisil nito ang kanyang malambot na kamay. Hindi niya alam kung nangangarap lang ba ito at napagkamalan siyang fiancée nito pero bakit iba ang talab sa kanya. Para siyang nalungkot at tila nasasaktan base sa sinabi nito kahit alam niyang hindi naman siya ang tinutukoy nito. Nagbuga siya ng hangin para pakalmahin ang sarili bago dahan-dahan na hinihila ang kamay na hawak-hawak parin ni Ryuku but she was surprised and stuck ng basta siya higitin ni Ryuku dahilan para dumagan ang katawan niya sa dib-dib nito. Halos maamoy na niya ang mabangong hininga nito dahil sa lapit ng kanilang mga mukha. Awtomatiko niyang kinagat ang kanyang ibabang labi para maiwasan ang tensyon pero lalo lang siya natigilan ng makitang bahagya itong nakamulat at hindi man lang nagulat ng makita siya. Sa labi niya agad napatingin si Ryuku kaya lalo nang tumahip ng malakas ang kanyang dib-dib. “Ahm... A-Alis na...ako.” nauutal niyang sabi kaso lalo lang siya nito hinapit palapit sa katawan ni Ryuku at hindi niya inaasahan na mag dikit ang kanilang mga labi. Namilog ang kanyang mga mata! Bigla siyang nataranta! Lalong namula ang kanyang mga tainga at magkabilang pisngi. Tila lumalagblab ang apoy sa kanyang sestema dahil sa ginawa nitong paghalik sa kanya! “That's the reward of taking care of me.” paos nitong sabi bago ulit sinakop ang kanyang mga labi. She restrain her self para hindi sagutin ang maiinit na halik nito pero masyado siyang marupok para magpadala sa pang-aakit nito! Alam niyang mali ang ginagawa niyang pagpapaubaya pero anong magagawa niya kung nalulunod na siya sa mga halik nitong tila dinadala siya sa kalawakan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD